Kabanata 25

30.5K 1.4K 714
                                    

Kabanata 25

"Ni-research mo ba 'to?" natatawang tanong ko sa kanya.

Nakaupo kami sa malaking bato at tawang-tawa ako na sinubukan niyang mangisda. Mukhang seryoso siya na gusto niyang subukan 'yong sa mga wildlife.

"Nanood ka ng video tutorial, 'no?" humagalpak ulit ako ng tawa kasi seryosong seryoso siya. His action was so scripted, like he's demonstrating something out of a video.

"I also read books." he honestly said.

Natawa ako sa pagiging honest niya.

"Alam mo minsan nakasalalay rin sa swertihan talaga." sabi ko at kinuha 'yong isang fishing rod na pinahiram sa'min. "Kahit ano pang galing mo sa pagsunod ng instruction, hindi pa rin masisiguro na makakahuli ka ng isda."

"What do you suggest then?"

"To just trust your guts," sabi ko at hinagis ng malayo ang tali ng akin. "And take risks."

Hindi siya sumagot. Ilang minuto ang lumipas at naramdaman ko ang paggalaw ng tali ko. Natuwa ako at agad na pumwesto. It also got his attention. I smirked and rotated the handle. Mas lalo akong natuwa nang ilang segundo ay may isda kaming nakita.

"See?" I smirked proudly. "Amazed ka na naman sa'kin. Ako na talaga."

He frowned at me. Mas lalo lamang akong natawa. Nilagay ko ang nahuli kong isda sa may bucket sa gilid.

"Ano? Paramihan ng huli?"

"Why would we compete?"

"Para may thrill. Para mas ganahan tayong manghuli ng isda." ngumisi ako at bumaling sa kanya. "Why? Scared that I might beat you to this?"

His brows furrowed. "You're provoking me so that I'd agree with this?"

"Uh huh," I nodded. "Walang binatbat 'yang mga research mo sa kakayahan ko."

"Still not doing it."

"Hmm..." nag-isip ako. "Ganito na lang, ang manalo p'wedeng mag-utos ng kahit na ano sa natalo."

"Not tempting at all."

"P'wede mo 'kong utusan na tumahimik ng buong araw." pang-uuto ko pa. "O kaya na hindi ako mangulit para naman makamit mo 'yong katahimikan na inaasam mo."

Nakita kong napaisip siya na tila ba gumana 'yong mga pinagsasabi ko. Bahagyang napataas ang kilay ko, talagang gusto niyang manahimik ako. Hindi man lang talaga itinanggi.

Sa huli ay pumayag na siya sa kalokohan ko. We started fishing and I was confident because I've done this a lot of times with my family. Kuya Axel and I would often compete with it and I always end up winning, I guess I was just born lucky.

"Where are you going?" I asked.

"Finding a spot."

Natawa ako. "So, you're up for it now?"

"I want my peace." 

Mas lalo akong humagalpak ng tawa. Naghanap nga siya ng magandang pwesto at talagang tinatantiya pa ang temperatura ng tubig. Pinigilan kong matawa dahil seryoso siya sa ginagawa niya.

Ilang minuto ang lumipas ay medyo naging mahirap ang pamimingwit namin. Hindi masyadong marami ang isda kaya medyo natagalan kami. Ang laki ng ngiti ko nang magbilangan na at halatang ako ang nanalo.

"Pa'no ba 'yan?" mayabang na ngumisi ako sa kanya. 

"What do you want?"

"Mamaya ko sasabihin," ngumisi ako.

Chasing the Void (Magnates Series #3)Kde žijí příběhy. Začni objevovat