Redemption

6.4K 89 11
                                    

Matapos ang ilang araw na pagrereview nila Drew at Camille. Dumating na ang araw ng contest!

Ilang minuto na lang bago magsimula ang MATHALINO QUIZ BEE.

Puno na ang crowd ng mga students, faculty members, at parents. Nakahalubilo pa ang mga contestants sa mga respective family and supporters.

Sa side ng Medina family, present sina Gilbert, Raquel. Kasama ang buong barkada ni Drew pinapalibutan si Drew.

                                        

Sa side ng Lorenzo family, kitang may tension sa pagitan nina Armand at Sylvia. Halos hindi nagkikibuan.

Si Camille, halatang may kargang problema. Nalaman niya kasi ang tungkol sa planong annulment ng mga magulang nya. Pero tahimik lang siya. Pinagmamasdan lang ang cold parents.

Lapit si Blessie kay Camille to extend her support, “Ready ka na ba? Galingan mo ha!
Wag ka papatalo!”

Si Camille, bothered pa rin. Parang hindi narinig si Blessie.

Tingin uli si Camille sa mga magulang niya. Kabado siya sa pwedeng mangyari sa family nya kapag natuloy ang planong annulment.

Samantala, puro bilin din kay Drew ang barkada para manalo.

“Basta wag kang kabahan, Drew.” Dagdag pa ni Dion “Focus lang kayo ni Camille! Lalo ka na, makinig kang mabuti sa mga tanong, para tama mga sagot nyo ni Camille!

“Saka takpan nyo din yung pagsulat ng sagot nyo, baka makopyahan kayo!” advise naman ni Arkin.


“Dude, di ka naman kasali kaya walang mangongopya sa kanila” barado ni Dion si Arkin.

“Kahit na ba…iba na ang sigurado!” sabi pa ni Arkin.

Tawanan ang barkada.


Sobrang thankful si Drew sa pagiging supportive ng barkada. Syempre lalo na ng pamilya nya.


“Basta, Drew… kahit anong mangyari…ngayon pa lang… proud na proud kami sayo.” Sabi ni Raquel bago tuluyan ng tawagin ang lahat ng contestants.

Walang kaalam-alam si Drew sa personal problem ni Camille. Pero si Camille, sinubukang isantabi muna ang isyu nya sa parents.

***


Nagsimula na ang contest. Naitanong na ang first question. Lahat nakataas ang letter of answer sa white board.

Halatang kabado ng slight si Drew sa sagot nila ni Camille. Hindi niya kita ang ibang sagot ng iba.

Seryoso lang si Camille.


“And the answer is letter…B!” announce ng host.

Tuwa si Drew, tama ang sagot nila!

Hiyawan ang barkada, sila ang pinaka-maingay sa audience. Todo support sa dalawa.

Sobrang teamwork ang dalawa. Sa bawat tanong kita ang suportahan nila.

Sunod-sunod ang mga tanong. Sunod-sunod din ang tamang sagot nila.

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon