Sargo

2.2K 36 1
                                    

Hindi pa man lumilipas ang isang araw nang mawala sa piling ni Drew si Alby. Sobrang miss niya na ang anak. Mas triple ngayon dahil alam niyang hindi na babalik sa kanya si Alby. 

Feeling pa niya parang may nawala sa pagkatao niya. Feeling niya mababaliw siya.


Hanggang sa napansin niya ang naiwang dede ni Alby. Makakaramdam siya lalo ng sobrang lungkot.


Para labanan ang lungkot, kinuha niya ang guitar. Tumugtog siya. Pero kahit ano ang itugtog niya, nasisintunado lang siya. Naalala niya kasi ang anak niya.  



Nai-imagine niya na nasa may kuna ito. Umiiyak. Tinatawag siya.

Hanggang sa mapatid na ang string ng gitara! Binitawan niya ito.

Inilabas na lang niya ang wallet na may picture ni Alby. Naka-smile ito, kaya napa-smile din siya.

Kinausap niya ito na parang nasa harapan niya lang ang anak, “Alby, pinangako ko sayo dati na madami pa tayong plano…na tuturuan kitang mag-gitara…na kung gusto mong maging piloto tulad ng daddy mo…susuportahan kita…na gagawin natin lahat yon…na tutuparin nating lahat yon nang magkasama.”

Biglang maluluha si Drew, “Pero pasensya ka na…hindi na natin pwede gawin yon anak.”


Hanggang sa ---


“Kuya?” sabay lapit si Yuri kay Drew.

Punas agad ng luha si Drew. Ayaw niyang magpahalata na malungkot sya.

Si Yuri, confused, “Kuya, narinig ko sabi nila… Hindi mo daw anak si Alby…Totoo ba yon?”

Hindi makasagot si Drew, di niya alam pano ipapaliwanag sa kapatid ang lahat.

“Yun daw ang sabi ng test.  Anong test yun Kuya?”  

Si Drew, uulitin ang sinabi ng ama, “Yuri, wala sa dugo iyan. Wala sa test. Ako ang Daddy ni Alby, kahit ano pa ang sabihin nila.”

Lalong naconfuse si Yuri, “Pero kuya, bakit wala na dito si Alby sa bahay? Hindi na ba siya babalik?”

Hindi na makakasagot si Drew. Hindi niya kayang sabihin ang totoo sa kapatid, dahil sa sarili niya hindi nya tanggap na hindi na babalik ang anak niya.

Mapapatingin uli si Drew sa picture ni Alby sa wallet. Bigla na lang nagkaduda siya sa naging desisyon niya, tama nga bang pumayag siyang ibalik si Alby kay Vanessa? 

BAGITOWhere stories live. Discover now