Time Out

25.6K 237 62
                                    

“Wala siya.”

“Umalis.”

“Tulog.” 

Yan ang laging sagot ni Mam Sylvia kay Drew sa tuwing pumupunta siya sa bahay nila para hanapin si Camille.

Sa school naman, sa tuwing lumalapit si Drew kay Camille, para siyang may baktol at bad breath kung iwasan ni Camille. Naglalakad pa lang siya palapit kay Camille, lalayo na agad si Camille.

“Basted ka agad!” Pang-aasar ni Arkin. “Hayaan mo na. Marami naman diyan…  Kalimutan mo na si Mac.”

Pero ayaw niyang kalimutan si Camille.

“Gusto ko lang naman siyang kausapin… Gusto kong sabihin na para sa kanya naman talaga yung mga bulaklak at chocolate. Siya naman talaga ang gusto ko – hindi si Vanessa.”

“Bakit ba kasi na kay Vanessa ang bulaklak?” Tanong ni Dion.

At nagkuwento si Drew. Pero sa kuwento niya, pumunta siya kay Vanessa para isoli ang T-shirt. Nakita niya itong lasing. Nasuka si Vanessa. Tinulungan niya tapos umalis na siya. Naiwan niya ang bulaklak at chocolate. Hanggang doon lang. Hindi niya kinuwentong may nangyari sa kanila ni Vanessa. Ayaw niyang makarating kay Camille.

Sira na nga ako kay Camille. Masisira pa kapag nalaman niya ang nangyari sa amin ni Vanessa. Sabi ni Vanessa, kalimutan na namin iyun… Kaya kakalimutan ko na din.

Hindi lang si Drew ang iniwasan ni Camille. Pati ang buong barkada. Hindi na sumasama si Camille sa kanila. Kahit si Arkin at Dion, hindi na kinakausap ni Camille.

“Kasalanan mo to, dude,” sisi ni Dion kay Drew. “Sino na ngayon ang kokopyahan natin ng assignment?!”

Lumipas ang dalawang Linggo, hindi pa rin sila kinakausap ni Camille. Hindi na kaya ni Drew. Hindi siya sanay na hindi nakakasama si Camille. Kailangan niya gumawa ng paraan para magkaayos na sila ni Camille.

Malalim ang iniisip ni Drew. Naglalakad ng tulala. Ngayon lang tumagal ng ganito ang tampuhan nila ni Camille. Paano ko ba siya mapapapayag na kausapin ako?

Bigla na lang …. SCHREEEEEEEEEEECH.

Nagulantang si Drew. Sa kakaisip ng paraan para magkabati sila ni Camille, muntikan na siya masagasaan.

“Huy, ano ba. Nagpapakamatay ka ba?” Galit ang driver.

Pero si Drew, biglang ngumiti. May naisip na siyang paraan.

“Salamat, Manong!” Sigaw ni Drew. Sabay takbo. Excited.

***

Palabas ng gate si Camille nang salubungin siya ni Arkin, sumisigaw. “Mac! Mac! Si Drew!”

Natigilan si Camille. Sa itsura ni Arkin, parang takot na takot ito. “Bakit?”

“Si Drew… nagpakamatay!”

“Ano?”

Hinawakan ni Arkin si Camille. Hinila. “Halika, Mac. Baka abutan mo pa…”

Halos madapa si Camille sa pagkaladkad sa kanya ni Arkin. “Ano ba nangyari???”

“Uminom ng lason ng daga!”

“Nasan siya ngayon? Nasa hospital?”

“Ayaw magpadala sa hospital, Mac. Gusto na daw niya mamatay….”

Mangiyak-ngiyak na si Camille. “Bakit daw? May problema ba siya? Family problem?”

“Dahil sayo…”

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon