Nineteen: Undefined Attraction

52.2K 1K 13
                                    

Some scenes are not suitable for very young audiences.., So pls read at your own risk, wag ipagpilitan kung hindi naman dapat. Salamat! Enjoy reading!

Nineteen: Undefined Attraction

KAHIT nagdadalawang isip pa ako kung lalabas na ba ako ng kwarto o hindi ay mas pinili ko na ang lumabas na lang. Kailangan ko na kasing pumunta kay Lolo, ayoko namang tanghaliin dahil mas gusto kong hands on ang pag-aalaga ko sa kanya. I want to show him, that I really care.

Hangga't maaari kasi talaga ay ayoko pa sanang makasalubong si Sebastian. Hindi ko kasi siya kayang harapin, hindi ko pa siya kayang harapin matapos ang pangyayari kagabi. Pakiramdam ko ay magiging awkward kami sa isa't isa dahil sa pangyayaring 'yon. Hanggang ngayon nga ay gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil sa ginawa ko.

HINDI ako nakasagot sa tanong niya, natulala lang ako at parang nagising sa isang panaginip. Napabitiw ako sa kanya ng matauhan ako. Sh*t! Alam kong nagulat siya naging reaction ko, "Sweethe-" naguguluhang sabi niya pero agad ko iyong pinigil. "Goodnight." I said bago ko dinampot ang bag kong hindi ko namalayang nabitawan ko kanina at nagmamadaling umakyat sa hagdan kahit nanghihina ang mga tuhod ko.

Nang makapasok ako sa kwarto at masara ang pinto ay nanghihinang napasandal ako dun. Totoo bang magkahalikan kami kanina? Totoo bang buhat buhat niya ako at nakapulupot pa ang mga hita ko sa bewang niya? Totoo bang muntik na akong bumigay? God! Napapikit ako at agad na pumasok sa isip ko ang itsura niya habang inaantay niya ang sagot ko. Ang mga mata niya, those eyes are full of desire, those sexy eyes of him were looking at me with lust. Pero hindi ko naman siya masisi dahil in the first place ako ang nag-umpisa. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at bigla ko siyang hinalikan sa labi?

MUNTIK na akong mapabalik sa loob ng kwarto ng makakita kong palabas din si Sebastian sa kanilang kwarto. Kasalukuyan siyang nag-aayos ng necktie nang mapatingin siya sa direksyon ko. Huli na ang lahat, hindi na ko makakapasok pabalik ng kwarto. Medyo nagulat pa siya nung nakita niya ako. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang pisngi ko ngayon dahil kaharap ko siya. Ininaba ko ang tingin ko to avoid his gazes. "Good morning, buti gising ka na. Isasabay na kita papunta sa Lolo mo." Napaaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Ah owkay," naiilang na sagot ko. Tatanggi sana ako pero ayokong isipin niya na big deal sa'kin yung nangyari kagabi at ayokong mahalata niyang naiilang ako sa kanya dahil sa pangyayari.

"Eunice can you help me with this?" Napatingin ako sa kanya, "Ah sure." Naiilang man ay tinulungan ko siya. Diretso lang ang tayo niya habang inaayos ko ang pagkakabuhol ng necktie niya. pakiramdam ko nga ay medyo iba ang paghinga niya. Patapos na ako sa pag-ayos ng necktie niya nang magdaiti ang mga kamay namin. Pareho kaming natigilan at nagkatinginan. Matagal yun na para kaming nagsusukatan ng tingin. Pero ako na ang naunang nag-iwas ng tingin. "Okay na, aalis na ba tayo?" Tanong ko nalang.

"Oh yeah." Nagpatiuna na ako sa paglakad, ayoko siyang makasabay kasi medyo naiilang na naman ako.

Sa sasakyan ay pareho kaming tahimik. Nagkukunwari akong busy sa pagpindot sa phone ko. Samantalang siya, alam kong hindi mapakali sa pagkakaupo niya. I can see it with my peripheral vision. Inabala ko lang ang sarili ko buong byahe.

Nang medyo malapit na kami ay ay bigla kong binuksan ang usapan tungkol sa nangyari kagabi. "About what happened last night, I'm sorry." Hindi ko alam kung anong hinihingi ko ng sorry, ang pagtanggi ko sa kanya? O yung paghalik ko sa kanya? "It's okay, I respect your decisions, but I know that you also feel the attraction between us, but I will not force you just because of that attraction." he said seriously and then a small smile to lighten the mood.

Dahil sa seryoso naming usapan ay hindi ko na namalayang nasa harap na pala kami ng bahay ni Lolo na pinahinto na pala ni Sebastian ang sasakyan. "Ahm thanks for the ride." Nahihiya na namang paalam ko, "I'll drop by to fetch you by 6. Is that alright?" He ask na nakatingin sa suot niyang relo. "Okay."

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now