Si Inang Dilim part 4

3.4K 100 4
                                    

Hindi parin nakakabawi si Agatha sa pagkabigla sa sinabi ni Sylvia.
Bakit hindi nya naisip ang posibilidad na iyon?
Nagdadalang-tao sya, at hindi lang basta sakit ang nararamdaman nya ngayon.
Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
Ang pagdadalang-tao nya ang magiging susi para mapalapit sya kay Mikaelo.
"Bakit ka nakangiti? Hindi ka ba namroroblema?" pukaw ni Mania kay Agatha.
"Bakit naman ako mamroroblema? Anak namin ni Mikaelo ang nasa sinapupunan ko" masayang sabi ni Agatha.
"Hindi pananagutan ni Mikaelo ang dinadala mo dahil inakit mo lang sya at ginamitan ng hipnotismo" tiim na sabi ni Sylvia.
"Hindi totoo yan! Alam kong ginusto rin nya ang nangyari saming dalawa!" galit na sigaw ni Agatha.
"Imposible...nabasa ko ang isipan nya, nakita ko ang lahat ng nangyari nang gabing iyon Agatha"
Pinukol ng masamang tingin ni Agatha si Sylvia.
"Ipinagtabuyan ka nya pero hindi ka umalis, sa halip ginamitan mo pa sya ng mahika para lang sumunod sa gusto mo. Ngayon mo sabihin na mahal ka nya, niloloko mo lang ang sarili mo" patuloy ni Sylvia.
"Bakit ba ang init ng dugo mo sakin Sylvia? Wala ka nang pakialam sakin dahil isa nalang akong hamak na mortal ngayon, wala na tayong koneksyon sa isa't-isa"
"Wala akong ibang hinangad kundi ang mapabuti ka Agatha, ayokong masaktan ka dahil lang sa lalaking iyon"
"Pinili ko ang makasama at mahalin si Mikaelo at wala na kayong pakialam doon"
"Pero hindi ka nya mahal, nabasa ko ang isipan nya...may iba syang gusto"
Gustuhin mang pigilan ni Sylvia ang sarili na sabihin ang bagay na iyon kay Agatha, hindi na nya nagawa.
"Sino ang babaeng nagugustuhan ni Mikaelo? Sabihin mo sakin" sumamo ni Agatha.
"Hindi mo na kailangang malaman kung sino" sagot ni Sylvia at tumalikod na.
Hinabol ni Agatha si Sylvia.
"Sino Sylvia? Nakikiusap ako, sabihin mo sakin" sabi ni Agatha.
"Masasaktan ka lang kapag nalaman mo, ano ba ang gagawin mo kung sakaling sabihin ko nga sayo kung sino?"
"Hahanapin ko ang babae....." mahinang sagot ni Agatha.
"At?"
"Papatayin ko sya..."
Napamaang si Sylvia sa narinig mula kay Agatha.
"Mas lalong hindi ko sasabihin sa'yo..." huling sabi ni Sylvia bago linisan na parang bula ang lugar.
Paano kung malaman ni Agatha na si Sylvia pala ang babaeng nagugustuhan ni Mikaelo?
Masasaktan lang ang babae.
Hindi pwedeng makaranas ng sama ng loob si Agatha lalo na ngayon na nagdadalang-tao ito.

Sunud-sunod na katok ang nagpagising kay Mikaelo nang umagang iyon.
Pupungas-pungas na bumangon sya at binuksan ang pinto ng kwarto nya.
Si Agatha ang nadatnan nya at mabilis na niyakap sya.
"A-anong ginagawa mo rito?" tanong nya.
"May magandang balita ako sa'yo Mikaelo" nakangiting sagot ni Agatha.
Kumunot lang ang noo nya bilang tugon.
"Magiging ama kana Mikaelo, buntis ako"
Parang bombang sumabog sa kanyang tainga ang sinabi nito.
Daig pa nya ang binuhusan nang malamig na tubig dahil nawala ang lahat ng antok sa kanyang katawan.
"A-anong sinabi mo?" maang na tanong ni Mikaelo.
"Magiging ama ka na"sagot ni Agatha.
Naguguluhang bumalik sa loob ng kwarto si Mikaelo at wala sa loob na napaupo sa kanyang kama.
Sumunod sa kanya si Agatha.
"Totoo ba ang mga sinasabi mo?" tanong ng lalaki.
"Oo,hindi ka ba masaya?"
Isang buntong-hininga ang naisagot ng lalaki.
"Hindi ko kagustuhan ang nangyari satin Agatha, ni hindi ko nga masyadong natatandaan ang nangyari ng gabing iyon"
"Anong gusto mong sabihin? Hindi mo pananagutan ang anak natin?"
"Hindi naman sa ganun, pero kailangan ko nang sapat na ebidensya na akin nga 'yang dinadala mo"
"Pinagdududahan mo ang pagkababae ko?"
"Agatha, hindi pa kita lubos kilala, hindi mo ako masisisi kung ganito man ang isipin ko"
Natahimik ang babae dahil sa narinig.
"Kung akin nga 'yang dinadala mo, pananagutan ko ang bata pero hindi ko maibibigay sa'yo ang damdamin ko. Hindi kita pakakasalan, tanging ang bata lang ang magkokonekta sa'ting dalawa"
Mabilis na napalingon si Agatha sa lalaki.
"Hindi, hindi mo pwedeng gawin yan sa'tin...may anak na tayo,isa na tayong pamilya"
"Hindi kita mahal Agatha, may anak lang tayo pero hindi tayo magiging pamilya"
Hindi napigilan ni Agatha ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan.
"Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin?" tanong nya.
"Dahil may iba akong nagugustuhan, at ayokong magkarelasyon sa isang babaeng may...may diperensya sa pag-iisip"
Isang sampal ang dumapo sa pisngi ng lalaki.
"Hindi totoo yan! Gawa-gawa lang ni Sylvia ang lahat!" galit na sigaw ni Agatha.
"Sinong Sylvia ang tinutukoy mo?" naguguluhang tanong ni Mikaelo.
"Galit ako sa'yo!" sigaw ni Agatha.
Akmang tatalikod na sya palayo mula rito nang mamilipit sya bigla sa sakit sa kanyang sinapupunan.
"Ah...aray..." daing ni Agatha.
Nalugmok sya sa sahig at agad naman syang dinaluhan ni Mikaelo.
"Agatha! Dadalhin kita sa hospital" natatarantang sabi ni Mikaelo.
Binuhat nya ang babae palabas ng kwarto.
Doon lang napansin ng lalaki ang dugong umaagos sa hita ng babae.
Buntis nga ito at delikadong makunan.

Mabilis na nag-anyo tao sina Sylvia, Mania at Helvetia.
Nalaman nilang isinugod sa hospital si Agatha.
Nakita nila si Mikaelo na dali-daling binuhat palabas ng bahay si Agatha.
Sinundan nila ito.
Ngayon ay nasa pinakamalapit na pribadong hospital sila ngayon.
Agad na ipinasok si Agatha sa emergency room.
Patakbong linapitan ng tatlo si Mikaelo.
"Mikaelo, anong nangyari?" bungad ni Sylvia rito.
"N-nagalit sya sakin...." di mapakaling sagot ni Mikaelo.
Agad na nakita ni Sylvia sa isipan nito ang nangyari.
"Anak mo ang dinadala nya, kailangan mo syang panagutan" sabi ni Sylvia.
"Kailangan mo rin syang pakasalan" singit naman ni Helvetia.
"Pananagutan ko ang bata oo, pero hindi ako magpapakasal sa kanya" sagot ni Mikaelo.
"Kailangan mo syang pakasalan, ano nalang ang sasabihin ng ibang tao? Na isang imoral na babae si Agatha dahil meron syang anak ngunit wala namang asawa?" galit na sabi Sylvia.
"Pero Katarina, hindi ko sya mahal. Ibang babae ang gusto ko" sagot ni Mikaelo.
Inalis ni Sylvia ang tingin sa lalaki.
"Ikaw ang gusto---"
"Nakikiusap ako sa'yo Mikaelo, ibaling mo nalang kay Agatha ang nararamdaman mo" mabilis na sabi ni Sylvia.
Hindi na umimik pa ang lalaki sa sinabi ni Sylvia.
"Pakasalan mo sya....nakikiusap ako sa'yo" matiim na sabi ni Sylvia.
Isang pilit na tango lang ang isinagot ni Mikaelo.

Nagmulat ng mga mata si Agatha.
Isang puting kisame ang bumungad sa kanya.
"Agatha, ayos ka na ba?" tanong ni Sylvia sa kanya na nasa gilid lang ng kama nya.
Nakita rin nya sina Mania at Helvetia.
"Nasaan si Mikaelo?" tanong nya sa mga ito nang mapansin na wala ang lalaki sa silid.
Nagkatinginan ang tatlo bago sumagot si Sylvia.
"Lumabas, kinausap ang doktor" mahinang sagot ni Sylvia.
"May sasabihin kami sa'yo Agatha, huwag ka sanang mabibigla" sabi ni Mania.
Bumuntong-hininga si Sylvia bago magsalita.
"Wala na ang anak nyo Agatha, nakunan ka"
Nandilat si Agatha dahil sa narinig.
Sinapo nya ang kanyang sinapupunan.
"H-hindi totoo yan, nagsisinungaling lang kayo" naluluhang sabi ni Agatha.
"Mahina ang kapit ng bata sa sinapupunan mo, kaya ka nakunan" si Mania naman ang nagsalita.
"Hindi! Hindi totoo yan! Hindi!" galit na sigaw ni Agatha.
Kasabay noon ay ang paggalaw ng mga kagamitan sa loob ng silid na mistulang linilindol.
Takang nagkatinginan sina Sylvia, Mania at Helvetia.
"Mga sinungaling kayo!!!!!!! Galit ako sa inyong lahat!" patuloy na sigaw ni Agatha.
Hindi parin tumitigil ang paggalaw ng mga kagamitan sa silid.
"Agatha, tama na...tama na...kumalma ka, hindi makakabuti sa'yo ang ganito" awat ni Sylvia rito.
"Umalis kayo! Hindi ko kayo kailangan!"
"Sylvia, anong nangyayari?" nagtatakang tanong ni Helvetia.
"Itigil mo na ito Agatha!" awat naman ni Mania.
"Matulog ka na Agatha" mahinahon na sabi ni Sylvia.
At sa isang iglap ay tumigil ang paglindol sa silid na iyon kasabay nang pagpikit ng mga mata ni Agatha.
Ginamitan ng hipnotismo ni Sylvia ang babae para matigil ang pagwawala nito.
Hindi sana nya ito gagamitan ng mahika pero wala syang pagpipilian.
Linapitan nina Helvetia at Mania si Sylvia.
"Anong nangyari Sylvia? Paano nya nagawa ang ganoong bagay?" takang tanong ni Helvetia.
Hindi parin nila inaalis ang tingin kay Agatha na ngayon ay mahimbing nang natutulog.
"Hindi ko rin alam, lahat ng mortal ginawang pantay-pantay ng Maykapal kaya imposible silang magkaroon nang ganoong kapangyarihan" paliwanag ni Sylvia.
"Pero ipinanganak na taga bantay si Agatha, hindi sya matatawag na isang ordinaryong mortal" sagot naman ni Mania.
"Sa pagkakaalam ko, pagiging mortal ang naging parusa ng Maykapal sa kanya, ibig sabihin noon wala na syang kapangyarihan"
Katahimikan ang sunod na nangyari sa kanilang tatlo.
Unti-unting tumindig ang balahibo ni Sylvia nang maisip ang isang posibilidad.
"Hindi kaya....umaanib na sa kasamaan si Agatha?" sabi ni Mania.
Hindi umimik sina Sylvia at Helvetia dahil alam nilang posible itong mangyari.....

"EMMA"Where stories live. Discover now