The Encounter

4.6K 126 9
                                    

Hinipan ko ang kandila na nasa harap namin.

May ritwal kaming ginawa ni mama. Ang ritwal ng kabilugan ng buwan.

Ginagawa namin ito sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan.

It's 5 minutes past midnight.

"Ah..nararamdaman ko na agad ang paglakas ng kapangarihan ko" mahinang sabi ni mama

Wala akong naging imik sa sinabi nya.

"Hindi mo ba nararamdaman ang paglakas ng kapangyarihan mo?" tanong nya sakin.

"Wala, wala akong nararamdaman" sabi ko.

"Naiisip mo na naman ba ang totoong nanay mo?

"Oo, ganito ang ritwal na ginawa nya noong una kong nalaman na isang syang...."

"Mangkukulam...hindi tayo mangkukulam Emma...hindi totoo ang mga mangkukulam. Tayo,tayo ang totoo"

"Kung hindi tayo mangkukulam, anong gusto mong itawag sa mga katulad natin?"

"Mga babae ng dilim...mga babaeng sumasamba sa kapangyarihan ng dilim"

Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko.

Gusto ko mang hindi paniwalaan ang mga sinasabi ni mama, wala na akong magagawa.

Ganito na ako...

Kahit kailan hindi ko na maibabalik ang nakaraan........

LIBRARY.....

I was scanning the shelf for a literature book.

May assignment kami tungkol sa greek mythology.

Agad kong dinala ang tatlong libro na nakita ko.

Bitbit ang mga libro, babalik na sana ako sa table na inookupa ko nang biglang may nakabangga ako.

Diretsong nahulog sa sahig ang mga dala kong libro.

"Sorry miss" sabi ng lalaki at yumuko na agad para pulutin ang mga libro sa sahig.

Hindi ko nakita ang mukha nya.

"Sorry, ako kasi ang hindi tumitingin sa---"

Nabitin ang sasabihin ko nang tuluyang makita ko na ang mukha ng lalaking nakabangga ko.

"Pasensya ka na talaga miss, hindi ko talaga sinasadya" sabi nya.

"E-eduardo????" nasabi ko nalang.

Ang mga mata nya, matangos na ilong, magagandang mga labi.

Hindi ako pwedeng magkamali!

Ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay kamukhang-kamukha ni Eduardo.

Pero imposible, matagal nang patay si Eduardo.

"Miss, okay ka lang?" pukaw nya sakin.

Wala akong naisagot.

Malakas ang kabog ng dibdib ko.

Mabilis na tumalikod ako at tumakbo palayo.

"Hey, miss!"

Narinig kong tawag ng lalaki sakin pero hindi na ako lumingon pa.

Nagbabantang tumulo ang mga luha ko.

Bumalik na naman ang sakit ng nakaraan.

Nakita ko ulit ang mukha ng lalaking tangi kong minahal....

RICO'S POV....

Nagtatakang bumalik nalang ako sa upuan. Nakabangga ko kanina ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa tanang buhay ko. But she's kinda weird. Tinawag nya ako sa ibang pangalan at hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha nya. Parang takot na mukhang maiiyak. Hindi ko talaga mabasa.

But something odd happened back there, my heart beats fast.

Ngayon lang ako nagkaganito sa isang babae.

I slept with a lot of hot and pretty girls pero kahit kailan hindi ako nakaramdam ng ganito sa kanila.

Ever!

What I had, were casual relationships, only for bed, no emotions attached.

Pakiramdam ko, matagal ko na syang kilala.

I felt connected kumbaga.

I need to know this woman.

Who is she?

"EMMA"Where stories live. Discover now