Thirty Three: The Confession

42.3K 855 35
                                    

Thirty Three: The Confession


"Come in," pumasok na ako sa loob pagkarinig ko n'un. "What is it Eunice?" Tanong sa 'kin ni Arthur pagkalapat ko ng pinto. "Nabasa ko na ang mga credentials and everything about our rival company," tumango lang ito at parang nag-isip pa.


It was part of my job now ang pag-aralan ang iba't ibang specs ng kalaban namin at ang mga bagay na kailangan namin para sa kumpanya. "So based on what you found out, do you have any plan to make our company better?" I explained to him my ideas, two months na mula nung ma-promote ako, I was promoted as the head for research team.


Nalipat na din ang opisina ko sa fourth floor. As head for reasearch direct na rin kung magreport ako kay Arthur, mas naging malapit na rin kami sa isa't isa, nakadagdag pa sa closeness namin ang pagiging magkababata namin. Pakiramdam ko nga ay nagdududa na ang mga katrabaho ko dahil sa closeness naming dalawa.


Madalas na kasi akong late umuwi sa dami ng trabaho. Sakto namang ang oras ng out ko ay ang oras din ng uwi niya. Kaya imbes daw na mag-jeep o magbus ako ay nag-ooffer siya lagi na isabay na ako. Lagi tuloy siyang napapatambay sa bahay, kapag hindi siya nagmamadali. Nasanay na rin ako na sumabay sa kanya, kasi hindi siya tumitigil sa pangungulit hangga't hindi ako pumapayag.

"Very good, well do that once I'm done with this international deal, kailangan kong ma-close ito." He said na ngumiti ng matamis sa akin. One thing I love about him was his positivism, he is always looking forward na magiging successful ang lahat which is a good characteristic of a boss.


"I know mako-close mo ang deal. Ikaw pa ba?" Pangpapalakas ko pa lalo sa loob niya. "Thank you Eunice for your spontaneous help, malaki ang maitutulong ng mga ideas and suggestions mo sa deal na ito. Well I think pwede kitang kunin para tumulong sa 'kin once na matuloy na ito." Natuwa ako sa narinig ko, sa totoo lang, ngayon palang ay nae-excite na ako. Gusto ko kasi talaga trumabaho ng mga malalaking projects. Dun ko gustong patunayan ang capacity ko.


"Okay Arthur kung wala ka nang kailangan babalik na ako sa trabaho ko."

Tumango naman siya, kaya nag-umpisa na akong maglakad papunta sa pinto. Pero hindi ko pa man nabubuksan ang pinto ay nagsalita siya. "Let's eat lunch." Napalingon ako sa kanya. "Kumain ka na ba? Come on let's have lunch." Tatanggi pa sana ako pero nahawakan niya na ang kamay ko.


Kinuha niya ang hawak kong folder at nilapag iyon sa estante malapit sa pinto. "I wont accept a no for an answer." Wala na talaga akong nagawa, kaya sumama na ako. "Jean, mag lunch lang kami." Paalam niya sa sekretarya niya at tuluyan na akong hinila papuntang elevator. Nakita ko pa nga ang makahulugang ngiti sa 'min ni Jean nung dumaan kami s kanya.


Nagkatinginan at natigilan nalang kami pareho nang mapansin namin na hawak niya pa pala ang kamay ko, kaya binitiwan niya agad iyon. "I'm sorry." Nahihiyang paumanhin niya. Hindi na ako kumibo dahil lalo lang magiging awkward 'yun para sa 'min.


NAKARATING kami sa isang restaurant malapit lang sa opisina. "So kamusta ang pagiging head of research team? Hindi ka naman ba nahihirapan?" Tanong sa 'kin ni Arthur matapos naming maka-order. "Hmmm, hindi naman, actually I am enjoying it, hindi ko rin naman expected na ma-eenjoy ko 'to, everything in this field is something new to me." I answered him smiling.


"That was good to hear." Komento niya na hindi maalis ang titig sa akin, naiilang tuloy ako kaya ako na ang nag-iwas ng tingin. "Ikaw ba? Ano na bang real score ng tinatapos mong deal?"


Muli na naman siyang ngumiti. "Well, well, to tell you honestly," para siyang nalungkot, kaya nangunot ang noo ko. "I already got the deal," Mahinang sabi niya na nagpalaki ng mata ko. "Inaantay ko nalang kung kailan ise-set ang first conference namin." dugtong niya pa. "Oh my god! Congratulations." Tuwang-tuwang bati ko sa kanya. "Kaya ako ang taya." Natawa nalang ako sa sinabi niya, minsan kasi ay nakikipag-agawan pa ako sa kanya sa pagbayad ng bill.

"Sabi mo e." Napailing nalang din siya sa sinabi ko. Maya-maya nga ay dumating na din ang order namin, natapos ang lunch celebration namin na puro kami tawa at kwentuhan. Ganyan na talaga kami kakumportable sa isa't-isa.


Nang makabalik naman kami sa opisina ay balik trabaho na kami. Nagfocus na ulit ako sa inaasikaso ko. Kasaukuyan akong nagtatype ng report ng mag-ring ang phone ko, napatingin ako sa orasan, 4 pm na alam ko na kung para saan ang tawag na ito, I always receive a call every 4 pm.


"Hello."


"TATAKASAN mo na naman ako Eunice." He was right, balak ko kasing mag-commute ngayon, medyo nailang kasi ako sa tingin na binigay sa 'min kanina ng mga kasamahan ko at ibang empleyado pagkabalik namin after ng lunch.

Tatanggi pa sana ako at magpapalusot na may dadaanan pa nung tuluyan na siyang bumaba ng sasakyan at pilit akong pinasakay sa shotgun seat. "I wont accept a no from you Eunice, you know that." Natawa nalang ako sa sinabi niya.


Ewan ko, pero sobrang gaan na talaga ng loob ko kay Arthur, masyado na akong masaya kapag kasama ko siya, I was always laughing and smiling whenever I'm with him, minsan ngumingiti ako kapag naaalala ko 'yung mga biruan namin. I am really enjoying his company.


As usual napuno ng tawanan at kwentuhan ang sasakyan niya hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay, hindi kami nauubusan ng kwento. "Thank you Arthur, see you tomorrow." Paalam ko sa kanya nung huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Pero pinigilan niya ang kamay ko, kaya napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko tapos sa mukha niya.


He was serious. May nakita akong iba sa mga mata niya, para siyang nagdadalawang isip na di mo mawari.


"May sasabihin ka pa ba?"


Hindi niya ako sinagot, at naramdaman ko nalang ang unti-unting paglapit ng mukha niya sa mukha ko at ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Hindi ako gumalaw. Dampi lang naman ang ginawa niya.


Nung tumigil siya ay bigla siyang nag-iwas ng tingin. "What was that for?" Kunwari ay wala lang na tanong ko, para mabasag ang awkwardness sa loob ng sasakyan.


"I like you Eunice, well actually I love you, alam ko masyadong mabilis, pero totoo ang nararamdaman ko." nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. "I'm sorry if I took advantage of you, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko." Speechless ako sa sinabi niya.


"I love you, kaya starting from now ay liligawan kita." Napaawang ata ang bibig ko sa narinig ko. Napatingin ako sa kanya, and I know he noticed the expression on my face.


"Wag kang matakot, I know you are still thinking of your past, I don't care. Kung iniisip mo si Era. Don't worry, I love her too... And I am willing to be the father she never had."


—-

Thank you for reading!

Vote and comment please. twitter #AllAboutHerbyBluekisses


~Leyn

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now