Forty Six: Third Birthday Celebration

50.6K 914 102
                                    

Forty Six: Third Birthday Celebration

Mahigit isang buwan na ang lumipas mula nang naging malapit sa isa't isa si Era at Sebastian. Wala naman naging problema. Ayos lahat at kaunti na lang din ang tinatrabaho para maipatupad na ang project sa partnership.

Ang relasyon namin ni Arthur ganun pa rin pero hindi na muna ako pumayag na muling maulit ang nangyari noon. At nirerespeto niya naman ako sa desisyon kong iyon. Dahil tiwala naman daw siya sa akin na kahit nagkita ulit kami ni Sebastian at nagatatrabaho ay nanatiling kami pa rin.

Katulad ngayon, natigil muna ang pagplano dahil nasa ibang bansa si Arthur para sa isang business trip. Nanghinayang naman siya dahil wala siya sa birthday ni Era. Oo birthday na ni Era, this weekend, pero wala pa akong plano. Hindi ko alam kung may balak din si Sebastian. Dahil simula nung naging ayos ang lahat, hindi na lang ako ang nagdedesisyon pagdating kay Era.

"Mama!" Sigaw ni Era na tumatakbo na palapit sa akin, nakahabol naman sa kanya si Sebastian.

"Baby, careful, don't run." Saway ko sa kanya, baka kasi madapa. Ngayon ang unang bes na silang mag-ama lang ang lumakad, pinabayaan ko dahil nakita ko naman na palagay na ang loob ni Era sa ama niya.

"Mama, sumakay kami sa ikot-ikot." Napangiti ako sa sinabi niya, ang tinutukoy niya kasi ay yong carousel, natuwa kasi siya nung sumakay sila dun nung unang pamamsyal namin.

Isang buwan na rin ang lumipas mula nung napagdesisyunan ko na ipakilala ang mag-ama sa isa't isa.

Binuhat ko siya. "Are you happy?"

"Yes." Masayang sagot niya, sa nakikita ko. Sebastian was a good father, kayang-kaya niya nga ang anak niya. Who would have thought that a hottie like him would be head over heels in love with his little girl. Even with changing her clothes and diapers. Pinagdadiapers ko pa kasi si Era lalo na kung may lakad.

Over protective. Kapag umaalis kami he made sure na siya ang bahala kay Era.

Sa ilang beses naman na nagkasama kami, wala naman akong nakikitang ginagawa niya para I-win back ako. Gaya nung sinabi niya nung bumalik siya galing sa US at sinadya ako sa Tagaytay.

Kinapaka ko ang puso ko and I was quite hurt. Hindi naman ata totoo ang sinasabi niya na mahal niya ako e. Na gusto niya akong mabawi, kasi wala siyang ginagawa. Sabihin nang maarte ako o ano, syempre kung handa siyang ilaban ako lalaban ako.

"Era." Napalingon kaming tatlo kay Nanay Azon na tumawag kay Era. Kaya binaba ko siya at hayaang lumapit kay Nanay. We watched her hanggang sa yakapin siya ni Nanay at ini-akyat sa taas.

"How's your day with her, hindi ka ba nahirapan?" Kumusta ko sa kanya nung wala ni isa sa amin ang nagsalita.

Umiling-iling siya. "Hindi ako mapapagod sa kanya and I enjoyed every bit of my time with her." Sagot niya na nakatingin sa kawalan as if he remembered one of their precious time together, he was also smiling.

"Thank you." Sabi niya na tumingin sa akin. Mula ata nung araw na ipakilala ko siya sa anak niya ay hindi na siya tumitigil sa kakasabi ng thank you. His bright smile was still plastered on his handsome face pero parang may kulang nung tumingin siya sa akin. Hndi umabot sa mga mata niya ang ngiti niya.

Bakit? Pakiramdam ko ay may kumurot sa puso ko dahil doon. Was his incomplete smile because of me? Gusto kong isiping ako na nga lang ang kulang para maging buo ang ngiti niya pero kumplikado ang bagay. Engaged na ako.

Nagbaba ako ng tingin para hindi ko makita ang kung ano man ang nasa mga mata niya. Matagal na walang kibuan hanggang sa nakabawi ako at iniba ko na ang usapan.

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now