Si Inang Dilim part 3

3.3K 93 6
                                    

Napamaang si Mikaelo nang madatnan sa kanyang kwarto si Agatha.
Nakaupo ito sa kanyang kama at nang maramdaman ang presensya nya ay daling pumihit ito paharap sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" tanong agad ni Mikaelo.
"Pinapasok ako ng mga katulong nyo, sinabi ko sa kanila na nobya mo ko" sagot nito.
Kumunot ang noo ng lalake dahil sa narinig.
"Hindi kita nobya Agatha, ilang araw palang tayong magkakilala"
"Pero may nangyari na sa atin Mikaelo" sabi ni Agatha at niyakap ang lalaki.
Dahan-dahang inilayo ni Mikaelo ang babae.
"Oo nga at may nangyari sa'tin pero hindi ko alam kung bakit ko yun nagawa. Hindi ko kagustuhan ang nangyari Agatha, wala ako sa matinong isip nang mangyari ang lahat"
"A-ano bang pinagsasabi mo?" maang na tanong ni Agatha.
"May iba akong gusto Agatha. Sana mapatawad mo ko sa nangyari sa'tin..."
"Sino ang babaeng nagugustuhan mo Mikaelo? Sabihin mo sakin" atat na tanong ni Agatha.
"Hindi mo na kailangan pang malaman kung sino Agatha. Gusto kitang maging kaibigan at hanggang doon lang ang kaya kong ibigay..."
"Pero....pero, ginawa ko ang lahat para sa'yo" naiiyak na sabi ni Agatha.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo" sabi ni Mikaelo at pilit na bumibitiw sa pagkakahawak ni Agatha.
"Isinakripisyo ko ang lahat para sa'yo...hindi ako papayag na gawin mo lang sakin ang ganitong bagay. Ayokong maging kaibigan mo, higit pa doon ang hinihingi ko" matigas na sabi ni Agatha.
Napatitig sya sa kabuuan ng babae at doon lang nya napansin ang pagbabago nito simula noong una nya itong nakita.
Pagod ang mukha nito na animo'y walang tulog ng ilang araw.
Halata rin ang pangangayat at pamumutla nito.
"Agatha...masasaktan---"
"Hindi na bale! Malalaman at malalaman ko rin naman kung sino ang babaeng tinutukoy mo"  galit na sabi ni Agatha bago umalis.
Inihatid ng tingin ni Mikaelo ang babae habang papalabas ng kwarto.
Naaawa sya rito.
Pero sadyang hanggang pagkakaibigan lamang ang pwede nyang ibigay dito.

"Agatha, tigilan mo na si Mikaelo" untag ni Sylvia kay Agatha habang nakatayo ang huli sa harapan ng isang puno at nakatanaw sa malaking bahay nina Mikaelo.
"Bakit hindi mo pa ako tinitigilan?" tanong ni Agatha kay Sylvia habang hindi ito nililingon.
"Dahil ayokong masaktan ka. Kahit hindi ka na....katulad namin, itinuturing parin kitang kapatid"
Tumawa ng pagak si Agatha.
"Kapatid? Kahit kailan hindi kita itinuring na kapatid" sabi ni Agatha kay Sylvia.
Hindi nakaimik si Sylvia sa narinig.
"Palaging ikaw nalang ang bumibida sa'ting apat, palaging ikaw nalang ang napupuri" patuloy ni Agatha.
"Hindi totoo yan, pantay-pantay tayong apat" sagot ni Sylvia.
Ngumiti nang mapait si Agatha.
"Nangyari na ang gusto mong mangyari noon, isang hamak na mortal nalang ako ngayon, masaya ka na?" sabi ni Agatha.
"Ano bang pinagsasabi mo? Kahit kailan hindi ko hinangad ang masaktan ka, mahal kita bilang kapatid Agatha"
"Huli na Sylvia, huli na" sabi ni Agatha at tinalikuran si Sylvia.
Umalis ito at nagtungo sa liblib na bahagi ng kagubatan.
Nasapo ni Sylvia ang noo, kahit kailan hindi na nya maibabalik ang nangyari.
Kung sana hindi nalang nya pinatulan ang pakikipag-away ni Agatha sa kanya noon, hindi sana ganito ang nangyari.

Napangiti si Mikaelo nang makita sa labas ng simbahan si Katarina
May hawak itong isang pulang lobo at ibinigay sa isang batang babae.
Nagpasya syang lapitan ito.
"Magandang araw..." bati nya rito. 
Nakita nyang bahagyang kumunot ang noo nito pagkatapos ay ngumiti.
Siguro ay nakalimutan nito kung sino sya.
"Magandang araw din.." sagot nito.
"Kumusta na pala si Agatha?" tanong nya.
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito.
Nawala ang ngiti sa mga labi nito.
Napansin din nya ang mataman na pagkakatitig nito sa kanyang mga mata na nagpailang sa kanya.
"M-mabuti lang naman si Agatha"
"Ah....ikaw? Kumusta naman?"
"Mabuti lang din,...sige aalis na'ko"sabi ni Katarina
"S-sige"
Gusto sanang pigilan ni Mikaelo si Katarina pero hindi nya nagawa.
Hindi na nya ito nasundan nang tingin dahil mabilis itong umalis palayo.
Gusto nyang makilala ito nang lubusan.
Gusto nyang kaibiganin ito at ligawan.
Isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan.
Susuyuin at liligawan nya si Katarina.

Mabilis na umalis sa simbahan si Sylvia.
Nabasa nya ang isipan ni Mikaelo.
Interesado ito sa kanya kaysa kay Agatha at ayaw nya sa katotohanang iyon.
Isa pa, may nakita sya sa alaala nito na sadyang ikinagalit nya.
May nangyari nga sa pagitan ng lalaki at ni Agatha.
Inakit ito ng huli at ginamitan ng mahika.
Sadyang sumobra na talaga si Agatha at sapat lang dito ang kaparusahan.
Ngayon, halos isang linggo na ang nakaraan nang magkausap sila ni Agatha, pagkatapos noon, hindi na nya mahagilap ang babae.
Hinanap nila ito kahit saan pero hindi nila ito nakita.
May kutob syang may binabalak si Agatha kaya hindi ito nagpapakita sa kanila at isipin palang nya ang ideyang iyon ay kinakabahan na sya.

Mahigpit na napakapit si Agatha sa puno nang niyog.
Nahihilo sya, pakiramdam nya umiikot ang kanyang paligid.
Lumalala ang sama ng pakiramdam nya.
Kaninang umaga lang ay nabuwal sya at nagsususuka.
Halos nailabas nya ang lahat ng kinain nyang almusal.
Napansin din nya ang panghihina nang katawan nya.
Ngayon lang sya nakaranas nang ganito.
Ito pala ang pakiramdaman ng maysakit.
Noon hindi nya ito nararamdaman dahil hindi nagkakasakit ang mga tagabantay.
Bigla ay naisip nya si Mikaelo.
Ano na kaya ngayon ang ginagawa ni Mikaelo?
Iniisip kaya nya ako?
Namimiss kaya nya ako?
Sinadya nya talagang hindi magpakita rito para bigyan ito nang panahong makapag-isip patungkol sa kanilang dalawa.
Alam nyang mahal din sya nito.
Naramdaman nya ang pagmamahal nito nang gabing may nangyari sa kanilang dalawa.
Napangiti sya sa alaalang iyon.
Napaigtad sya nang biglang lumitaw sa harapan nya sina Mania, Helvetia at Sylvia.
"Hay salamat! Nakita ka rin namin" sabi ni Helvetia.
"Ano bang ginagawa nyo rito?" tanong ni Agatha.
"Matagal ka na naming hinahanap, dito ka lang pala nagtatago" sabi ni Mania.
"Umalis na kayo rito, hindi ko kayo kailangan" sabi ni Agatha.
Bumitaw sya sa pagkakapit sa puno ng niyog at sinubukang lapitan ang tatlo pero nabigo sya.
Nahilo na naman sya at nalugmok sa damuhan.
Mabilis na dinaluhan ng tatlo si Agatha.
"Agatha, anong nangyayari?" tanong ni Mania sa babae.
Akmang sasagot na sana si Agatha nang maramdaman na naman ang pag-akyat ng mga kinain nya sa kanyang lalamunan.
Hindi nya napigilan ang masuka sa harapan ng tatlo.
"Agatha, may sakit ka ba?" tanong ni Helvetia.
"H-hindi ko alam" mahinang sagot ni Agatha.
"Wala syang sakit...." sabi ni Sylvia.
Napalingon ang tatlo kay Sylvia.
"Nagdadalang-tao lang sya" sabi ni Sylvia habang diretsahang tiningnan sa mga mata si Agatha.
Napamaang ang huli sa sinabi ni Sylvia.
Alam ni Agatha na posibleng mangyari ang sinabi ni Sylvia.
Hindi sya nakaimik sa realisasyong iyon...

-itutuloy...

"EMMA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon