Fake

23.6K 298 93
                                    

Ilang beses na sinabi ni Camille na ayaw na niya kay Drew. Na dapat na niya itong kalimutan. Ilang beses na niya sinabing kakalimutan na niya ito. At hindi na niya iiyakan.

Pero sa tuwing nakikita niya si Drew, nakakalimutan niya lahat ng pangako niya.

At lahat ng effort niya na mag move on, nauuwi sa wala.

Kahit anong iwas niya, parang nananadya ang tadhana. Parang mas lalong lumiliit pa ang mundo para sa kanilang dalawa. Kung nasaan siya. Nandon si Drew!

Sa tuwing nakikita niya si Drew, hindi niya magawang hindi tumingin o sumulyap. Parang laging may bago kay Drew…sa aura…sa dating…sa kilos at pananalita nito. 



Sa paningin ni Camille, habang tumatagal parang bumibilis ang pag-mature ni Drew, mas nagiging responsable sa pag-aaral, mas sumeseryoso na ito sa mga bagay-bagay, mas nagugustuhan niya ito.

Kaso napansin din ni Camille ang lumalamig na treatment sa kanya ni Drew...

Ilang buwan na ang nakakalipas, hindi pa rin kami nagpapansinan…  Siguro, iniiwasan niya ako dahil sa nasabi ko sa kanya na mahal ko siya.

At nagsisisi na si Camille. Sana hindi ko inamin ang feelings ko. Sana friends pa rin kami ngayon.

“Kung friends pa rin kayo ngayon, patuloy ka pa rin niyang sinasaktan!” Sulsol ng bago niyang kaibigan, si Blessie. “Kung dedma siya matapos mong aminin na mahal mo siya, girl, kalimutan mo na siya!”

Kaya mas lalong nagpursige si Camille na pilitin ang sariling umiwas o magtago na lang sa tuwing nandyan si Drew. Para patas sila. Para lalong mapigilan niya ang puso niya. Para maka-move on na talaga siya.

Kung alam lang ni Camille ang pinagdadaanan ni Drew. Kung alam lang niya na mahal din siya ni Drew! Pero hindi na puwede. Dahil nakabuntis na ang lalaking mahal niya.

Ang alam lang ni Camille, madalas na pinupuntahan ni Drew si Vanessa sa bahay nito. Ito ang lagi niyang naririnig na topic ng barkada ni Drew.

Walang nakakaalam sa totoong status ng relationship ng dalawa.

“Nakita ko sila,” kuwento ni Camille kay Arkin. “Kasama ni Drew at Vanessa si Tita Raquel at Tito Gilbert.”

“Baka sila na! Nag meet the parents na pala eh,” conclude ni Arkin.

Hindi sangayon si Blessie na patuloy pa rin si Camille sa pagtatanong tungkol kay Drew.

“Hindi mo nga siya pinapansin, panay naman ang stalk mo sa kanya, parang ganoon din yun, girl!” Sumbat ni Blessie.

“Gusto ko lang malaman kung si Drew at Vanessa na talaga,” sabi ni Camille.

“Bakit pa? Para saktan ang sarili mo?”

“Baka ito na lang ang kailangan ko para tuluyan na ako maka move on,” palusot ni Camille. “Baka kapag na-confirm ko na sila na… doon ko na talaga siya kakalimutan!”

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon