Seventeen: Getting to Know Him

48.8K 1.1K 46
                                    

Seventeen: Getting to Know Him


NAGING maayos naman si Lolo matapos ang isang oras niya sa loob ng emergency. At sa paghigintay kong yun ay hindi ako iniwan ni Sebastian. Nagpakuha nga siya ng damit sa driver. Kaya nakapagpalit na ako ngayon, nailipat na si Lolo sa private room.

"I told you, everything will be alright." Bulong niya sa'kin, kasabay ng pagpisil niya sa kamay ko na kanina niya pa hawak. Napatingin ako dun at tumingin sa kanya, he is seriously looking at me. "Thank you." Tipid na sagot ko lang, hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko, hindi ko rin naman inaalis yun, because I found comfort with his hands.

"Are you ready to see your Grandpa?" Tumango lang ako, at hinila niya na ako papasok sa room ni Lolo. Binitawan niya na din yung kamay ko tapos umupo siya sa couch. "Go ahead, talk to him."

Lumapit ako sa kama ni Lolo. He is sleeping peacefully, habang may nakakabit sa kanyang dextrose. I kiss his forehead. "Lolo andito na po ako, I'm sorry late na ako nakarating." Hinawi ko ang buhok niya na marami nang puti. He look pale, hindi ko na naman napigilan ang sarili kong maluha. "Promise Lolo, babawi na ako ngayon, I will visit you everyday, babawi ako sa pag-iwan ko sa'yo noon."

Nagstay pa kami doon ng isa pang oras hanggang sa dumating si Ate Sally. Pinauwi niya na muna kami, para makapagpahinga daw kami. Pinakilala ko lang sa kanya si Sebastian, at halata ang pagkagulat niya nung sinabi kong may asawa na ako. Hindi ko pa nga alam kung dapat ko na ba ipaalam kay Lolo na may asawa na ako e. Hay naku, saka ko na yun iisipin ang mahalaga okay na siya.

Magkasabay kaming naglakad papunta sa parking, thankful pa din ako na sinamahan niya ako dito. Who would have thought na gagawin niya yun? Na mas pinili niyang samahan ako sa ospital, kahit marami siyang mga kausap sa party. Siguro nga hindi ko pa talaga siya kilala. I think yung masasama lang sa kanya ang nakikita ko, kasi yun lang ang gusto kong makita, kaya hindi ko napapansin ang good side niya.

Ipinagbukas niya na ako ng pinto, pero hindi agad ako pumasok, humarap ako sa kanya at humawak sa balikat niya, parang nagulat siya sa ginawa ko at napatitig sa'kin. "Thank you so much for everything this night, I appreciate it Sebastian." I said and kiss him on his left cheek, tapos sumakay na ako sa sasakyan.

Sumakay na din siya sa kabilang side. "Your welcome." He said as he smile showing his perfect set of white teeth. Halatang pagod din siya kagaya ko. Ngumiti din ako sa kanya at nag-iwas na ng tingin. Sa sobrang antok at pagod ko ay pumikit ako hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog ako.


NAGISING ako sa munting sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Napadilat ako at muling pumikit, nasa kwarto na ako. Pero teka, ang huli kong naaalala ay nasa sasakyan ako, hindi ko na alam kung paano ako nakarating dito. Then I remembered what happened last night.


"Eunice wake up," "wake up," paulit-ulit ko iyong naririnig pero sobrang pagod na ako, kaya hindi ko maidilat ang mata ko. "I'm tired..." Sabi ko pero hindi ako kumilos, I heard him laugh, "Okay I'll carry you." He said, na binuhat nga ako.


Yun lang ang naaalala ko, at hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti. Pero agad ko ding sinaway ang sarili ko.

Napatingin ako sa orasan, 10 am na. Gosh kailangan ko pang puntahan si Lolo. Bumangon na ako para maligo nang mapansin na iba na ang damit ko. "Sh*t! Siya ba nagpalit ng damit ko?" Napapikit ako sa naisip ko. "Oh my God!"

Naligo nalang ako at pinalis yun sa isip ko, I will ask him later, kahit naman mag asawa kami nakakailang pa ring isipin na binihisan ka ng asawa mo knowing na wala pa kayong intimate relationship. My God!

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now