Thirty One: Four Years

48.8K 901 42
                                    

Thirty One: Four Years


"EUNICE, nabalitaan mo na ba yung partnership ng AMSC, sa isang international shipping line?" Chika sa 'kin ni Maureen kasamahan ko sa trabaho. Umiling lang ako, I am busy typing important reports na kailangan ko ipasa kay Arthur. My boss.


"And you know what pumipili daw si Boss ng pwede niyang isama para tumulong sa kanya sa gagawing deal." Excited na chika niya pa, "Hay, sana ako ang mapili, big break yun, crush ko talaga si Sir Arthur, para mapikot ko na din siya sa entire time ng trabaho namin." Malanding tawa niya pa na humalakhak pa, kaya napatingin yung iba pa naming kasama sa office. Loka-loka talaga itong si Maureen, hindi ko nga alam kung paano ko ito naging close e. Puro kalokohan ang alam.


"Tumigil-tigil ka nga diyan at tapusin mo yung report mo, at baka kunin na iyan ni Boss." Naiiling nalang na sabi ko at tinuloy na ang ginagawa ko.


Kasalukuyang nirereview ko ang report ko nang tawagin ako ng sekretarya ni Boss. "Eunice, pinapatawag ka na ni Boss." Alam ko na ang ibig sabihin niya, nakausap ko na kasi si Boss kanina, at rush ang pinapa-trabaho niya sa 'kin. "Okay Jean, pakisabi susunod na ako." Inayos ko na ang table ko, at ni-ready ang ipe-present ko kay Boss. Na-send ko na rin sa kanya ang report ko.


"Huy Girl ano yan?" Tanong agad sa 'kin ni Maureen, "May report ako kay Boss, una na ako ha, inaantay na ako sa taas." Akala ko ay hindi na siya hihirit pero, likas na luka-luka si Maureen, "Paki-abot itong flying kiss ko kay Boss." Sabay bato ng flying kiss niya. Hay naku baliw talaga.


Dumiretso na ako elevator at pinindot ang 4th floor, ang floor ng opisina ng President. Nasa 3rd floor naman ang office ko. Paglabas pa lang ng elevator ay kitang kita na ang eleganteng itsura ng opisina. "Eunice, pasok ka na." Napatingin ako kay Jean na kasalukuyang nasa pinto ng opisina ni Boss. Tumango lang ako at pumasok na sa loob.


"Have a seat Miss Eunice." Bungad sa 'kin ni Boss pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina. "Thank you. Good afternoon po Mister Marcial." Ngumiti siya ng bahagya. "How many times do I need to remind you to drop that formality just call me Arthur and to avoid using 'po' when you are talking to me. Ilang ka taon ka lang ba?"


"Thirty Three." Tipid na sagot ko, "See? I am just thirty four, hindi nagkakalayo ang edad natin. So is it clear now?" Paniniguro niya pa. "Yes Arthur." Naiilang man pero sinunod ko siya, he's the Boss.


"Okay so about the report that I asked you to work on." Panimula niya. "We'll to tell you honestly," kinakabahan ako habang binabasa niya ang first page nang ginawa kong report, I emailed it to him the moment, I finished it, kaya siguro nai-print niya na. "I am really impressed by your proposal." Nakahinga ako ng maluwag at napangiti sa narinig ko.


Ibinaba niya ang hawak niyang papel at pinagkrus ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa. "You know what you're talent is a big asset to our company." Nahihiyang napangiti muli ako sa sinabi niya. "For the entire time you work in this company, you really impressed me. You've been here for almost 4 years now."


Yes that was true, halos apat na taon na ako dito. After kong ma-settle ang lahat nung namatay si Lolo ay bumalik ako sa Cavite, sa lugar kung saan ako nagkaisip, dito ako tumira kasama si Mama. Luckily, I was warmly welcomed by Nanay Azon, ang may-ari ng bahay na tinirahan namin noon. At siya pa ang tumulong sa 'kin para makapasok sa Arthuro Marcial Shipping Company. This company, where I am currently in.

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now