Tampal

3.7K 58 7
                                    

Binisita ni Vanessa si Alby sa bahay nina Drew. Pero iba ang nadatnan niya – ang resulta ng DNA test na inabot sa kanya mismo nina Raquel at Gilbert.


“Negative… Hindi nga si Drew ang ama ni Alby.”

Napayuko si Vanessa. Hindi niya alam kung matutuwa siya ngayon na confirmed na ang totoo, or mahihiya?

Si Raquel, gustong intindihin at unawain ang nagawa ni Vanessa, “Bakit mo ginawa sa amin ito?”

Hindi agad nakasagot si Vanessa. Kung puwede lang, lamunin na siya ng lupa sa kahihiyan. Gustong iwasan ang paghaharap with Raquel and Gilbert.

Mangiyak-ngiyak na si Raquel, “Hindi mo man lang ba naisip ang kinabukasan ng anak ko?”

“Anong klaseng tao ka???” patuloy ni Raquel. “Napakawalanghiya mo!”

Hindi na napigilan ni Vanessa ang maiyak. Sa sobrang guilt at kahihiyan.


“Sorry po Tita…” ang nasabi na lang ni Vanessa.


Raquel takes a deep breath. Hindi alam ang gagawin.  Nanumbalik sa kanya ang lahat ng paghihirap at problemang dinanas nila mula noong iniwan ni Vanessa si Alby sa kanila. Lalo na kay Drew!

“Tita Raquel…sorry po talaga.” paulit-ulit na lang si Vanessa.

Biglang PAKKKKKKK!


Isang malakas na sampal ni Raquel kay Vanessa. Tumba si Vanessa!

“Ling!!!” awat na si Gilbert sa asawa. “Tama na…”

“Patawarin niyo na po ako Tita…Pinagsisishan ko na po talaga ang ginawa ko…”

“Hindi sapat ang pagsisisi mo! Sinira mo ang buhay ng anak ko!” bulyaw pa ni Raquel. “Pinagkatiwalaan ka namin! Pero niloko mo lang kami! Anak ko pa ang pinagbayad mo sa kalandian mo!!!”

Akmang sasaktan pa sana ni Raquel si Vanessa, nang saktong dumating na si Drew, “Anong nangyayari, Nay?”


Kita ni Drew si Vanessa, bagsak sa floor.

Biglang yakap si Raquel sa anak. Hagulgol si Raquel. Takang-taka si Drew sa nangyayari.

Hanggang sa mapansin na ni Drew sa sahig ang DNA result.

Kumawala sya sa pagkakayakap ng ina. Agad pinulot ang DNA result.

Nang mabasa niya, tigalgal siya.

Sa mga oras na iyon, alam ni Drew na talo na siya ni Vanessa! Na totoo ang akala niyang isang malaking kasinungalingan lang. Totoong hindi niya anak si Alby!

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon