On Hold

6K 81 7
                                    

Nasa gitna ng pagpapraktis ng kanta sina Camille at Drew. Si Drew wala sa focus. Masisintunado ang gitara.

“Ay sorry...” mukhang bothered pa din si Drew. Doble doble na ang iniisip niya, ang tungkol kay Alby at Vanessa plus ang tungkol kay Toffer.

Napansin na siya ni Camille, “Kanina ka pa wala sa mood. May problema ka ba ? ”

Hesitant si Drew na mag share kay Camille. Lalo na ang tungkol sa pagbabalik ni Vanessa. Worry niya  na baka maapektuhan lang uli si Camille.

“Share mo na kasi…” pangungulit ni Camille. Sinigurado niyang pakikinggan at uunawain niya si Drew.

Si Drew, no choice alam niyang kukulitin lang lalo siya ni Camille kapag nag-deny siya.

”Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag kinuha na ni Vanessa ang anak namin...nagbalik na kasi siya, Camille,” panimula ni Drew.

Gulat si Camille. In a way she feels threatened. Baka sa pagbabalik ni Vanessa, lumayo uli sa kanya si Drew.

Nagpatuloy si Drew. He tells everything to Camille. Nang malaman at maintindihan ni Camille ang lahat, she feels relieved, mali ang iniisip niya!

Kaya ang opinion niya, “Drew, tama ang nanay mo, may sakit si Vanessa... Di ba dapat, mas lalo mo pa nga pinaglalapit si Vanessa sa anak ninyo sa condition niya ngayon?”

Pinaliwanag ni Drew ang side niya. Pero si Camille, todo convince kay Drew na makinig sa mga magulang nito. Kaya tango na lang si Drew.

May naisip na tulong si Camille, “Sandali, baka may maitulong ako kay Vanessa…may ninang akong doctor.”

Hanga si Drew sa concern ni Camille kahit sa kabila ng naging conflict nilang tatlo.

“Camille salamat ha?” sobrang thankful si Drew kay Camille.

“Salamat saan?”

“Salamat sa understanding…sa friendship” sabi ni Drew.

“Wala yon…”smile lang si Camille.

Si Drew, naisip ibahin ang topic “Teka, malapit na birthday mo ha!” 

“Naks naalala mo ha!” kilig si Camille. 

“Syempre naman! Makakalimutan ko ba yon?” pero sa totoo naalala ni Drew ang card. Kaso nagpasya siyang hayaan na lang si Toffer na umamin mismo kay Camille.

Naisip na lang ni Drew na may idagdag na lyrics sa ginagawang song. Nilabas niya ang notebook. Nahulog ang card! Ang card na napulot niya galing kay Toffer.

Nang makita ito ni Camille, laking gulat niya. Nabasa niya ang nakasulat: From Mr. Smiley. Inassume niya agad na si Drew nga ang secret admirer niya, “Ikaw si Mr. Smiley?”

Si Drew, hindi alam ang sasabihin kay Camille. Paano niya ipapaliwanag na nagkakamali lang sa iniisip si Camille? Paano niya sasabihin na si Toffer ang gumawa non?

Pero pinili niya ang sabihin ang totoo, “Hindi sakin yan Camille…hindi ako si Mr. Smiley…”

Confused lalo si Camille. Kaya ipinaliwanag na lang ni Drew ang nalaman niya sa Coffee Cat.

“Ah siya pala…” hiya si Camille kay Drew. Wala na siyang ibang masabing comment sa nalaman.

Sobrang awkward ang dalawa.

Sa isip ni Camille, sana si Drew na lang si Mr. Smiley!

Si Drew, nagtatalo ang kalooban niya…gusto niyang tapatan si Toffer sa panliligaw nito kay Camille…pero alam niyang hindi pwede dahil lalabas na parang kinain niya ang advice niya kay Toffer. Na ang love ay may tamang panahon.

Beside, alam niyang may responsibilidad pa siya sa anak niya na kailangan niyang gawin para hindi ito mawala sa kanya ng tuluyan. Iyon muna ang magiging focus niya!

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon