Reset

5K 69 1
                                    

Tuloy pa din ang Christmas Party. Iba-iba ang hinandang palaro ng bawat grupo: pabilisan sa Christmas gift wrap relay; paunahan sa Name that carol; pagalinggan saChristmas Charades; at hatawan sa Stop Dance.

Pero pinaka-exciting ang Find the Christmas Treasures. Dahil by pair ito, nagkaroon ng bunutan. Nabunot na mag-partner sina Camille at Drew.

Gustuhin mang hindi sumali nina Camille at Drew, pero ayaw nilang maging KJ. Kaya wala silang choice, magkasama silang naghanap ng nawawalang treasure laban sa ibang pairs.   

Gamit ang binigay na map, naghanap sila. May konting awkwardness si Drew. Pinagtitinginan kasi sila ng mga students. Concerned siya na baka kung ano na ang iniisip ng mga ito kay Camille dahil kasama siya nito.

“Magpatalo na lang kaya tayo?” suggest ni Drew. Napahinto si Camille. Nasa may garden na sila banda naghahanap.

“Bakit naman?” hanggang sa mapansin ni Camille ang mga tingin ng mga schoolmates. Gets niya na agad ang nasa isip ni Drew.

“Kung lagi mong iisipin kung ano ang tingin ng mga tao sayo…lagi kang matatalo, Drew.” Sabi ni Camille.

“Pero kasi…” hiya si Drew kay Camille.

“Hindi mo na maibabalik ang lahat…pero kaya mong bumawi, hindi ba?” puno ng tiwala si Camille kay Drew na makakayanan nito ang pinagdadaanan.

“Salamat talaga Camille. Salamat sa pag-unawa.” Nabuhayan ng loob si Drew. Para sa kanya, kahit ano pa ang isipin ng iba sa kanya. Ang mahalaga ngayon, buo na muli ang tiwala ng pamilya, mga kaibigan, at ni Camille sa kanya.

“O eto na yung isa!” nakita ni Camille ang isang nakabalot na treasure sa likod ng paso.

Sabay yaya si Camille na hanapin ang dalawa pang treasures. Sunod lang si Drew.

Napunta sila sa isang vacant classroom. Hinanap nila ang treasure sa bawat sulok.

“Ayon!” turo ni Camille sa treasure na nakapatong sa taas ng blackboard.

“Sandali ako na kukuha!” volunteer agad ni Drew.

“Ako na! Kaya ko yan!” pigil ni Camille.

Kaya kumuha ng upuan si Camille. Pumatong. Pero sa pagkuha niya ng treasure, na out of balance siya!

Ahhhh! Boogsh!

Sinubukan siyang saluhin ni Drew. Pero tumba din ito! Bagsak si Camille kay Drew. Halos nakapatong. Halos magdikit ang mga mukha nila.

Gulat silang dalawa. Hindi agad nakabangon. Napatitig pa sa isa’t isa!

Hanggang sa may marinig silang sigaw, “Camille!!!”

Nakita sila ni Slyvia sa ganoong posisyon! Sobrang shocked! Malisyoso agad ang naiisip! Galit na galit!

Lagot!

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon