The Decision

2.4K 84 5
                                    

EMMA's POV>>>

I am sitting alone.

Nasa tuktok ako nang isang cell site tower.

Malalim na ang gabi pero heto ngayon ako nakatingala sa langit, sa buwan at sa mga bituin.

Hindi alam ni Rico na lumabas ako ng motel.

Gusto ko munang mapag-isa pagkatapos ko matuklasan ang katotohanan.

Iisa ang buhay namin ni Inang dilim.

Ginamit lang nya ako para mapanatili ang kanyang kagandahan, kabataan at kapangyarihan.

Kinukuha nya mula sakin ang enerhiya para bumalik sa dati ang kanyang kabataan.

Kaya pala sa tuwing nanghihina ako ay nanghihina rin sya.

At ganun nalang ang pag-alaga nya sakin at pagtulong sa paghahanap ng mga mabibiktima ay dahil sa tuwing nagugutom ako ay humihina rin ang kapangyarihan nya at papanget din sya.

Ginamit lang nya ako.

Simula't sapul, ginamit na nya ako.

Plano nya ang lahat.

Sa dinami-raming tao sa mundo bakit ako pa ang nasa ganitong sitwasyon?

Bakit si nanay pa ang nadatnan nyang hindi makaanak.

Bakit ako ang kailangang magsakripisyo?

Bakit ako ang dahilan ng lahat?

Bakit ako ang naiipit sa gulo ng kasamaan at kabutihan?

Hindi ko na napigilan ang sariling mapahagulhol ng iyak.

Bakit lahat nalang ako ang dapat magresolba at ako ang dapat magsakripisyo?

Alam ko naman na malaki ang kasalanan ko.

Pero bakit ako pa?

Biktima rin naman ako ng mga nangyari...

Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo.

I need to make a decision to stop this darkness even if it means the end of my existence.

I sigh a long hard sigh.

Nasa malayo ang tingin ko.

"Nay, Tatay at Eduardo...magsasama na rin tayo..."

Hindi na ako nagulat nang may biglang humawak sa isang balikat ko.

Nalingunan ko sina Catherine, Charm at Hanna.

"Nakapagdesisyon ka na ba?" tanong ni Catherine sakin.

I nod.

Panahon na rin siguro na magpahinga ako.

I've been here for so long...



Itutuloy


"EMMA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon