Champion

12.4K 202 54
                                    

“Drew?” surprised si Vanessa nang makita si Drew sa may pintuan.



“Ay! Pano mo kami nasundan dito?” taka din si Jean.


Si Drew, hindi alam kung ano ang magiging reaksyon sa naabutang sitwasyon...hindi niya alam kung ano ang itatanong. Halos matulala siya…

“Nanganak ka na pala Vanessa…” mukhang lutang si Drew.


“Bakit hindi mo man lang ako sinabihan?” Medyo nainis ng konti si Drew. Gusto niya sana, andoon siya sa special moment na yun. Ang panganganak ni Vanessa...

Si Jean ang nag-sorry sa kanya. “Sinabihan naman ako ni Vanessa na tawagan ka kaagad… pero sa kangaragan, di ko na nagawa…”

Iniwanan na muna ni Jean si Drew at Vanessa para magkausap. Muling ibinalik ang baby sa tabi ni Vanessa.

At saka nilapitan ni Drew si Vanessa. Nakatitig si Drew sa baby. Parang first time niya lang nakakita ng baby sa buong buhay niya. O dahil first time niya magka-baby?

Amazed na amazed si Drew, “Puwede bang pakarga?”

Tango si Vanessa. Ipinasa ang baby kay Drew.

“Dahan-dahan lang daw Drew...Malambot pa bumbunan niya sabi ng Nurse.” Pagpapaalala ni Vanessa.

Kaya ingat na ingat si Drew sa paghawak sa baby.

Hindi maipaliwanag ni Drew ang nararamdaman… Masaya. Overwhelmed. Kabado. Takot. Pero mas nangingibabaw ang saya. Para siyang naka-champion sa basketball at nanalong MVP. 

Biglang umiyak ang baby… Malakas. Napalunok si Drew. Hindi alam anong gagawin.  Papasok ang nurse, pagagalitan si Drew at Vanessa.

“Iha, hindi mo dapat pinapakarga sa bata ang baby mo,”sita kay Vanessa ng nurse sabay kuha ng baby kay Drew.

“At ikaw naman, iho, sa labas ka na lang muna, huwag mo muna istorbohin ang ate mo!”

Nagulat si Drew. Gusto niya sabihing hindi ko siya ate… Tatay ako noong baby. Pero hindi na siya umimik.

“Sige na, Drew… sa labas ka na lang muna… saka na tayo mag-usap,” utos ni Vanessa.

Susunod si Drew sa utos ni Vanessa. Noong palabas na siya ng kuwarto, saka lang nag-sink in ang lahat sa kanya… May anak na siya. Tatay na siya. Nahawakan niya. Nakarga. Naamoy. Nakita. Narinig na umiyak. Tatay na siya.

Sa paglabas ni Drew ng kuwarto, napapikit si Vanessa. Naluha.

“I’m sorry, Drew… Sorry talaga. Sana mapatawad mo ako sa gagawin ko.”

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon