Rebound

39.1K 383 35
                                    

"Vanessa daw ang pangalan, dude!" Balita ni Arkin kay Drew. Pinag-uusapan nila ang bagong lipat na kapitbahay.

"Ang ganda ng pangalan," sabi ni Drew. "Kasing ganda niya."

Si Mac, sumimangot. "Pangalan ng kontrabida," pangontra niya.

Walang pumansin kay Mac sa hirit niya. Nasa Coffee Cat silang tatlo. Umorder na si Mac ng milk shake para hindi sila masita ng barista, at para makahingi sila ng password ng wifi sa coffee shop. Kanina pa sila ni Drew naka-tambay dito. Bagong datin si Arkin at binalita nga kay Drew ang tungkol kay Vanessa.

"Ano pa ang alam mo, dude?" Tanong ni Drew kay Arkin. 

"College na siya dude! Incoming third year daw.  At alam mo kung saan mag-e-enrol?"

Maiexcite si Drew. "Sa Southeastern Hope College?!"

"Natumbok mo!" High five si Drew at Arkin. Si Mac, duda na kay Arkin. 

"Bakit ang dami mong alam, Arkin? Ke lalake mong tao, ang tsismoso mo!"

"Sinusunod lang ni Arkin yung utos ko..." Sabi ni Drew. "Ginagawa niya to para sa akin."

"Hindi ko alam na may alalay ka na pala  ngayon na nauutusan." pagsusungit ni Mac.

"Bakit kanina ka pa masungit?" Tanong ni Drew kay Mac. 

Si Arkin, magbibiro. "Baka meron siya, dude! It's the time of the month." 

Iirapan sila ni Mac. "Ako na naman nakita nyo!"

"Meron nga ata!" Tuloy sa pang-aasar si Arkin. "Nakakalimutan ko, babae nga pala si Mac."

Magha-high five si Drew at Arkin. Lalong lalakas ang tawanan.

Bad trip si Mac. "Ewan ko sa inyo!"  

Dala ang milk shake, tatayo si Mac para lumipat ng table. Gusto man niyang mag walk out, hindi niya magawa. Ayaw niya rin naman umalis dahil bihira na nga lang sila magkita ni Drew, aalis pa siya. 

Lumipat lang siya ng table para magpasuyo kay Drew. Alam niyang maya-maya lang, lalapit na ito. Lalambingin siya. Kakausapin. At yun ang gustong-gusto ni Mac -- ang sinusuyo siya ni Drew. 

Hindi man siya makita ni Drew na girlfriend material dahil platonic lang talaga sila... masaya na si Mac kapag nilalambign siya ni Drew. Kahit bilang kaibigan lang. 

*** 

Pumasok si Dion at ang bagong girlfriend na si Girlie sa Coffee Cat. Natigilan si Drew. Ilang araw na mag-syota si Dion at Girlie pero naninibago pa rin siya.

Walang may alam na mula elementary, crush na ni Drew si Girlie. Mabuti na lang. Parang ang hirap na malaman nina Dion na dati niyang pinagnasaan si Girlie.

Tanggap ni Drew na si Dion ang gusto ni Girlie. At boyfriend na niya ito ngayon. Pero parang hindi pa rin siya sanay  makita si Dion at si Girlie na naghoholdinghands at nagyayakapan sa harap niya. 

Tumayo si Drew at iniwan sa kabilang table si Dion, Girlie at Arkin. Lumipat si Drew sa upuan ni Mac. Sinundot ni Drew si Mac sa kilikili. 

"Ano ba!" Singhal sa kanya ni Mac.

"Dude, galit ka ba? Binibiro ka lang kanina..." 

Hindi kumibo si Mac. Tuloy lang sa pagdutdot sa cellphone niya. Nakikigamit sa wifi ng coffee shop.

"May problema ka ba dude?" Tanong ni Drew.

"Wala..."

"Galit ka sa akin?"

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon