The Twist

3.8K 112 5
                                    

Tinanggal ko ang kamay nyang  nakatabing sa bibig ko.
"What the hell are you doing here?!" I hissed.
Sigurado akong gulo lang ang dala ng lalaking 'to.
Maaamoy ito ni inang dilim.
"Sabi ko nga, hindi ako aalis kapag hindi ka nag-explain sakin kung bakit ka absent ng isang linggo"
Napanganga nalang ako.
This guy is ridiculous!
"Wala akong dapat i-explain sa'yo dahil hindi naman kita boyfriend, teka..paano ka ba nakarating dito sa kwarto ko?"
"I climbed" he said while grinning from ear to ear.
"You're not supposed to be here...magagalit ang mama ko"
Nakita kong umupo pa sya sa gilid ng kama bago sumagot.
"I will not leave this room" kalmanteng sabi nya.
I sigh.
"Rico...just go. Please..."
My god!
Ayokong magmakaawa pa sa lalaking 'to para lang lumabas sa kwarto ko.
Sigurado akong hindi aabot sa limang minuto at aakyat na dito sa kwarto ko si inang dilim.
"Okay, we will go to another place..." sabi ko nalang.
"It's fine with me" sabi nito at tumayo na para buksan ang pinto.
"But, hindi tayo dyan dadaan" pigil ko sa kanya.
"Saan?"
Itinuro ko ang maliit na balkonahe na nasa kwarto ko.
Binuhat ko sya gamit ang isipan ko.
"Woah...handle me gently lady!" sabi nya.
"Of course" sabi ko.
He floats in the air.
Inilapag ko sya sa basketball court di kalayuan sa bahay namin.
Sumunod ako sa kanya.
Tinawag ko si Cristine at sumakay dito hanggang sa makaabot sa basketball court.
"Holy shit! That was cool, para kang isang witch!" excited na sabi ni Rico.
"Wanna ride with me?" tanong ko sa kanya.
"Ano? Posible ba yun?"
Imbes sagutin ang tanong nya,  tumalikod ako at naghanap ng pwedeng gawing broom stick.
Hindi naman ako nabigo nang makita ang isang kawayan sa likod ng ring.
Mukhang ginamit ito ng mga estudyante kanina sa pagpapractice ng tinikling.
Kinuha ko ito at ibinigay sa kanya.
"What's this?" tanong nya.
"A broomstick"
"Pero hindi ito broom stick"
"Isipin mo nalang na broom stick yan, kung gusto mong sumama sakin huwag kang maraming tanong" sabi ko sa kanya.
"O-okay. Anong gagawin ko rito?" tanong nya.
"Ride it"
Nauna akong sumakay kay Cristine at pinalutang ito ng ilang pulgada sa ere.
"How?" tanong nya.
"Just do it like Harry Potter did" sabi ko.
He slides the bamboo between his legs.
"Okay, now are you ready?" tanong ko sa kanya.
Tumango sya.
"Kumapit kang mabuti" sabi ko.
Ikinumpas ko ang isang kamay.
And now he's floating in the mid-air with eyes wide open.
"Always maintain your balance" sabi ko sa kanya.
"Just be gentle" sabi nya na halata sa mukha ang takot at pagkalula.
Seconds, we are floating in the air silently.
Nilingon ko si Rico at nakita ko kung paano sya mamangha habang pinagmamasdan ang view sa ibaba.
"Wuuuu! I'm flying!' sigaw nya.
"Huwag kang malikot baka mahulog ka" sabi ko.
Napagpasyahan kong dalhin sya sa abandoned subdivision kung saan kami naglaban ni Frida.
Ewan ko ba, pero nararamdaman kong may kailangan akong matuklasan sa lugar na iyon.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Rico.
"Ssh, huwag kang maingay"
Naglakad kami sa maliit na kalsada.
Walang ibang ingay kundi ang ihip lang ng hangin.
"Jeez, nakakatakot" sabi ni Rico at lumapit sakin.
He held my hand.
"Kalalaki mong tao, ang laki mong duwag" sabi ko sa kanya.
Hinayaan ko nalang syang hawakan ang kamay ko.
"Pwede mo na bang i-explain kung bakit ka nag-absent ng isang linggo?" mahinang tanong nya sakin.
"Nagkasakit ang lolo ko sa probinsya, kaya ako ang nagrepresenta na mag-alaga sa kanya" pagsisinungaling ko.
"Ah...kaya pala. I'm sorry to hear that"sabi nya na mukha namang naniwala sa ginawa kong alibi.
Napangiti nalang ako.
Naglalakad parin kami nang may marinig akong tumawag ng pangalan ko.
"Emma..." sabi ng isang boses.
"Narinig mo ba yun?" tanong ko kay Rico.
"Wala akong naririnig" sabi nya.
"Emma..."
Pakiwari ko'y parang natatangay lang ng hangin ang boses ng isang babae mula sa malayo.
"May tumatawag sakin" sabi ko.
Naramdaman kong mas naging mahigpit ang pagkakahawak ni Rico sa kamay ko.
"Emma, matagal ka na naming hinihintay" sabi ng isa pang boses.
"Sino ka?" sigaw ko.
"Emma, look" sabi ni Rico sakin at itinuro ang liwanag mula sa di kalayuan.
The light came from the trees.
Hindi ko alam pero may nag-uudyok sakin na lapitan ang liblib na parte ng subdivision na iyon.
I run.
"Emma, no!" sigaw ni Rico at hinabol ako.
Mas binilisan ko ang pagtakbo.
Napahinto ako nang makita ang isang pigura mula sa bukana ng kagubatan.
A figure wearing a black cloak.
The figure taunt me to come closer.
Nakaisang hakbang na ako nang pigilan ako ni Rico mula sa likuran.
He hugs me just to stop me from getting closer to that figure.
"Huwag kang lumapit" sabi ni Rico.
"Bitiwan mo ako Rico" sabi ko sa kanya.
Ikinumpas ng pigura ang isang kamay at naramdamam kong lumuwang ang pagkakayakap ni Rico sakin hanggang sa tuluyan na nya akong nabitawan.
Napahiga sya sa lupa.
Wala nang malay.
Marahas na napalingon ako.
"Sino ka?" tanong ko.
"Sumunod ka sakin" anito at tumalikod na.
Nakita kong nagmistulang patay si Rico habang nakalutang sa ere.
Wala parin syang malay.
Dinala ko si Rico papasok sa kagubatan.
I used my telekinesis to lift him in the air.
Sinundan ko ang babae.
Huminto kami sa isang lumang mansyon sa gitna ng kagubatan.
Binuksan ng babae ang gate at gumawa ito ng ingay sa buong paligid.
Pumasok kami sa lumang mansyon.
Parang isang haunted house ito.
I can see cob webs everywhere and ruined furniture.
The lady in black cloak leads  me in the cellar.
She leads me down the spiral stone staircase.
Habang bumababa kami ay kusang nagliwanag ang mga lampara na nakasabit sa dingding ng cellar.
A minute after the almost endless spiral staircase, narating namin ang isang underground library.
Nagliwanag ang buong paligid pagkapasok namin.
Huminto sa gitna ang babaeng naka cloak.
"Sino ka ba?" tanong ko sa kanya.
Nakita kong tinanggal nya ang hood mula sa kanyang ulo.
A tinge of familiarity hits me.
And then the woman turn her face towards me.
I gasped loudly.
"Catherine!" sabi ko nang makilala ito.
She smiles.
Millions of questions came rushing inside my head.
"A-anong...pa-paano" I muttered.
"Ssshh, let's first take a seat" sabi ni Catherine at iginiya ako sa sofa.
Inilapag ko si Rico sa kabilang sofa.
"Mania, Helvetia...pwede na kayong lumabas" sabi ni Catherine.
Mula sa kung saanman, lumabas ang dalawa pang babae na nakasuot din ng cloak.
Nakilala ko si Charm at Hanna na kasabayan ko sa pag-intake sa Red clover.
Lalo akong nalito.
"Ano bang ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanila.
"Hindi kami isang ordinaryong babae lang Emma" sabi ni Catherine.
"Narito kami para tulungan ka" sabi naman ni Charm.
"Wait, wait! I don't understand--"
"Kaming tatlo ang mortal na kalaban ng mga babaeng dilim, kaming tatlo ang lihim na pumupuksa sa kanila" sabi ni Hanna.
Tumayo ako.
"Ibig sabihin, hindi ako pwede rito dahil isa akong babaeng dilim! Kaaway ko kayo" sabi ko sa kanila.
Umiling si Catherine.
"Hindi kaaway ang turing namin sa'yo Emma kundi isang biktima"
"Ano ba talaga kayo?" tanong ko.
"Katulad mo, hindi rin kami tumatanda. Narito na kami sa mundong 'to, kahit hindi ka pa isinilang" sabi ni Charm.
"Alam namin ang buong nangyari...alam namin ang kwento ni inang dilim" sabi ni Hanna.
"Alam namin dahil minsan na syang naging isa samin" sabi ni Catherine na bakas ang lungkot sa mukha.
Napaupo ako ulit sa sofa.
Pilit na inaarok ko sa isipan ang mga sinasabi nila.
"Bago namin ikwento sa'yo ang tungkol kay inang dilim, hindi Catherine, Charm at Hanna ang mga pangalan namin. Ako si Sylvia, si Charm si Mania at si Hanna naman si Helvetia"
Ngayon ko lang napansin ang kakaibang kulay ng mga mata nila.
Kulay abo ang mga ito.
Hindi ito tulad noong nasa university sila na kulay dark brown.
"Ano ba talaga kayo?" ulit na tanong ko sa kanila.
"May mga nilalang na sadyang ginawa ng Diyos para mag-alaga sa kalikasan Emma. Hindi nyo kami nakikita pero kami ay nakamasid lang sa inyo. Sinadya ng Diyos na lumikha ng mga katulad namin para maging tagapangalaga ng mga tao at para maging taga bantay ng kalikasan. Binigyan din kami ng Diyos ng kakaibang kakayahan para puksain ang mga masasamang nilalang hindi umaayon sa batas nya"
"Diwata? Anghel? Yan ba kayo?" tanong ko.
Ngumiti silang tatlo.
"Yan ang tawag ng mga mortal samin" sabi ni Charm.
"Alam din namin ang kwento mo Emma, at gusto naming manghinayang kung bakit hindi ka namin natulungan ng gabing iyon"
Tuluyan na akong natahimik...
I can't help but clenched my fist dahil sa alaalang bumalot sa isipan ko...

"EMMA"Where stories live. Discover now