Score!

28.9K 216 37
                                    

Excited si Drew na nagbibihis. Ngayon sila magkikita ni Camille. Ngayon niya aaminin na may gusto siya dito. At ngayon niya tatanungin kung may pagasa bang mag level up ang relasyon nila. From friends to lovers.

Sumulyap si Drew sa kama, andoon nakapatong ang binili niyang bulaklak at chocolates para kay Camille.

Sa tagal naming magkaibigan ni Mac, ngayon ko lang siya bibigyan ng bulaklak. Sana matuwa siya. Sana ma-appreciate siya.

Mas lalong na-excite si Drew. Napatingin siya sa suot niya na T-shirt. Papasa na ba to? Dapat yung mukha akong disente. Makapag-polo nga.

Binuksan ni Drew ang cabinet niya, naghahanap ng polo na pamalit sa suot na T-shirt. Pero iba ang nakita niya – ang T-shirt na pinahiram sa kanya ni Vanessa.

At kasabay ng pagkakita niya ng T-shirt, nanumbalik ang gabing kasama niya si Vanessa. Ang gabing nakita niyang hubad si Vanessa. Pati ang naramdamang sakit noong nakita niya si Vanessa na may kasamang lalaki, nanumbalik.

“Baka dapat isoli ko na to kay Vanessa, para hindi ko na siya maalala,” sabi ni Drew sa sarili.

***

Nakatayo si Drew sa labas ng bahay ni Vanessa. Dala niya ang bulaklak at chocolates na para kay Camille. At ang T-shirt na isosoli niya kay Vanessa.

“Mac, mali-l8 lng aq ha. N d way n.” Text niya kay Camille bago pumasok sa gate nina Vanessa.

“Tao po? Vanessa?” Tawag ni Drew. Walang sumasagot. Napatingin si Drew sa relo niya, “Alas siete pa lang. Impossibleng tulog na yun.”

Pero mukhang walang tao, next time na nga lang. Para hindi na maghintay si Camille.

Paalis na sana si Drew nang nakarinig siya ng iyak sa loob ng bahay. Si Vanessa. Curious, tinulak ni Drew ang pinto.

“Vanessa? Isosoli ko lang yung –“ Nagulat si Drew sa nakita niya. Si Vanessa, nakahiga sa sahig, may hawak na bote ng Patron tequila sa isang kamay, umiiyak.

Lalapitan ni Drew si Vanessa, nag-aalala.

“Vanessa? Anong nangyari sayo?”

Hahagulgol lang si Vanessa. “Walang hiya siya! Niloko lang niya ako. Tangina niya! Gago. Mamatay na sana siya!” Sabay bato ni Vanessa ng bote ng Patron. Lasing si Vanessa!

“Vanessa, mabuti pa magpahinga ka na lang...”

“Hindi. Gusto ko pa uminom! Inom tayo, Drew…”

Tatanggi si Drew. “Kailangan ko na umalis. Hinatid ko lang tong T-shirt mo… Sige ha…”

Paalis na si Drew nang biglang humagulgol si Vanessa.

“Pare-pareho lang kayo. Iniiwan niyo din ako… Iyong Daddy ko. Tapos si Ralph… Ngayon, pati ba naman ikaw na kaibigan ko, Drew? Iiwan mo din ako?”

Ngayon lang nakita ni Drew na umiyak si Vanessa. Hagulgol. Maawa si Drew. Nilapitan niya si Vanessa, hinawakan.

“Tama na, Vanessa… magpahinga ka na lang… Bukas, balikan kita. Bukas tayo magkuwentuhan…”

Bigla na lang… GWAAAAAAAAARK! Nasuka si Vanessa. Sinukahan nito ang damit niya. At ang polo ni Drew. Sabay nawalan ng malay.

“Vanessa!”

Hindi alam ni Drew ang gagawin kay Vanessa.

***

Ang T-shirt na dapat isosoli ni Drew kay Vanessa, sinuot ni Drew pamalit sa polo na nasukahan ni Vanessa.  Kesa naman mag-amoy suka ako sa harap ni Camille.

Si Vanessa, wala pa ring malay, nadala na ni Drew sa kama. Mabuti naman at tulog na siya. Nakatulog sa sobrang kalasingan.

Napatingin si Drew sa maikling dress ni Vanessa. May suka ito. Pero hindi magawang bihisan ni Drew si Vanessa. Kaya hinayaan niya lang itong matulog na may suka ang damit.

Inaayos ni Drew ang T-shirt sa harap ng salamin nang magtext si Camille. “D2 na ako.”

Saka nagmadaling kumilos si Drew habang sumasagot. “Sige, Mac, lapit na…”

“Ano ba to, ambahooooo,” Nagulat si Drew. Nagising si Vanessa.

At hindi lang basta nagising… bumaba ito ng kama at hinubad nito ang damit na may suka. “Yaaaaak,” sigaw ni Vanessa.

Nanlaki ang mata ni Drew. Walang bra na suot si Vanessa! At sa paghubad nito ng damit na may suka… naka panty lang ito.

Kung dati, pagpipiyestahan ni Drew ang nakita niya… ngayon, tumalikod siya.

“Vanessa… alis na ako…”

Saka lang siya napansin ni Vanessa. Lasing pa rin si Vanessa. Susuray-suray na naglakad palapit kay Drew.

“Drew…” ngiti ni Vanessa habang lumalapit kay Drew. “Mabuti na lang andito ka…”

“Paalis na ako Vanessa…”

“Huwag… huwag kang umalis…”

Pinulupot ni Vanessa ang mga kamay kay Drew. Naiilang si Drew. Iniwas ang katawan. Pero lalong lumalapit si Vanessa sa kanya.

“Bakit mo ako iniiwasan? Pangit ba ako? Kaya ba pinagpalit ako ni Ralph sa ibang babae?”

Hahalikan ni Vanessa ang leeg ni Drew. Iiwas si Drew, itutulak si Vanessa.

“Vanessa, lasing ka… Alis na ako…”

“Ayaw mo ba sa akin? Hindi ba crush mo ako? Hindi ba pinagnanasaan mo ako?” Muling lumapit si Vanessa. Susubukan halikan si Drew.

Hahaplusin ni Vanessa ang batok ni Drew. May ibang naramdaman sa sarili si Drew… Ito yung lagi niyang napapanaginipan. Ito yung lagi niyang iniimagine at pinagpapantasyahan. Nagkakatotoo na.

Pero hindi puwede,” isip ni Drew.

Muling nilapit ni Vanessa ang katawan niya kay Drew. At ang natitirang maliit na control at paninindigan ni Drew, unti-unti na napapalitan ng nararamdaman ng katawan niya…

Pakiramdam niya na-trap na siya sa isang lugar na hindi na siya makaalis. Isang bagay na hindi na niya kayang tanggihan. At hindi na niya naiwasan ang papalapit na mukha ni Vanessa.

Unti-unting nagdampi ang mga labi nila. First kiss ni Drew. Solid. Ganito na katindi!

Hindi na napigilan ni Drew ang sarili. Labi sa labi. Dila sa dila. Laway sa laway.

Habang naghahalikan sila, dahan-dahang tinatanggal ni Vanessa ang sinturon ni Drew. At kasabay ng pagkahubad ng pantalon ni Drew, tuluyan na rin siyang nakalimot sa sarili. Nakalimutan na naman niya si Camille na naghihintay sa kanya….

Dahil na naman kay Vanessa.

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon