Talbog

15.3K 270 41
                                    

Hindi na napanatag si Drew mula nang sumabog ang blind item sa FB Page ng Southeastern Hope. Tapos sinundan pa ng iba pang updates na parang pinapatamaan siya…

“Ang nakabuntis ay student din sa SouthEastern Hope College!”

“Isang highschool, isang college ang involved!”

Naging trending topic sa buong school ang mga post na ito. Halos lahat ng mga estudyante at pati mga teachers, pinag-uusapan! Updated ang lahat. Parang naging snack nila ang mainit na isyu sa tuwing breaktime.

Kaya kahit pa man maraming lumabas na pangalan. Kahit hindi pa man natutukoy talaga kung sino. Si Drew, balisang-balisa na.

Iniisip niya ang mga possible consequences kapag nalaman na ng lahat na maaaring si Vanessa at siya ang nasa blind item. Takot na takot siya.

Baka husgahan nila ako. Baka ma kick out ako sa school? Ano na lang sasabihin ng mga tao? Ano iisipin ng tropa ko?


“Dude, sabi naman namin kasi sayo, mag-iingat ka!” banat ni Arkin kay Drew habang magkakasama ang buong barkada.

Agad kinabahan si Drew. Halos manginig. Paano nalaman ng barkada ang sikreto niya? 

“Umamin ka na kasi Drew…aminin mo na sa lahat.” dagdag ni Dion, “Para matapos na ang mga bulung-bulungan.”

“Ang ano ba kasi yon?” kunwari walang alam si Drew.

“Na ikaw yung nakabuntis. At si Vanessa, ang nabuntis mo!” sigaw ni Arkin.

Nanlaki ang mga mata ni Drew. Wala na siyang takas. Alam na nga ng barkada ang lihim niya. Pero paano nalaman ng mga ito? 


Wala na siyang ibang choice. Kaya nagpasya na siyang aminin na ang lahat.

“Sorry mga dude, di ko nasabi agad. Napagkasunduan kasi namin na maging sikreto muna lahat…” Hiyang-hiya si Drew sa mga kaibigan.

Pero laking gulat niya nang biglang magtawanan ang lahat. Malakas. Nakaka-insulto. Bwahahahaha!

Na-confuse si Drew sa naging reaksyon ng barkada. 

“Ayos lang kayo?” taka si Drew.

“Ayos ka din e no!” singhal ni Arkin. “Parang totoo e no!”

Sobrang naguluhan lalo si Drew.

“Kuhang-kuha mo Drew, siguro ganyang-ganyan ang mukha ng kung sino man ang nasa blind item no?”

Saka lang narealize ni Drew, gino-good time lang siya ni Arkin. Binibiro! Hindi nga talaga siguro magagawang isipin ng mga kaibigan niya ang possibleng siya ang nasa blind item. At kahit kalian, hindi din maiisip ng barkada niya na papatulan siya ni Vanessa. Na may mangyayari sa kanila ni Vanessa. Kung maisip man ng mga ito, hanggang sa asaran o tuksuhan lang.

Pero agad niyang narealize, maliban sa kanila ni Vanessa at sa magulang ni Drew,  ang nakakaalam na buntis si Vanessa ay si Camille lang. Napaisip siya…

Paano na kung magsalita si Camille? Hindi kaya nabanggit na ni Camille ito kay Blessie? O kung kanino man? Tapos biglang kumalat na. Paano kung may nakakita o nakarinig sa mga pag-uusap nila ni Vanessa?

Praning na praning na si Drew. Pakiramdam niya, pinag-uusapan siya ng mga tao. Parang time bomb na anytime, sasabog ang isyu.

Kaya nag-pasya siya na kausapin si Vanessa tungkol sa blind item issue. Para in case mapangalanan na sila, at least magiging handa. Alam nila kung ano gagawin at sasabihin.

Ang ine-expect ni Drew, paranoid na rin si Vanessa. At makikipag cooperate sa kanya.

 “Hayaan mo na sila Drew,” sabi ni Vanessa.  “Wala naman sila maitutulong sa sitwasyon natin…” 

Balewala lang sa kanya yun?

***

Dahil ilang araw na ang bulung-bulungan tungkol sa blind item, tuluyan nang nabahala ang school administration. Nagpatawag ito ng General Assembly sa mga teachers at students sa pangunguna ng principal na si Mam Sylvia, ang Mommy ni Camille.

Pina-imbestigahan kung sino ang nag post ng blind item. Kung kayang matukoy ang identity sa pamamagitan ng IP address. Pinagbawalan din na pag-usapan ang tungkol dito – lalo na at nalalapit ang pag-dating ng mga bisita para sa accreditation ng school.

“Dude.. dude… kilala na kung sino yung nabuntis!” Balita ni Arkin.

“Sino?” Tanong ni Dion.

“Kausap na ngayon ni Mam Sylvia…”

Kinabahan si Drew. Nagmadaling nagpaalam kay Arkin. Sabay dial ng number ni Vanessa.

Ring ring ring.

Hindi sinasagot ni Vanessa.

Vanessa, please…. Huwag mong sasabihin na ako ang Tatay.

Ring ring ring

Kung kausap ka na ni Mam Sylvia ngayon…. Tumahimik ka na lang Vanessa.

Halos maihi sa sobrang kaba si Drew. Lalo na at hindi niya makontak si Vanessa. Kaya Drew decides na itext na lang si Vanessa.

Biglang bumukas ang pinto ng Principal’s Office… at lumabas ang isang high school student. Nasa fourth year.

“Siya yun!” Turo ni Arkin. “Siya yung nabuntis. Tapos College ang nakabuntis.”

“Ikaw kalalaki mong tao, ang tsismoso mo!” Pang-aasar ni Dion.

Pero si Drew, nakahinga ng maluwag… Hindi siya at si Vanessa ang tinutukoy sa blind item kundi ibang tao!

Ganoon yata talaga kapag guilty ka. Kahit hindi ikaw ang tinutukoy, tinatamaan ka…

***

Nakahinga nang maluwag si Drew, pero panandalian lang…dahil nabalitaan niya na may binago sa student policy tungkol sa mga estudyanteng sangkot sa mga ganong klaseng isyu.

“Expulsion daw dude,” balita ni Arkin. “Boom patay!”

Naging seryoso din ang administration para maiwasan ang mga ganoong kaso.

Sunod-sunod ang mga seminars, open forum, at symposium tungkol sa Teen Pregnancy Awareness & Pre Marital Sex. 

Bawat session, pakiramdam ni Drew parang puro patama sa kanya. Parang paulit-ulit siyang pinagsasabihan indirectly ng mga speakers. Ang feeling niya ginagawa ng school ang lahat para takutin siya.



Kaya muling nabahala si Drew.

Pero ang pagiging problema tungkol kay Vanessa, nabura dahil sa napansin niya – si Camille at ang kaibigang si Jeric, laging magkasama.

Habang tumatagal nagiging mas malapit yata sina Camille at Jeric. Habang siya at si Camille ay palayo nang palayo sa isa’t isa. 

Naisip din niya, kahit ilang beses niyang kumbinsihin ang sarili na tama ang naging desisyon niyang paglayo at pagsinungaling kay Camille, iba pa rin ang sinisigaw ng puso niya – ang balikan si Camille.

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon