Panimula

79.3K 2K 2K
                                    

Panimula

"Mga maliliit na yate muna ang unahin niyong linisin dahil marami-rami 'yon." sabi sa amin ni Mrs. Dela Torres. "Siguraduhin niyong malinis ang bawat sulok no'n, ha. Nakakahiya sa parating na bisita."

"Opo," sabay-sabay naming sagot.

Nakahilera kaming mga maglilinis ng mga barko. Mga halos sampu kami at pagtutulungan namin ang paglilinis sa buong araw.

It was a usual day of working. Napansin kong mas dumami kami kumpara sa nakaraang araw, marahil ay may bisitang pupunta sa sunod na Linggo.

"Huwag kayong pakalat kalat, ha. At mag-ingat kayo sa mga makinarya at kasangkapan sa loob. Kapag may nasira riyan maski isa ay magbabayad kayo ng malaki. Nakuha niyo?"

"Opo."

As we walked towards the yacht, my gaze went towards the surrounding. The bright sky beautifully complimented the pristine vast sea making it look picturesque. Ang hati sa pagitan ng dagat at langit ay nagpapakita ng lawak nito na halos hindi maaabot ng tingin.

We are in a port where several high-end vessels are lined up which is all owned by the company we're working in, Navis Steel. It is a shipbuilding company that manufactures and produces vessels all around the globe. Bukod sa gumagawa sila ng mga barko ay sila rin mismo ang nagpoproduce ng sarili nilang materyales tulad ng mga bakal at makinarya.

We were walking in the dock towards the yacht that Mrs. Dela Torres wanted us to clean. Ito ang pinakamaliit nilang yate pero malaki pa rin ito kung titignan kaya panigurado ay magtatagal kaming maglinis dito.

Hinati na namin ang bawat gawain para mas mabilis. I chose to stay on the deck, just near the office.

"Ako na riyan, Riyel." lumapit sa akin si Ronnel at kinuha ang trash bag na naglalaman ng mga kalat na winalis ko kanina.

I smiled at him. "Salamat,"

Kinuha niya iyon mula sa akin at ngumiti. Binuhat niya iyon kasabay ng kanya patungo sa basurahan. Nagpatuloy ako sa pagwawalis ko.

"Hindi pa rin ba nanliligaw 'yon?" tanong sa akin ni Donna.

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman siya manliligaw sa'kin? Magkaibigan lang kami."

"Magkaibigan pero kung magpakitang gilas sa'yo parang kulang na lang dilaan niya 'yong maaapakan mo."

"Sobra naman, Donna." natatawang umiling ako.

Nagpatuloy kami sa pagwawalis ni Donna hanggang sa matapos namin ang buong deck. Sunod na ginawa namin ay ang pagma-mop. Medyo mahirap dahil bilad kami sa arawan at napakainit pa.

Nang matapos namin iyon ay pinagpahinga muna kami pabalik sa field kung saan may maliit na cafeteria at inabutan ng meryenda. May lamesa na nakalatag doon na malapit mismo sa may opisina ng kompanya.

"Riyel," biglang sumulpot si Ronnel na may dalang bote ng tubig at inabot sa'kin. "Baka nauuhaw ka kaya binilhan kita ng tubig."

Nakangiting tinanggap ko 'yon. "Salamat,"

Donna glanced at me meaningfully. Pabirong siniko niya pa ako kaya natawa na lang ako.

"Ronnel, nauuhaw rin ako." si Donna.

"Doon sa dagat marami, salukin mo na lang." sagot ni Ronnel kaya iritableng ngumuso siya.

"Ah, gano'n kapag maganda halos luhuran mo. Napakasalbahe mong, animal ka."

"May kamay at paa ka naman. Kaya mo na 'yan."

Nagbangayan pa silang dalawa bago umalis si Ronnel at nagpaalam na babalik siya nang bigla siyang inutusan dahil may aayusin. Nakanguso pa rin si Donna at natawa na lang ako.

Chasing the Void (Magnates Series #3)Where stories live. Discover now