Twenty Three: Married Couple

50.7K 986 16
                                    

Dedicated to ONM's Male reader. Hi Mike!


Twenty Three: Married Couple


"WHERE do you want to go, after we visit Lolo?" Tanong sa 'kin ni Sebastian habang nagbibihis siya. "Surprise me." Malambing na sagot ko at yumakap sa likod niya. Kakatapos niya lang kasi maligo, ako naman kani-kanina pa, kaya naka-ayos na ako para sa pagpunta namin sa bahay ni Lolo.

"Wala ka na talagang gustong puntahan hmmm?" Tanong niya pa na ngayon ay nakaharap na sa 'kin, "Wala akong maisip e." Sagot ko na kunwari ay nag-isip pa. Wala naman kasi talaga akong maisip puntahan, kahapon niya pa ako tinatanong kung saan kami pwede pumunta after ng pagpasyal namin kay Lolo. "Okay, I'll surprise you then." He said as he gave me a smack on my lips. Smack lang 'yon pero hindi ko mapigilan ang sarili kong pumikit.

Sunday ngayon, at parte na ng Sunday routine namin ang parang bonding na ginagawa namin. Dadaan lang kami saglit sa bahay ni Lolo tapos mamasyal kami. Sa loob ng mahigit na dalawang buwan na pagiging okay ng relationship namin ay gan'to na ang naging set up namin. We save our Sunday as our day, since pareho kaming busy. Siya sa trabaho, ako naman ay sa pag-aalaga.

Bumitiw na ako sa kanya after that kiss, kasi baka mamaya niyan ay kung saan pa kami mapunta, hinayaan ko na siya magbihis. Nung natapos naman siya ay umalis na kami. Isang oras kami kina Lolo. Tapos umalis na din kami.


"BASTE saan ba tayo pupunta? Bakit parang malayo na ang tinatakbo natin?" Tanong ko na sa kanya nung mapansin ko na parang nasa expressway na kami. "We're heading to Pampanga sweetie." Sagot niya sa tanong ko, na hinawakan ang kamay ko, tapos dinala 'yon sa bibig niya at hinalikan. I smiled at him with that gesture.

Sa loob talaga ng ilang buwan naming magkasama, pakiramdam ay lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Sa lahat ng pinapakita niya sa 'kin, sa mga ginagawa niya. Masasabi kong totoo na talaga ang nararamdaman ko. I know that I am deeply in love with him. Though, hindi ko pa inaamin sa kanya.

Oo, sigurado na ako sa nararamdaman ko, pero parang wala pa akong lakas ng loob para sabihin 'yon sa kanya. Maybe I am just afraid sa sasabihin niya. What if ako lang pala ang nahuhulog sa 'min? Baka masaktan lang ako 'pag nalaman kong sa relasyon namin ay ako lang pala ang nahuhulog.

"Why so serious?" Napapitlag ako sa tanog na iyon ni Sebastian. "No-nothing, may naisip lang ako." Sagot ko naman, pinalis ko na din sa isip ko yung iniisip ko kanina. Malulungkot lang ako kung iisipin ko pa 'yon.

Nagkwentuhan kami ni Baste sa buong byahe. Tawa ako ng tawa habang kinukwento niya yung mga embarrassing moments niya nung bata siya. Tsaka yung mga kalokohan niya habang lumalaki siya hanggang sa nagbinata siya. Sinabi niya na nagseryoso lang daw siya nung huma-handle na siya ng kumpanya.

Sa sobrang aliw ko sa mga usapan namin ay hindi ko namalayan ang oras ng biyahe. Nakarating na pala kami.

Ipinasok ni Baste ang sasakyan sa isang daanan papasok, medyo mahaba-haba ang tinahak namin, bago ko matanaw ang isang bungalo style na bahay. Kung titignan mo ang labas, mukha itong makaluma dahil sa disenyo nito.

"Come on." Yaya nito sa 'kin pagkapatay niya ng makina. Sumabay na ako sa pagbaba sa kanya. Hinila niya na ako papasok. "Kaninong bahay 'to?" Tanong ko sa kanya bago pa man kami makapasok. Kung makaluma sa labas sobrang moderno naman ng loob ng bahay. Hindi mo aakalain na ito ang loob ng bahay, kung sa labas ka lang titingin. "It's my Mom's family ancestral house." Sagot niya sa tanong ko kanina.

"It's beautiful." I exclaimed. Totoong natuwa ako sa bahay. "I preserved this house, ginawa kong lang na modern ang loob, but still preserved the ancient look of the outside." Paliwanag niya sa 'kin. "Enough with that, come on let's have our lumch first, then I will tour you to the farm." He said na hinila na ako sa kamay, pero wait. Farm?

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now