Eighteen: Getting Closer

49.4K 1K 22
                                    

Eighteen: Getting Closer

HINDI ko siya kinibo matapos kong malamang marunong siyang managalog. Kasi naman hiyang-hiya na ang pagkatao ko. Hindi ko pa nga sana siya balak kausapin kung hindi lang nagtext si Ate Sally na nailabas niya na si Lolo, at iuuwi na sa bahay. Kung bibisita daw ako ay sa bahay na ako.

"Sebastian," lumingon siya sa'kin at tinaas ang dalawang kilay na parang tinatanong kung bakit. "Nilabas na daw si Lolo, dun na daw tayo sa bahay niya." Sabi ko sa kanya. "Okay, so where is his house?" Sinabi ko sa kanya ang address and he find it using the built-in GPS in his car.

Medyo malayo din yung bahay ni Lolo, kaya parang nakaramdam ako ng gutom, hindi nga pala ako nag-breakfast. "Hmmm..." Napatingin siya sa'kin dahil sa ginawa kong ingay. "Ahm, can we drop by somewhere to eat? Hindi pala ako nakapag-breakfast." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Natatawang naiiling na nag-search siya sa GPS.

"What do you want to have your breakfast?" He ask, habang nakatingin sa screen ng GPS device. "Sa coffee shop nalang." Sagot ko sa kanya, kasi gutom na talaga ako. "Okay, here we go. Tapos kumanan siya, mayroon kaming natigilan na isang building na may mga boutique and resto.

Lumabas na siya sa driver's seat, kaya lumabas na din ako. Tapos pumasok kami sa loob ng isang coffee shop. Pagpasok palang ay pansing pansin na ang pag-agaw ng atensyon ni Sebastian sa kalahati ng populasyon sa loob ng coffee shop. At hindi nakalagpas sa paningin ko ang paghanga sa mga tingin nila.

Hindi ko ba nasabi na nakasando at shorts lang si Sebastian kaya kitang kita ang well toned muscles niya sa braso. Tumingin ulit ako sa paligid, kahit yung kahera at yung ilang male costumers ay nakatingin sa kanya, mukha kasi siyang model. Grabe makatingin yung mga babae, walang pakundangan. Ang sarap tusukin ng mg mata.

"What do you want sweetheart?" Ewan ko pero hindi ako nagalit sa pag-akbay niyang 'yon sa'kin, mas gusto ko nga yun, para malaman nung mga babaeng nakatingin na may asawa na siya. Possessive lang?

Gosh! Ano ba 'tong pinag-iisip ko, tinuro ko sa kanya yung mga gusto ko, tapos um-order din. Humanap na kami nang upuan, at hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi nung isang babaeng nadaanan namin. "Sayang, taken na si Mr. Handsome." Gusto kong matawa sa sinabi niya. Buti alam niya! My God! Kung anu-ano nalang pumapasok sa isip ko. Ano ba 'tong epekto sa'kin ni Sebastian?

Hinatid na sa'min nung isang babae ang order namin, at halata ang pag-flirt nito kay Sebastian, kumindat naman ang huli, kaya parang biglang nanlambot ang babae. Hindi ko alam kung maiirita ako o matatawa sa kalandian ng babae e, masyadong pahalata.

"O bakit ka nakasimangot? May nagawa ba ako?" Inirapan ko siya, bakit ba ang init ng ulo ko? "Are you PMS-ing?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Bakit alam niya yung ganun? Napaisip ako, anong date na ba ngayon?

Kaya pala mainit ang ulo ko. "Nakakailang ka lang kasama, kasi andaming tumitingin sa'yo." Paliwanag ko sa kanya, he smirked. "Dapat ka nang masanay, or you're jealous?" Nag-init ang pisngi ko sa huli niyang sinabi.

"Oy, oy, hindi ano? The hell I care, kahit flirt mo pa ang lahat ng babae dito." I said na nag-iwas ng tingin at ininom yung inorder kong cape. Siya naman ay tinawanan lang ako. "Sabi mo e!"

After namin kumain sa coffee shop ay tumuloy na kami sa bahay ni Lolo. Alam kong nag-oobserba si Sebastian sa mga bagay bagay sa paligid. "Dito ka nalang sa baba, suit yourself." Iiwan ko na sana siya sa living room nang bigla siyang magsalita.

"Sasama ko sa'yo, I want to meet him." Naawang ang labi ko sa sinabi niya. "Halika na." Sabi niya na hinawakan ako sa pulsuhan ko. "Where is his room?" Wala na akong nagawa, itinuro ko nalang iyon sa kanya. Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto.

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now