Kabanata 8

27.5K 1.1K 221
                                    

Kabanata 8

I never stalk someone...not until today.

It's almost midnight and I assumed that I would not see an employee at this hour. Kaya nang makita ko ang CEO na narito at may kasamang babae, gumana ang kuryosidad ko.

I went inside the building after a few minutes when they went inside. Pasalamat na lang ako at medyo inaantok ang guard na nagbabantay at mukhang inakalang empleyado lang ako na pupuntang opisina. 

"Shit naman," I whispered at myself when I realize I can't see anything with that thick looking door of his office. 

I tried leaning against the door but I still can't hear a thing. Ilang minuto bago ko napagpasiyahan na tumigil na sa kahibangan ko dahil wala naman akong mapapala. I head back to the cafeteria where I can still see the building. 

Minutes later, I saw Draisen and that woman again. Mukhang paalis na ang babae habang si Draisen ay nanatili sa may building. After the woman went away, he went back inside the building, probably to his office. 

"Ginabi ka na naman," panimula ni Chelsea na mukhang nag-aabang kung may ikukwento ako. "Hulaan ko, nagdate kayo nung nilandi mo last time?" 

Narinig ko ang tawa niya nang makita ang pagngiwi ng mukha ko. Naalala ko na naman 'yon, sana lang tantanan na niya ako dahil impormasyon lang naman ang kailangan ko. Kung ang plano nila ay siraan ang Navis, e 'di good for them. 

"The article was removed," balita ni Chelsea.

Kumunot lang ang noo ko habang nagbibihis na matapos maligo. Nakahiga pa rin siya sa kama ko at may hawak na laptop na mukhang may pinagkaka-abalahan.

"About the Navis issue, it was removed." 

"Pumayag si Tito?" 

She shrugged. "I don't know, but it was unpublished. Pinabalik din 'yong mga printed publication na naglalaman ng article na 'yon."

I gritted my teeth. Hindi na ako magugulat dahil do'n at sa kung anong kaya nilang gawin. Maybe I need to do more so that even if they got the power to remove it, the humiliation would be enough to prolong it. Something so huge that is enough to ruin them...bit by bit.

I have to find more. I need more. 

Sa sumunod na araw ay hindi ako tinantanan ng Dylan na 'yon dahil siguro nag-assume na may namamagitan na sa'ming dalawa dahil sa mga pagpayag ko. I kept acting docile around him even though I was getting pissed. 

"Bagong admirer?" nakangisi si Donna sa akin habang kumakain kami sa cafeteria. 

"Hindi, ah." ngumiti ako at umiling. "Magkaibigan lang kami."

"Talaga? E kung dalawin ka rito halos araw-araw. Sure kang hindi mo boyfriend?"

"Hindi," pagtatanggi ko habang natatawa.

Nakita ko na naman 'yong Dylan na palapit at may bitbit na pagkain para sa'kin. Iisipin ko sanang sweet gesture kung hindi ko lang alam kung anong gusto niyang mangyari. Palagi na lang niya ako aayain pagkatapos ng trabaho, ilang beses akong tumanggi at nagrason na lang. 

Nanatili ako sa may lugar namin matapos ang trabaho. Ilang beses ko na ring pinagtataguan 'yong Dylan dahil naaalibadbaran na ako sa presensya niya. Ilang minuto akong naghintay at nakita ko ulit si Draisen patungo sa building at may kasama ulit siyang babae. 

I kept doing that for the next days and I find it so suspicious. Ilang beses kasi naulit sa tuwing nagpapaiwan ako sa trabaho para manmanan ang building. It was always at night and the same time when he brought different women. 

Chasing the Void (Magnates Series #3)Where stories live. Discover now