Kabanata 27

28.4K 1.3K 740
                                    

Kabanata 27

Halos mamatay ako sa pag-ubo. Tumayo siya at pagkabalik niya ay binigyan niya ako ng parang juice o cocktail na 'yon na kinuha niya sa dumaang waiter. I drank it immediately. Ilang segundo bago ako nahimasmasan.

Hindi ko talaga kinakaya ang sinasabi ng batong 'to. Pabigla-bigla at mukhang kung anu-ano lang ang binibitawan niyang salita.

I should be used to this now because I've been interacting with him for so long, but now, he could definitely still make me speechless with the way he thinks. 

Kung ano na lang talaga ang lumalabas sa bibig ng batong ito at hindi ko alam kung pinag-iisipan niya ba.

"Ang advance mo mag-isip, alam mo 'yon." tumawa na lang ako kahit na ramdam ko ang init ng mukha ko dahil sa pagkasamid ko kanina. Pinagpawisan pa ako ng malamig dahil sa kaba.

He remained unbothered while his gaze was still on me. Ako ang umiwas ng tingin at binaling na lang ang tingin sa may counter bar sa gilid. 

"You think I'm impotent?" he asked, his brows furrowed.

Umawang ang labi ko sa sinabi niya.

Seriously? This rock! Iyon pa talaga ang iniisip niyang iniisip ko at hindi dahil ang weird ng sinabi niya na bubuntisin niya ako. Sinong matinong tao ang magsasabi ng gano'n?

"You think I will let you impregnate me?" tanong ko pabalik.

Hindi na naman siya sumagot. Napataas ako ng kilay at handang bumawi sa kung anong ibabato niya sa aking kaweirduhan. 

"Hindi pa ako handa sa mga gano'ng bagay! Gusto kita pero hindi naman ako tanga at desperada na bubukaka para gumawa ng bata!" dire-diretsong sinabi ko. 

Umirap pa ako at inubos ang inumin na inabot niya sa akin kanina. Napatigil lang ako nang marinig ko ang mahinang tawa niya. Agad na bumaling ako sa kanya dahil nagulat ako. There was a small smile on his face, amusement was evident on it.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" tanong ko.

"You're flustered again."

"Aba malamang! Sinong hindi mawiwindang kung harap-harapan mong sinabi sa akin na bubuntisin mo ako!"

"I meant it as a joke."

Kumunot ang noo ko sa rason niya.

Puwes hindi nakakatawang biro 'yon! Gulantang ako, e! Palagi kasi niyang pinanghahawakan ang kung anong binibitawan niyang mga salita. Ni minsan hindi ko maisip na magbibiro siya dahil sa sobrang seryoso niya.

"You actually think I'll get you pregnant if you're not ready?" he asked.

I bit my lip and my eyes widen in a fraction. Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi niya. His expression still looks serious but there's something playful in it.

"So you mean to tell me that you'd do it if I was ready?" kinakabahan ako ng konti.

"Of course, I don't want to force you." 

Hindi ko alam kung bakit ninerbyos ako. He's indirectly saying that he'd make me pregnant and the only thing that's hindering it is because I wasn't ready. But he has plans...he actually has plans on literally doing it! 

Sumeryoso ako ng tingin sa kanya. "Bakit mo gagawin 'yon?" 

"Hmm?"

As I look at him, I know he knows what I was talking about, he was just waiting for me to continue my statement. 

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinakalma ang sarili ko. I was having cold sweats, don't know how to confront this situation.

"Anong meron sa'tin?" seryosong tanong ko.

Chasing the Void (Magnates Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon