Steal

4.7K 60 1
                                    

Sa Coffee Cat, tambay si Drew kasama ang barkada. Naikwento niya na ang pagdating ni Vanessa at ang malaking problema niya sa pagbabalik nito.

“Ayaw mo nun? Pag kinuha ni Vanessa ang anak ninyo, malaya ka na!” sabi ni Dion.

“Oo nga! Balik na naman sa dati ang buhay mo! Makakabawi ka sa mga gimik na di ka nakasama!” naexcite si Arkin para kay Drew, “At puwede ka na naman ma-in love!

“Ano ba kayo? Hindi na ganon kasimple yun ano!” singhal ni Drew “Hindi na babalik ang buhay ko sa dati...Atsaka anak ko pinag-uusapan natin. Hindi tuta na ipapasa sa iba!”

Sabay sorry sina Arkin at Dion.

“Ayoko mawala sakin si Alby... Pero sabi nina Nanay, pag kinuha ni Vanessa yung anak namin, wala ako magagawa...” napabuntong hininga si Drew.

“Isa lang naman ang puwede mangyari para hindi kunin ni Vanessa yung inaanak natin e... Pag hindi gumaling si Vanessa!” naisip ni Arkin.

“E Ikaw, Drew? Ano ba gusto mo? Gumaling si Vanessa o hindi?” curious question ni Dion.

Mapapaisip si Drew, “Ayaw kong mawala sakin si Alby, pero ayaw kong may mangyaring masama kay Vanessa!”

***

Naiwang mag-isa si Drew sa tambayan. Para iwasang isipin ang malaking problema niya, sinubukan niyang mag-compose para sa Song Writing competition. Pero fail.  Walang pumapasok sa utak niya.

Hanggang sa makita niyang pumasok si Toffer kasama ang ilang kaibigan. Hindi siya napansin nito.

Dinig ni Drew ang usapan ng grupo ni Toffer sa kabilang table.

“Tama na yang Mr. Smiley epek mo!” saway ng kaibigan ni Toffer.

“O nga! Ang torpe mo naman masyado! Bakit hindi ka na lang kasi magpakilala…” suggest ng isa.

“Anong torpe? Da Moves ang tawag dito” sabi ni Toffer “Ayaw kong umamin agad…baka ma-turn off lang sakin si Camille…”

Gulat si Drew na marinig na si Camille ang topic nila Toffer. Bigla siyang na-bother sa plano ni Toffer na panliligaw kay Camille.

Kaya naman nilapitan niya agad si Toffer. Kinausap.

“Makikiusap lang ako, Tol... Tigilan mo na lang si Camille.” Kaharap na ni Drew si Toffer, malayo sa mga kaibigan nito.

Inis agad si Toffer. Feel niya pakialamero si Drew, “Bakit? Dahil may gusto ka sa kanya?”

Di nakasagot si Drew. Para kay Toffer, confirmation ito.

“Sabi ko na e!” saby iling si Toffer

“Teka, Wala akong sinasabi!” depensa ni Drew. Paliwanag niya kay Toffer, masyado pang bata sila para isipin ang love. May tamang panahon para doon!

“Ano ba paki mo? Close ba tayo?” sobrang inis na si Toffer, “Wag mo nga ako pagbawalan, kasi alam mo, kung me mga bagay na hindi mo na puwede gawin dahil may anak ka na, huwag ka mandamay ng iba....Atsaka hindi ko naman gagawin yung ginawa mo…yung nakabuntis ka!”

Feeling offended si Drew. Pero hindi niya na lang pinatulan pa si Toffer. Umalis na ito kasama ang mga kaibigan.

Hanggang sa nakita ni Drew sa table ang nahulog na card ni Toffer. Birthday Greeting card para kay Camille.

Ihahabol sana ni Drew kay Toffer pero hindi niya na ito nahabol sa labas.

Napaisip na lang si Drew, bakit lahat na lang ng minamahal niya parang may gustong kumuha?
Una kay Alby, ngayon naman pati kay Camille!

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon