Forty Three: Thinking of You

42.4K 782 263
                                    

Forty Three: Thinking of You


Natigilan ako sandali pero hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko.

"Oo naman," mahinang bulong ko. Kitang-kita ko naman ang sigla sa mukha niya dahil sa sinagot ko.

"Hindi kita mamadaliin Hon, aantayin ko kung kailan ka handang i-open sa akin ang nakaraan mo at kung kailan ka handang magpakasal basta alam kong magpapakasal ka sa 'kin." Masayang-masayang sabi niya. Ayan na naman nagi-guilty na naman ako, sasabihin ko naman sa kanya. Next week siguro. Bubuuin ko lang ang loob ko.

Sinuot niya sa daliri ko ang singsing. "Pwede ko bang halikan ang fiancee ko?" Tanong niya, tumango-tumango naman ako, at hinayaang tumulo ang luha ko. Sana matanggap niya ang paliwanag ko. At sana mapatawad ako ni Sebastian sa desisyon ko.

Hinalikan niya ako, at hindi na ako umangal sa mga sumunod niyang ginawa. Lumalim ang halik na iyon hanggang sa bumaba sa leeg ko. Hindi ako kahapon lang pinanganak para hindi malaman kung ano ang maaaring mangyari.

Fiancee ko naman na siya at wala naman nang mawawala sa akin. Hindi na dapat ako pa-virgin pa. He deserve me but I don't deserve him.

"Hon, I want you." Sabi niya na nakatitig sa mata ko. Tumango naman ako hudyat ng pagsuko ko. He continued kissing me, pero sa lahat ng halik na 'yon ibang tao ang naaalala ko the only man who own my body and soul but not anymore. Because I am starting to get rid of him. I want him to be out of my system, kaya ako pumayag.

I let other person owned me, I surendered myself to my fiancee. Arthur Marcial.


"THANK you for trusting me Hon. I love you." He said na sumubsob sa leeg ko. Doon lang ako natauhan. I gave myself to him not to Sebastian. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko. Ang sama ko, ibang lalaki ang nasa isip ko while I am making love to my fiancee.

His every touch, his kisses, his voice isang tao lang ang nasa isip ko, masama man but I was thinking of Sebastian the whole night, pakiramadam ko nga ay bumigay lang ako because at the back of my mind it was him, pero hindi e. He was Arthur, he wasn't Sebastian.

"I love you hon." Bulong niya habang nakasubsob sa leeg ko.

Alam kong inaantay niya ang sagot ko. Sorry Arthur, itutuloy ko na ito. "Love you too..." tumulo ang luha ko nung sinasabi ko yon. Dahil hindi siya ang nasa isip ko habang binibitawan ko ang mga salitang iyon.

Napapaisip tuloy ako kung tama ba ang pagpayag ko dahil ngayon palang sigurado na ako na mas mahal ko si Sebastian at aminado akong ginamit ko lang talaga si Arthur na panakip butas.

Yumakap na sa akin si Arthur, pero hindi ako dalawin ng antok konsensya at puso ko ang sabay na umuusig sa akin. Maling-mali ito e. Pero nandito na e. Alangang bigla akong magback-out. Ano ang sasabihin ko kay Arthur? Na hindi ko siya natutunang mahalin? Na ginamit ko siyang panakip butas?

God I cant take it. Bakit ba kasi lagi akong padalos-dalos kung magdesisyon? Marami na akong naging pagkakamali sa buhay dahil sa mga maling desisyon ko. Kaya sana tama ito ngayon. Gagawin ko itong tama.

Tumagilid ako ng higa at tinignan ang maamo at masayahing mukha ni Arthur. Alam kong mahal na mahal niya ako. Mamadaliin niya ba akong alukin ng kasal kung hindi siya sinsero?

Tumulo na naman tuloy ang luha ko. 'Sorry kung ginagagamit kitang panakip butas. Matututunan din kitang mahalin ng buo at walang pag-aalinlangan. Just give me some time.'


"MOYRING Mama, moyning Papa Ayt." Bungad sa amin ni Era nung makarating kami sa kusina, kasama niya na dun si Tita na naghahain ng pagkain, katuwang ang isang kasambahay.

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now