Four: Whose Engagement?

68K 1.1K 11
                                    

Four: Whose Engagement?

NAABUTAN ko si Papa'ng nagbe-breakfast pagbaba ko ng hagdan. "Good morning Papa, ang aga mo nagising." He smiled at me, "Come join me my Princess." napangiti naman ako at lumapit sa kanya to kiss him on his forehead. "My lakad ka ngayon anak?"

"Wala naman po, bakit Pa?" para itong biglang kinabahan na nag-iwas ng tingin. "M-may pupuntahan kasi tayong party mamayang gabi." nabulol pang sabi nito. "Okay, dadaan lang naman ako sa shop to check on the inventory." sumandal naman ito sa pagkaka-upo. That's good.

"Susunduin ka ng driver dun at two, at magpapa-ayos ka salon then you can choose your clothes on the botique next door." casual na sab nito na humigop ng tsaa sa hawak niyang tasa.

"Is the party that special Papa? That I really need to dress up and have to visit the salon?" curious na tanong ko.

"Yeah, Hija we will meet our expansion partner. So you really need to be the most beautiful lady there my princess." alanganin ang ngiting sagot nito.

Medyo weird ang mga sagot at reactions ni Papa. Pero pumayag pa rin ako sa gusto niya. "Hija, pupunta muna ako sa library, if you need me just go there okay?"

Tumango naman ako, habang nginunguya ang kinakain kong bacon.

AFTER breakfast ay nagprepare na ako para makadaan na ako sa shops, at matapos ako ng maaga. Nang matapos ako ay dumiretso ako sa library para magpa-alam na kay Papa, naka-awang ang pinto, kaya hindi ko sinasadyang mapakinggan ang pakikipag-usap niya sa telephone.

"Of course Mr. Collins, my daughter and I will be there tonight." tumawa ito ng bahagya. "A promise is a promise, and I won't break that because, I have no choice..."

Kumatok muna ako sa pinto na umagaw sa atensyon ni Papa. "Call you later Mr. Collins."

"Y-yes my Princess?" Parang namutlang tanong ni Papa. "Kanina ka pa ba diyan?"

"Ah no, kakarating ko lang po, why? " nagmaang-maangang tanong ko. "Nothing."

"Who's the you're talking with a while ago Papa?" curious na tanong ko. "My expansion partner, the one we're meeting later."

"Awkay." parang wala lang na respond ko. "By the way Pa, I have to go, para matapos agad ako."

"Take care Princess just call the driver when you're done." bilin pa nito. "Sure, see you later Papa." Paalam ko ulit na humalik sa pisngi niya.

HABANG sakay ng kotse papunta sa shop ay tulala ako, hindi mawala sa isip ko ang mga narinig ko, plus the weird gestures of Papa. Something is happening at hindi ko alam kung ano iyon. But one thing for sure may kinalaman lahat yun sa party na pupuntahan namin.

Is there something wrong with my father's business? No, nailing ko pa ang ulo ko, kasi kung meron man, for sure Papa, will tell me that immediately so that I can help him.

Masyado atang malalim ang iniisip ko, kaya hindi ko na namalayang nasa shop na pala kami sa tapat ng shop. "Madame, we're here." napatingin ako sa driver na marahil ay kanina pa ako tinatawag. "Yeah, thank you, I'll call you later." yun lang at bumaba na ako.

MAAYOS naman ang ginawa kong pag-ikot sa lahat ng branch ng sweet shop. Kaya 10 minutes before two ay nagpasundo na ako sa driver. At hinatid na ako s asalon kung saan ako papayusan ni Papa.

After an hour or two ay tapos na ang makeover. Inilagay lang nila sa one side ang buhok kong natural ang pagkaka-curl, na namana ko kay Mama. Light lang din ang pagkaka-make-up sa'kin, kasi ayoko talaga ng makapal. And besides, ayokong magmukhang peke. Binuhay lang nila ang pahaba kong mata na may mahabang pilik. They put I smokey eye-shadow and eyeliner. Para ma-emphasis ang mata ko. Konting blush on at red lips stick.

Then I go directly to the shop, may mga nakaready nang long gown na pwede kong suotin, I chose the shiny black backless body hugging gown na tinernuhan ng pearl necklace ng nag-asikaso sa sa'kin sa shop.

At five pm all set na ako, at nagpahatid na ako sa venue, medyo may kalayuan ang party kaya inabot din kami ng six bago nakarating sa event. Which is sakto lang.

Pagpasok sa event hall ay dama ko ang tingin sa'kin ng mga tao at may isang lalaking umagaw ng atension ko, the one talking with my father. Nakatalikod si Papa sa'kin kaya hindi niya ako nakikita. The guy is smirking at me. His hair is curly and unruly in a good way. Na mukha namang formal. Pasulyap-sulyap lang siya sa'kin habang papalapit ako. While he is drinking from the glass he's holding.

Malapit na ako sa kanila at unti-unti ko nang nakikita ang lalaking nakaka-intimidate kung tumingin. Nang mapalingon si Papa sa direksyon ko. "Oh there you are my Princess, you're just came on time, the party is about to start." tipid na ngiti lang sinagot ko dito at nagbeso ako at hindi sinasadyang napagawi ang tingin ko sa lalaki na kausap ni Papa. Mas lalo nang luminaw ang features niya sa'kin. Sa tingin ko sa kanya. Caucasian na Caucasian ang dating niya. No doubts dahil nasa US ako. Iniwas ko nalang muli ang tingin ko dahil na-iintimidate talaga ako sa kanya lalo na sa mata niyang kulay blue.

"Before I forgot Eunice I want you to meet, Sebastian Collins my business partner, Bash, this my daughter Eunice." pagpapakilala ni Papa sa'min. Inabot nung Bash ang kamay niya sa'kin para kunin ang kamay ko, dinala niya iyon sa labi niya at naiinis ako sa tinging ipinupukol niya sa'kin.

After that ay bumulong sa'kin si Papa, "Dito ka muna anak ha, get to know him, may kakausapin lang ako." hahabol pa sana ko kay Papa, kaya lang umalis na agad siya. Nakatingin lang ako sa sapatos ko at hindi ako nag-attempt makipag-usap sa intimidating na Bash na iyon.

"Want some drink?" napataas ang tingin ko at napatingin sa waiter na may dalang drinks. Kumuha ako ng isa at nag-iwas ulit ng tingin. "So you are Rivera's daughter huh? I didn't know that her daughter is as gorgeous as you truly are." pambobola pa ng lalaki. Pero hindi ako sumagot. Good thing Papa came back with a guy na kung hindi ako nagkakamali ay ama ng lalaking kaharap ko.

"Eunice this is Mr. Collins." introduce niya sa'kin sa matandang lalaki at tama nga ang hinala ko. "Your daughter will be a perfect in-law. She's so beautiful." mukhang may pinagmanahan ah, pero teka. 'In-law? Did I heard it right?'

"Let's start tying this Rivera." tumigin sa'kin si Papa. Bago tumango kay Mr. Collins. Tumango naman ito sa anak nito, na nagtungo na sa harap. "Anong meron Pa?" kinakabahan ako sa mga kilos nila. "Just go with the flow anak, para ito sa ikabubuti natin."

What's going on?

Bash started to ring his glass which draws attention to all the people on the crowd, he is now standing on the stage. At nagsimula nang magsalita sa microphone. "May I have your attention everyone." tumindig ito ng maayos at inayos ang kurbata niya. His every gesture is really intimidating. "Today marks a special night of our life... My life..." tumingin na naman siya sa'kin kaya inihilis ko ang paningin ko.

"I know you all heard about the partnership of the Rivera's Packaging and the Collins' Shipments, and as part of this expansion. Is a special tie, that will bind our family together," natigil ang pag-inom ko sana dahil sa narinig ko. Kasabay nun ay ang paghawak ni Papa sa likod ko.

"As part of this celebration, I want to announce to all of you the engagement of me the son of Collins' and the daughter of Rivera's Packaging." I froze on the place where I am standing because of what I heard.

----

Sinipag ako... salamat.. :)

Sa mga nakabas ng ONM at sa Role ni Eunice dun medyo may lapses sa info about sa kanya.. na medyo inayos ko na, since I'm editing that there... ayun pa-intindi na rin po.. Inaayos ko lang din para tumugma sa plot nitong story.. ang pangit naman if side story ito, pero magka-iba ang details doon at dito..

So what can you say about this Update?

~leyn

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now