The Phantom

4.7K 121 5
                                    

Rico's POV....

"May isang lead na kami sa pagkamatay ni Albert sir" sabi ng pulis sakin.

"Sino?" tanong ko.

"Ang kalaban ninyong fraternity" sabi nito.

"Pero walang naging kasalanan si Albert sa kanila para gawin ang ganoong kalunos-lunos na krimen sa kanya. Hindi makatao"

"Normal lang po sa isang fraternity ang mga ganitong kaso. Sila lang po ang nakikita naming may motibo sa pagpaslang kay Albert. Maaring sabog sila sa druga habang ginagawa ang krimen"

Naikuyom ko ang kamao. Ang Black dragon, maari ngang sila ang gumawa ng ganun kay Albert.

Maaaring may nagawa na kasalanan o atraso si Albert sa kanila na hindi nya sinabi samin.

"Kung ganun, umpisahan nyo na ang imbestigasyon" sabi ko sa mga pulis.

Kung meron nga lang sana kaming matutukoy na lead, mas mapapadali sana ang imbestigasyon.

Makakamit din namin ang hustisya para kay Albert.

Emma's POV>>>

I was looking in the mirror to check myself.

Bagay sakin ang suot na itim na maskara.

Natatabingan lang nito ang mga mata ko.

I braided my long hair at itim ang lahat ng suot ko.

Itim na long sleeves at itim na jeans.

I also wear my black boots.

Ngayon ko isasagawa ang balak na pagnanakaw sa isang government establishment di kalayuan sa bahay namin.

It's 2:00 Am in the morning.

Kailangan kong maging maingat dahil mahirap na, baka mahuli pa ako ng mga pulis at malaman ni mama ang mga pinaggagawa ko.

Pareho kaninang hapon, nagpunta rito ang mga pulis para kunin ang panayam ko patungkol kay James.

Si James ang lalaking huling pinatay ko bago si Albert.

Naging kapitbahay at kaibigan ko sya.

Pero lingid iyon sa kaalaman ni mama.

Ayoko sana syang kainin not until the next month na nagutom ako.

It was 6pm in the evening at ihahatid nya sana ako sa bahay namin.

Gutom ako nang mga panahong yun at plano ko sanang pumatay sa labas ng barrio namin.

Isang aksidente ang nangyari sa kanya.

Nakatapak sya nang pako at bumaon iyon sa talampakan nya.

I saw how blood rush out from his cut.

The pressure was too strong kaya maraming dugo ang lumabas mula sa sugat.

I tried to stop myself but I failed.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya kinain ko na sya.

Alam kong hindi naging malinis ang nagawa kong mga krimen kaya expected ko na ang pagdating ng mga pulis sa bahay namin.

They wanted me to become a witness.

Sa dinarami-raming krimen na nagawa ko, kahit isang pagkakataon lang, hindi pa ako nagiging suspek.

Kaya napagpasyahan kong, planuhing maigi ang mga gagawin kong pagpatay para hindi na madawit ang pangalan ko.

"EMMA"Where stories live. Discover now