Supalpal

3.7K 59 3
                                    

Pinuntahan agad ni Helen ang bahay ng mga Medina para humingi ng depensa sa nagawa ni Vanessa.

Pero nalaman niyang wala pa doon si Drew. Kaya sya na ang nagkwento ng lahat sa mag-asawa.

“Ano ito joke?” hindi makapaniwala si Raquel.

“Sorry Raquel…sorry sa nagawa ng anak ko…”

Kulang na lang lumuhod si Helen para sa lahat ng perwisyo ni Vanessa sa pamilya Medina.

Biglang dating si Drew bitbit si Alby, “Wag kayong maniwala sa kanya, Nay!”

Umiiyak si Drew, “Gusto lang nila kalimutan ko ang anak ko…kaya sila nag-iimbento ng mga kwento!”

Lapit sina Raquel at Gilbert kay Drew para i-comfort, “Anak…”

Papakiusapan ni Gilbert si Drew, “Doon ka muna sa kwarto. Hayaan mo na munang kami ng nanay mo ang kumausap sa Tita Helen mo…”

“Hindi ‘tay!  Hindi ako aalis dito.” Pagmamatigas ni Drew.

“Drew…alam ko…mahirap tanggapin…pero kailangan natin –

“Tay! Hindi po... Hindi po talaga totoo yang sinasabi nila.” Turn back si Drew kay Helen “ Sinasabi niyo lang yan para makuha niyo si Alby...hindi po ba?”

“Kung alam niyo lang kung gaano ako hiyang-hiya sa inyo ngayon…Dahil sa kasalanan ng anak ko... pero may kasalanan din ako…Napabayaan ko si Vanessa…kaya ako na lang ang sisihin niyo…” akmang luluhod na si Helen.

Tiyempo…pasok si Vanessa!  Makikita niya ang ina na nakaluhod.  Awang-awa, “‘Nay!!!”

Tinayo ni Vanessa ang ina, hinarap sina Drew, “Patawarin nyo po ako...Drew, Tito Gilbert, Tita Raquel..matagal ko na pong gustong sabihin talaga ang totoo…pero pinanghihinaan po ako ng loob…Alam ko po…mahal na mahal niyo na rin si Alby…Kaya po napakahirap din sa akin ito…Dahil ayokong saktan…pati kayo…”

Hindi tanggap ni Drew ang mga sinasabi ni Vanessa, “Nahihirapan ka Vanessa? Parang ang dali nga sa iyo eh…Ang daling magsinungaling para sa iyo…”

“Drew... Bumalik ako sa Pilipinas para kunin si Alby. Dahil hindi ako pinatatahimik ng konsensya ko. Akala ko sa pagbawi sa kanya…Makakabawi na rin ko sa ginawa ko sa iyo…at sa pamilya mo!”

“Bumalik ka sa Pilipinas dahil nagkasakit ka! Yun ang dahilan…pero magaling ka na di ba? Matagal na!  Kung gusto mong bumalik sa Amerika…Walang pumipigil sa iyo… Pero ‘wag na ‘wag mong kukunin ang anak ko!”

“Drew!  Hindi mo nga siya anak!!!” diin ni Vanessa. “Patawarin mo ako…o kahit hindi mo ako patawarin…Hindi mababago noon ang katotohanan…Na hindi ikaw ang tatay ng anak ko!”

Si Raquel, nagalit na. Parang gustong sugurin si Vanessa. Mas pinaniwalaan niya ang alam nyang totoo.

“Akala ninyo mapapaniwala niyo kami? Ikaw Vanessa! Pinagkatiwalaan kita! Sinira mo na nga ang buhay ng anak ko..tapos ngayon, sisirain mo ulit sa kasinungalingan yan!”

“Sorry po Tita Raquel...”

“Sorry?! Magkamatayan na tayo, Vanessa... hindi niyo makukuha ang apo ko!

Vanessa breaksdown.

“Anong klase kayong mga tao?! Anong klase kayong mga ina?!” sumbat pa ni Raquel.

Mapapayuko si Helen. Yakap si Vanessa na muling makikiusap kay Drew, “Drew, parang-awa mo na…”

Pero tumalikod lang si Drew. Pilit na lalapit si Vanessa...gustong kunin ang baby, pero haharang si Raquel.

Magmamakaawa naman si Helen kay Gilbert, “Gilbert…nakikiusap ako…”

Pero si Gilbert, kakampihan niya ang pamilya nya, regardless kung totoo man o hindi ang sinasabi nila Vanessa, “Umalis  na kayo...”

Sa mga oras na iyon, sumuko sina Vanessa at Helen.

Pero sa isip ni Vanessa, Babalik ako Drew, ako ang ina ni Alby…ako ang mas may karapatan sa kanya!

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon