Ang simula ng Dilim

4.2K 104 12
                                    

Hapong-hapo na naglalakad pabalik sa kanyang kubo si Agatha nang gabing iyon.
Pinayagan na syang makalabas ng hospital.
Hindi nya nadatnan si Mikaelo paglabas nya.
Hindi man lang ito nag-isip na ihatid sya sa kanyang kubo.
Nang malaman siguro nitong nalaglag ang anak nila ay nagsaya ito dahil nakalabas na ito sa nakatakdang responsibilidad sa kanya.
Galit sya rito.
Talagang harap-harapan nitong ipinapakita at ipinaparamdam sa kanya na wala itong gusto sa kanya.
Pero hindi sya basta-basta susuko nalang.
Alam nyang mamahalin din sya nito.
Binuksan nya ang kawayang pintuan ng kanyang kubo.
Nagsindi sya nang kandila para magliwanag ang buong kubo.
Maliit lang ito kaya kahit isang kandila lang ay kaya na nitong liwanagan ang buong kubo.
Hindi sya ang nagtayo ng kubong ito, noong araw na maging mortal sya, nakita nya ang kubong ito sa kalagitnaan nang kagubatan habang naglalakad sya.
Noong una ay akala nyang may nakatira rito dahil hindi naman ito mukhang abandonado ngunit nagkamali sya nang akala dahil walang nakatira rito.
Simula noon ay inangkin na nya ang kubong iyon.
Pagod na napaupo si Agatha sa silyang kahoy katapat nang mesa.
Wala sa loob na sinapo nya ang sinapupunan.
"Wala na ang anak ko, ang anak namin ni Mikaelo" sabi nya sa kanyang sarili.
Bumuntong-hininga sya at inihilamos ang palad sa mukha.
Nakaramdam sya nang sobrang kalungkutan.
Ngayon lang nya napagtanto na mag-isa lang sya sa buhay.
Wala syang pamilya.
Wala syang mga kaibigan.
Tanging ang tatlong taga bantay lamang ang kilala nya at si Mikaelo.
Hindi nya maituturing na pamilya at kaibigan ang mga taga bantay dahil kahit kailan hindi sya nito sinuportahan sa mga gusto nya, lalo na si Sylvia na palagi nalang syang kinokontra.
Habang si Mikaelo naman ay palagi syang tinatanggihan.
Siguro, mamamatay syang mag-isa sa kubong iyon.
Napakalungkot.
Doon lang nya napansin ang pagpatak ng kanyang luha.
Umiiyak na pala sya.
Ngayon lang sya nakaramdam ng sobrang lungkot.
Siguro ay dahil sa katotohanang wala na ang kanyang magiging anak at hindi man lang nakikiramay si Mikaelo sa kanya.
BOGSH!
Napatayo sya nang marinig ang kung ano mang bagay na nahulog sa sahig.
Dinala nya ang kandila na nakatulos sa mesa at hinanap ang bagay na nalaglag.
Nakakailang hakbang lang sya nang makitang ang malaking itim na libro ang nalaglag sa sahig.
Nahulog ito mula sa aparador na pinaglagyan nya.
Kinuha nya ang libro at bumalik sya sa mesa.
Hindi nya alam kung ano ang librong iyon.
Nang gabing nahanap nya ang kubong ito, nahukay din nya mula sa sahig na kawayan ang librong iyon.  Sa tingin nya ay sadyang itinago sa ilalim ng sahig ang libro.

Sinubukan nyang basahin ang mga nakasulat sa itim na libro pero kahit isa ay wala syang naintindihan.
Mukhang nakatagilid lahat ng mga letra nito kaya mahirap basahin.
Simula noon ay hindi na nya ito pinansin at inilagay na lamang sa aparador.
Ngayong nasa kamay na naman nya ito ay biglang nagkaroon sya ulit ng kuryosidad na buklatin ito.
Napamaang sya nang mapagtantong naiintindihan na nya ang mga nakasulat.
"Ang ritwal nang dalawang buhay. Kailangang magbuwis ng dalawang buhay para sa pangalawang buhay ng isa" basa nya sa isang pahina.
Sa ilalim nang mga sulat ay may mga larawang dapat guhitin. Mga bituin, linya at bilog.
Hindi parin nya maintindihan kung para saan ang mga ito.
Binasa nya ang ibang pahina.
"Ang ritwal nang pagiging isa" sambit nya.
Isa-isang binasa nya ang mga pahina ng libro.
"Ang Dilim..." mahinang sambit nya.
Kasabay noon ay ang malakas na kulog na nagpayanig sa buong kubo.
Umihip ang malakas na hangin at namatay ang sindi ng kandila.
Napaigtad sya nang biglang bumukas ang kawayang pintuan.
Naramdaman ni Agatha ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso at ang pananayo ng kanyang balahibo sa katawan.
Naiwan syang nakatayo habang pigil ang hiningang nakatingin sa nakabukas na pintuan.
Kitang-kita nya ang madilim na bakuran.
Walang taong pumasok.
Dahan-dahan syang humakbang patungo sa pintuan para isara ito.
Hindi pa nga sya nakarating sa pintuan ay may kung sinong tumakbo papasok sa kubo at pinatid ang paa nya.
Nalugmok sya sa sahig habang nangangapa sa dilim.
"S-sino yan? Sinong nandyan?" tawag nya sa kung sinumang tao na pumasok sa kubo.
Walang sumagot.
Agad na tumayo sya mula sa pagkakalugmok.
Aaminin nya, nakakaramdam na sya ng takot.
Mabilis na napalingon sya nang may marinig na kaluskos mula sa kwarto nya.
Kinuha nya ulit ang kandila at sinindihan ito.
Nagliwanag ang buong kubo.
Dahan-dahang nagpunta sya sa kanyang maliit na kwarto.
Nanginginig ang kamay nya habang hinahawi ang kurtina na nakatabing sa kwarto nya.
Nagbilang sya sa kanyang isipan.
ISA

"EMMA"Where stories live. Discover now