Kabanata 32

34.5K 1.4K 1.3K
                                    

[Warning: R-18 Read at your own risk.]

Kabanata 32

"Ang ganda ng view sa labas, 'no?"

"Yes..." he replied. "It's indeed too beautiful that you mentioned it four times already."

"Ah, gano'n ba?" I forced a laugh. "Maganda naman kasi talaga."

Nakaupo na kami sa may lamesa at nagsimula nang kumain. Dahil hindi ako mapakali sa katahimikan ay kung anu-ano na naman ang sinasabi ko. He knows it and he's trying so hard not to make fun of me.

Matapos nang nangyari kanina ay pakiramdam ko gusto ko na lang magteleport paalis. Hindi pa rin ako makaget-over lalo na't ramdam ko pa rin 'yong pakiramdam ng labi at dila niya sa may kamay ko.

It felt weird yet it was...

Namula ang buong mukha ko at agad na napainom ng tubig para maibsan iyon. I feel so hot that I can't process any rational thoughts right now. Ilang ulit nagrereplay sa utak ko 'yong nangyari kanina.

That image of him biting and chewing slowly the cupcake on my hand. And the way he sensually licked the cream off my palm while never tearing eye contact at me.

Parang gusto ko na lang maging cupcake.

Halos i-umpog ko ang ulo ko sa lamesa dahil sa kung anu-anong naisip. Ano ba, Riyel! Bakit napakakalat mo ngayong gabi, nakakahiya ka!

"Nasabi ko na bang ang ganda ng view sa labas?" I stupidly asked to pre-occupy my thoughts with anything other than that dirty ones I have in mind.

He pursed his lips, suppressing to chuckle at my nervousness. He seemed amuse that I was so talkative whenever I'm agitated.

"I don't know if I'd feel bad or I'll just enjoy watching you all flustered." 

Sumimangot ako sa pang-aasar niya. "Saya mo, ah."

"I am having fun,"

I narrowed my eyes at him and went back to eating. Pinilit kong umakto nang maayos dahil ayokong isipin niya na kung saan saan na napadpad ang imahinasyon ko. Baka magulat pa siya dahil censored 'yon.

"Bakit kasi hindi mo sinabi sa'kin na birthday mo pala," pagbubukas ko ng panibagong topic.

"It's not that important. You don't have to know."

"Importante 'yon!" sabi ko. "Dapat pinaalam mo sa'kin para pinaghandaan ko. Hindi 'yong cheap na cupcake lang."

"But I like it," depensa niya. "I enjoyed the cupcake."

Muling nag-init ang mukha ko. That image of him licking and eating the cupcake on my hand appeared on my mind again. Muntikan ko na talagang ituloy ang pag-untog ng ulo ko sa may lamesa.

"Out of all the celebration for my birthday, I definitely prefer this one."

Sinamaan ko siya ng tingin at sumimangot dahil sa pinagsasabi niya. Nilalandi na naman ako ng batong 'to o kaya naman wala siyang alam kung gaano ako naaapektuhan sa mga pinagsasabi niya.

"Babawi ako sa sunod na birthday mo!"

It was a definite statement but when I saw his smile grew more I immediately felt shy. Talagang inassume ko na magtatagal 'tong sitwasyon namin. And he's probably making fun of me inside his head.

"Then I can't wait for that," he said.

Kumain kami at nagkwentuhan ng kung anu-ano. I was actually interviewing him and asking him a lot of questions. Gusto ko malaman lahat lahat ng tungkol sa kanya para alam ko ang gagawin ko sa susunod.

Chasing the Void (Magnates Series #3)Where stories live. Discover now