Sixteen: His Other Side

54.4K 1.1K 22
                                    

Sixteen: His Other Side

NATIGIL ako sa kasalukuyang pagsusuot ng t-shirt ko sa biglang pagbukas ng pinto ko. "Aw-shit please continue wearing that shirt, then call me when you're done." It's Sebastian, na bigla nalang pumasok sa kwarto ko without knocking. Good thing that I am already wearing my shorts. "I'll be waiting outside." He said na inilapat ang pinto ko.

Nung nasuot ko na yung shirt ay lumapit na ako sa pinto para buksan iyon, medyo nahirapan pa ako, dahil hawak niya pa pala ang doorknob nito sa labas, while his back was on me. "You're done?" He ask still not facing me, pero nabitawan niya ang knob. Lumabas na ako at ako ang kusang humarap sa kanya, "Dont you know how to knock?" Inis na bungad ko sa kanya. "Isn't it my fault that you dont lock your door?" Balik tanong niya sa'kin, hindi na ako kumibo, dahil ayoko na palawakin ang gantong bagay.

Our last encounter happened two nights ago, at ngayon lang ulit kami nagkausap. I guess hindi na siya galit sa pagsampal ko sa kanya."What do you need?" I ask him, napatingin ako sa suot niya, he's wearing a pair of shorts and a sando. Wala ba siyang trabaho? Sa tulad niyang walang weekends at pahinga napaka-imposible.

"I was invited to party." He answered na nagpakunot ng noo ko, "So?" Biglang sumeryoso ang tingin niya sa sinagot ko. "You'll be my date." Ako? Naubusan na ba siya ng babae? "You're my wife, my colleagues expect me to bring my wife tonight." He said casually. "Bu-"

"No buts sweetheart, your clothes will be delivered later," pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya. "Bwisit! Di pa nga ako umo-oo e! Madapa ka sana, ang hangin mo kasi! Akala mo naman kung sinong gwapo!" I dont know if he heard me, pero as pake niya ba? hindi rin naman niya ako maiintindihan e. "Oh, before I forgot, someone will come to fix your hair and make up, I want you to be the prettiest tonight." He said na tuluyan nang bumaba.

"LET'S go." Yakag ko sa kanya pagkababa ko sa hagdan, hindi agad siya nakalingon, kasi busy siya sa hawak niyang cellphone. "Com--" natigilan siya at tumitig nalang sa'kin. Tapos dahan-dahang lumapit at kinuha ang kamay ko, hinalikan niya iyon at ikinawit sa braso niya. "I'm lucky to have a gorgeous wife." Mahinang bulong niya, na sa hindi ko malamang dahilan ay nagpatigas sa kalamnan ko, at nagpainit sa pisngi ko.

Pagdating sa ssakyan ay ipinagbukas niya ako ng pinto sa passenger seat, tapos umikot na siya papunta sa kabilang side. "Honestly Sweetheart you look gorgeous on that dress of yours." He said with admiration in his handsome blue eyes. "Thank you." I said plainly at tumingin nalang sa bintana, I hate to see that beautiful eyes of him, parang may iba akong nararamdaman.

"Ikaw din, bagay sa'yo ang suot mo." I said not to him but to myself, habang nalatingin ako sa bintana. He is wearing a navy blue suit with a white bow tie. Which is I think partnered to my gown. Navy blue din ang suot kong gown, it is long sleeved malalim ang laced neckline na halos umabot sa ibabaw ng pusod ko, backless din ito. Tight fitting but decent in it's own good.

"Can you do me a favor?" Napalingon ako sa direksyon ni Sebastian sa tanong niyang iyon, he is so serious while I am close to laughing. "I am already doing one." I said sarcastically. Tapos binalik ko yung tingin ko sa bintana, but I am observing him using my peripheral vision. Narinig ko siyang nagbuntong hininga tapos huminga ng malalim, napansin kong hinilamos niya ang palad niya sa mukha niya.

"Okay please, can you do me a favor again?" Lumingon ako sa kanya, pero hindi ako kumibo. I'm observing him, yung mata niya na nakakatunaw tumingin, kahit nagmamakaawa siya ay iba pa rin yung dating. "In exchange I'll let you go out of our house, but I will give you a driver, you can only go out with your driver." Naagaw ang atensyon ko sa sinabi niya, walang kaso ang umalis na may driver, dagdag puntos pa nga iyon, dahil hindi naman ako marunong magmaneho, and besides, wala na rin naman akong balak na tumakas, wala na rin naman akong pupuntahan.

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon