Kabanata 39

29.5K 1.1K 532
                                    

Kabanata 39

"Ang ganda mo po, Ate. May boyfriend na po ba kayo?"

Hindi ko napigilan ang pagtawa ko nang tinanong nila sa'kin 'yon sa kalagitnaan ng pagtuturo. I handled the new class today, volunteering to teach them. I was assigned to teach Basic Mathematics. Mabuti na lang at tanda ko pa kahit papaano.

"Si Ralph kinikilig, oh!" sabay turo nila sa namumulang batang lalaki sa may unahan. "Yieee! Crush si Ate Riyel!"

Napuno ng hiyawan at kantiyawan ang mga klase at nagturuan pa nga. Nakita kong hindi makatingin sa akin si Ralph dahil sa panunukso. I was grinning, feeling fluttered because of it. 

"Ang ganda ni Ate Riyel, imposibleng wala pa siyang boyfriend!" sabi ni Nicole sabay baling sa'kin. "Hindi ba, Ate?"

I suddenly remembered a person in my mind. Ilang buwan pa lang pero pakiramdam ko parang ang tagal na. I was happy with my decision and I'm more than happy that I'm getting fine now. 

Nakakamiss naman 'yong batong 'yon. 

"Actually..." ngumisi ako. "May asawa na ako." 

Lahat sila nabigla at nagtilian dahil sa anunsyo ko. I was grinning widely. Kinikilig din ako sa anunsyo ko. Naalala ko kasi na 'yong huli kong kasama si bato, may pa-singsing na kaagad siya.

"Talaga po?!" mukhang na-engganyo pa lalo sila. "Sino? Taga rito rin po ba, Ate?"

"Hindi," tumawa ako at umiling. "Sa malayo,"

"Totoo po ba siya?"

"Aba siyempre! Sobrang gwapo kaya no'n at sa dami ng may gusto sa kanya, ako 'yong pinili niya!" pagmamalaki ko pa. "Ang ganda ko lang naman kasi talaga. Ako lang naman kasi 'to, si Ate Riyel niyo lang naman 'to."

Nagkwento pa ako tungkol sa lovelife ko. Siyempre ginawa kong eksaherada na patay na patay siya sa akin at ilang beses niya akong hinabol. Na tatawirin niya ang kabilang mundo para lang sa aming dalawa.

Wala naman siya rito kaya desisyon ko 'to. Tuwang tuwa naman ang mga estudyante sa mga kwento ko kaya bahala na.

"Sana po paglaki ko, makahanap din po ako ng gano'n!" sabi ni Ellah. "Parang prince charming! Gwapo tapos mayaman!" 

I chuckled at her statement. It's good to find someone you're attracted to superficially, but it's better to find someone who'd understand you and respect your decisions. 

I was happy and I found peace here. Masaya akong tumulong sa mga sinalihan kong organizations. Masaya akong makisalamuha sa mga tao at makagawa ng paraan para makatulong sa komunidad. Malaking tulong din 'yong pagkonsulta ko sa therapist. 

I am getting better both physically and mentally and I've never regret this decision. In fact, it was the greatest decision I've ever did for myself.

"Miss ko na siya!" I groaned as I glanced at my cellphone. Hanggang ganito lang naman ang nagagawa ko simula nang manirahan ako rito pansamantala. "Ano kayang ginagawa nito. Sana hindi ito nagpapalipas ng gutom katulad ng palagi niyang ginagawa!"

I was also bothered if he'd be back to the way he lived, he's drinking coffee every night and he never eat proper dinner. Nag-alala tuloy ako bigla kasi nasanay rin akong ako 'yong nag-aasikaso ng mga gano'n. 

Me:

Kumain ka.

I hesitated and deleted it quickly. It's been months already. Nagpasya akong ilayo ang sarili ko sa mga gadgets at mamuhay lang na walang kahit anong iniisip. 

Me:

Kamusta? 

I bit my lip and deleted it again.

Chasing the Void (Magnates Series #3)Where stories live. Discover now