Twenty Two: The Perfect Wife

50.5K 1K 48
                                    

Twenty Two: The Perfect Wife


NANIGAS ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang pagyakap sa bewang ko, kasabay ng mumunting halik sa may bandang leeg ko. Damang-dama ko pa naman yun, dahil sa nakataas ang buhok ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapahilig dahil medyo nakikiliti ako sa patubo niyang stubbles.

"Baste," saway ko sa kanya, pero imbes na ma-awtoridad 'yon, ay parang naging ungol 'yon. Hinarap niya ako sa kanya. "Good morning my sweet baby." He said as he kissed me on the side of my lips, as if teasing me. I'm currently preparing our breakfast. He was about to kiss me on my lips nang biglang tumunog ang bine-bake kong cupcakes.

Kaya agad akong kumawala sa pagkakayakap niya sa bewang ko. Medyo napasimangot siya sa interruption na 'yon, pero hindi niya naman ako pinigilan. And I know that he is watching me, kaya inartehan ko ang mga kilos ko, halos tumuwad pa ako sa harap niya, while checking my cupcakes on the oven. Okay na 'yon kaya inilabas ko na sa oven.

"Are you teasing me baby?" He asked nung mapansin ang ginagawa ko, paniguradong nakikitaan ako sa suot ko ngayon. I am currently wearing his white long-sleeved polo and panties. 'Yon nalang kasi ang nadampot ko paggising ko. And I also feel comfortable wearing his big clothes.

"Why? Are you teased?" Asar ko naman sa kanya na kinagat pa ang pang-ibabang labi ko. Ewan ko rin kung saan ko natutunan ang mga ginagawa ko ngayon. Hay, naging ganito nalang ako bigla nung naging intimate kami ni Baste sa isa't isa. "Come here baby," utos niya sa 'kin, na ginamit pa ang hintuturo niya para palapitin ako. Lumapit naman ako sa kanya.

Once I was in front of him, he immediately embrace his arms on my hips, "You know what? You look sexy in my clothes, but I think you will look sexier if I remove what you are wearing." Bulong niya sa tenga ko. I just smiled at him.

Kilala ko na 'yang mga linya niyang 'yan. At alam ko na rin kung ano ang mga susunod na mangyayari, pero na-eexcite pa rin ako sa maaring gawin sa'kin ni Seabstian ngayon, o kung saan namin gagawin ngayon. Nakakahiya man, pero sa totoo lang mula nung makabalik kami galing sa Palawan ay kung anu-ano na ang nagawa namin ni Baste, we did it almost in every part of the house. Malaya naming nagagawa 'yon dahil sa hindi pa nakakabalik ang kasama namin dito sa bahay.

"What do you think? Should I ask our maids to resign?" Tanong niya na nagpabalik ng atensyon ko sa kanya. "Why?" Pa-inosenteng tanong ko, habang ginugulo ko ang buhok niya na magulo at kalat-kalat ang kulot. Kunwari hindi ko alam ang tinutumbok niya. "You know, so we can do this freely," he explained na binuhat ako bigla, kaya napatili ako.

He kissed me on my neck, habang nakadantay ang baba niya sa dibdib ko, medyo makati pa naman dahil bukas yung butones ng suot ko banda dun, "Baste," malambing na tawag ko sa kanya. "Hmmmm?" He groaned.

"I think you need to shave." Sabi ko na nagpataas ng tingin niya, kunot ang noong nakatitig siya sa 'kin. "Makati kasi." I said, and kiss him on his nose. "Later, because I'm not yet done with my breakfast." alam kong ibang breakfast ang tinutukoy niya. He was about to kiss me, nung biglang mag-ring ang telepono na nakasabit sa gilid ng ref. "Bad timing." Inis na reklamo niya. "Answer the phone." Utos ko sa kanya na dumausdos na pababa mula sa pagkakabuhat niya.

Naiinis man ay pumunta pa rin siya para sagutin ang phone. Ako naman ay bumalik na sa hinahanda ko for our breakfast. Mula kasi nung bumalik kami a week ago ay ako na ang nag-aasikaso kay Sebastian. I am the one who prepare his meals, ako na din ang nag-aayos ng mga gamit niya papasok sa office.

And yes, lumipat na ako sa room niya. Pero usually, kapag gabi, sa labas na kami kumakain, pareho na kasi kaming pagod, regular pa rin kasi yung schedule ko ng pagpunta kay Lolo araw-araw. Tapos susunduin ako ni Baste sa gabi.

"Urgent meeting?" Nabalik ang atensyon ko kay Sebastian nung marinig ko 'yon. "Okay, I'll be there within an hour." Tapos binaba niya na yung phone. "What happened?" I asked him, as I put the coffee on the table. "Urgent meeting." bagot na sagot niya na humawak pa sa noo niya. "Ok let's eat first."

Mabilis lang kaming kumain, tapos naligo na siya. "Baby, can you help me with this?" Pumasok naman ako sa banyo nung tinawag niya ako. Naabutan ko siyang naglalagay ng shaving cream. He is only wearing a white towel on his waist. Lagi ko naman nakikita ang katawan niya, pero ewan ko, hindi ko pa rin maiwasang humanga sa ganda ng katawan niya.

Inabot niya agad sa 'kin ang pang-shave niya nung makalapit na ako sa kanya. Iniupo niya pa ako sa lababo para maabot ko siya, I stand 5'7' pero wala lang 'yon sa height niyang 6'4', mallit pa rin ako kapag katabi ko siya.

Inumpisahan ko na siyang ahitan, hindi talaga ako marunong nang gan'to tinuruan niya lang ako one time, nung naglambing siya. At mukhang namihasa ang loko, dahil pangatlong beses ko na ata itong ginawa. Matatapos na ako nung mapatingin ako sa mata niya, titig na titig kasi siya sa mukha ko. Na-conscious tuloy ako bigla at hindi nakagalaw. "W-why?"

"You're so beautiful Eunice, I can't take my eyes of you," pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko sa sinabi niya. Hinawakan niya pa ang pisngi ko. "I love it when you blush like that." Pahabol niya pa, pumikit nalang ako at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.

Ewan ko kung gaano kami katagal sa ganung pusisyon, hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagdikit ng labi niya sa labi ko. I think I am already falling in love with him. I am already falling for my husband. Pero hindi ko pa 'yon kayang aminin sa ngayon. Basta masaya akong kasama siya at alam kong iba ang pintig ng puso ko sa mga oras na ito. Gan'to yung pintig ng puso ko kapag kasama ko siya.

Nasa ganung pusisyon lang kami, walang gumagalaw. Pakiramdam ko ay napakatahimik, at yung kabog nalang ng dibdib ko ang naririnig ko. Matagal 'yon hanggang naghiwalay kami, we are catching our breaths after that. Tapos nagtinginan kami. "You know what? Kung hindi lang urgent ang meeting, I will spend the whole morning with you, but I really need to go."

Napatingin kami pareho at nanlaki ang mata. "My God Baste, 30 minutes nalang." Mabilis ang kilos na naghilamos siya tapos lumabas kami ng banyo. Tinulungan ko na siyang magbihis.

"Baby, I'm sorry, hindi na kita mahahatid kay Lolo, it is okay for you, If you'll just take a cab?" Nag-aalalang tanong niya sa 'kin nung pababa na kami ng hagdan. "Okay lang ako, you need to go, baka malate ka pa dahil sa traffic.

"Okay, okay, just promise me to update me, when you get there." Bilin niya sa'kin na humalik sa pisngi ko. "I'll pick you up again there, okay? I really have to go, bye." Paalam niya na.

Tumango-tango lang ako. "Yeah, ingat Baste." Paalam ko sa kanya, hinatid ko lang siya sa pinto, at inantay na sumakay ng sasakyan.

Nang makaalis siya ay naupo ako sa sofa. Simandal ako at tumulala sa kisame. Masaya ako sa mga ginagawa ko. Pakiramdam ko I am already a perfect wife. And I'm doing my duties very well. At 'yon ang bagay na gustong-gusto ko nang gawin for the rest of my life. With Sebastian. My husband.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Matagala at mariin, iniisip ko ang mga bagay na mayroon ngayon sa 'min ni Sebastian. At namamalayan ko nalang na napapangiti na ako.

Yes, aaminin ko na sa sarili ko. I've already fall for him. I love Sebastian and I am willing to live with him forever, kasama ang mga magiging anak namin in the future.

Hindi pa namin napag-uusapan ang real score sa pagitan namin, basta ang alam ko, masaya kami sa isa't isa. Masaya kami na magkasama kami.

Tumayo na din ako para mag-ayos na papunta kay Lolo.


--

Thanks for reading.

Vote if you like the update and comment kung kinilig kayo. Sa silent readers out there... Kaway- kaway kayo, mas magiging masaya ako pag lumantad kayo, or mag drop by man lang sa comment box! I love to read comment guys, hindi ko lang na-rereplyan lahat, pero nababsa ko lahat 'yon promise.


For more updates about my stories and such.. chika tayo sa FB. Bluekisses WP

Add me here:

https://www.facebook.com/profile.php?id=100007581227980

and also you can join my official groups:

https://www.facebook.com/groups/960615527299803/


~Leyn

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon