Forty Four: Era's Dad

47.2K 781 167
                                    


Forty Four: Era's Dad

"WAIT me here okay? Ihahatid ko lang si Era sa taas." Paalam ko kay Arthur nang pagbuksan niya na ako ng pinto ng sasakyan, nakatulog na kasi si Era nung pauwi na kami.

Sabi ko sa sarili ko, ay aaminin ko na sa kanya ang totoo. Mahirap naman kasi na nasa harap niya na nga yong tao, pero hindi niya alam na yon na pala yong ama ng anak ko.

Mahirap siguro o baka magalit pa siya, pero handa naman ako sa magiging reaksyon niya dahil ako naman ang naglihim.

"O Hija, andyan na pala kayo." Salubong sa akin ni Nanay Azon nung makita niya akong pumasok sa bahay.

"Opo Nay, ipapasok ko lang po si Era sa loob tapos babalikan ko si Arthur sa baba." Tumanaw naman si Nanay sa labas at tumingin ulit sa akin.

"O sige, ipasok mo na siya sa kwarto, baka nangangalay ka na sa pagbuhat sa kanya." Napangiti ako at dumiretso na sa kwarto para ilapag si Era.

Paglabas ko ay nadaanan ko ulit si Nanay Azon, sumenyas ako na bababa lang ako sandali. Malapit na ako sa pinto nang magsalita siya.

"Hija, kung sigurado ka na dyan ituloy mo, pero dapat si Era lagi ang iisipin mo." Natigilan ako sa mga salitang binitawan ni Nanay Azon. Ngumiti siya sa akin kaya natauhan na ako.

Habang pababa ay tumatak sa akin ang sinabi niya. May alam ba siya? O lubhamg malakas lang ang pakiramdam niya.

Nang makababa ako at makalabas ng gate ay hinanap ko si Arthur, wala na kasi siya at ang sasakyan niya sa pinag-iwanan ko sa kanya kanina. Inilibot ko ang mata ko sa paligid at nakita ko siya sa gilid ng kalsada. Nakasandal siya sa kotse niya at nakangiti sa akin. Medyo may kadiliman d'un pero natatanaw ko siya.

Nag-umpisa na akong maglakad patungo sa kanya. Huminga ako ng malalim at inipon ang lakas ng loob ko. Mabilis na sinalubong niya ako at hinila palapit sa kanya. Ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko at hinarap ako. Tapos siniil niya ako ng halik sa labi.

Agad ko naman siyang tinulak, dahil nakakahiya sa maaring makakita sa amin, kahit sabihin pang madilim sa bahaging ito.

"Why?" Gulat na tanong niya nung tuluyan ko siyang maitulak.

"May sasabhin ako sa 'yo." Diretsong sagot ko sa kanya.

"Baka pwedeng maglambingan muna tayo." Bulong niya na sumubsob sa leeg ko.

"Arthur, stop it!" Saway ko sa kanya, pero hindi siya tumigil. "Stop!" Dun lang siya parang natauhan at lumayo sa akin.

"Hon?" Kunot noong anong niya, sinamaan ko siya ng tingin. Importante ba ang sasabihin mo? Baka pwedeng bukas na lang yon." biglang lumambot ang boses niya at hinaplos ang braso ko.

"I need to tell it to you now." Sagot ko sa kanya, dahil baka mawalan na naman ako ng lakas ng loob kung ipagpapaliban ko pa ito.

"Pwede naman sigu--"

"It's about Era's Dad." Natigilan siya bigla sa sinabi ko, at biglang nagkainteres.

"I'm sorry kung ngayon lang ako nakapagsabi, mahirap kasi 'yong sitwasyon. Hindi ko naman balak itago, kaya lang komplikado." Nangunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Komplikado?" Kunot-noong tanong niya.

"Yes, because you know him." Naging seryoso ang tingin niya sa akin dahil sa huling sinabi ko. "It's Sebastian..." bunyag ko, bahala na kung ano ang sabihin o gawin niya. Basta ang mahalaga nasabi ko.

Mahbang katahimikan ang namagitan, inobserbahan ko siya, nakita ko kung paanong nag-iba ang aura ng mukha niya. Siguro nung mag-sink in na sa kanya ang sinabi ko ay nakahagilap na rin siya ng sasabihin.

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon