The Welcome Party

4.7K 115 10
                                    

"Abswelto ka na sa kaso Mr.Ysrael. Ayon sa paunang imbestigasyon, wala ang iyong finger prints sa damit ng mga biktima at ayon din sa autopsy....." umiling-iling na sabi ng pulis.

Parang ayaw na nitong ituloy ang sasabihin.

"Ano po ang resulta ng autopsy?"

"Ayon sa autopsy, halos maging pulbo na ang buto ng mga biktima"

Pakiramdam ko nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan.

That was creepy and weird.

It's impossible!

Hindi kayang gawin ng isang tao ang ganung bagay!

Kahit nga lapain ng tigre o buaya ang isang tao hindi parin mangyayari ang ganoong bagay!

"Pati kami nabigla rin nang malaman ang resulta. Halos naging isang jellyace ang katawan ng mga biktima dahil sa nangyari. Hindi magagawa ng isang tao ang ganoong bagay, pagkabali ng buto pwede pero ang pagkapulbos ng mga buto....ngayon lang kami nakakita ng ganitong kaso" hindi makapaniwalang sabi ng pulis.

Pilit kong binabalikan ang nangyari ng gabing iyon.

The Phantom lady.

She did it.

Alam kong totoo sya.

That wasn't just a hallucination.

"Ano nga ba talaga ang nangyari ng gabing iyon Mr. Ysrael?" tanong ng pulis.

I looked him in the eyes.

"Someone was there. Someone helped me" sabi ko.

Nakita ko kung paano umayos ng upo ang pulis.

"Sino ang tumulong sayo Mr.Ysrael?"

"Isang babaeng nakaitim at nakamaskara ang biglang sumulpot. At first, boses lang nya ang narinig ko, she shouted na tigilan na raw nila ang pambubogbog sakin, something like that...after that, all I heard were shouts and breaking bones. Naramdaman ko na may nagtanggal ng mga cords sa mga kamay at paa ko and then my blindfolds. Pagkatapos, nakita ko syang nakatayo di kalayuan. Hindi ko masyadong makita ang mukha nya dahil sa maskarang nakatabing sa mga mata nya. She was wearing a black long sleeves, a leather black pants and black boots. I asked her kung sino sya but she didn't answered. Sinubukan kong makatayo para lapitan at pasalamatan sya pero,...pero,...bigla nalang syang tumalon mula sa building and then she was gone and so was my consciousness. Yan lang ang huli kong natatandaan"

Katahimikan.

"Bakit ngayon mo lang ito sinabi Mr. Ysrael?"

"Dahil alam kong hindi ninyo ako paniniwalaan at sasabihin nyo lang na hallucination ko lang ang lahat pero hindi eh, I was there, I felt her presence"

"Sino sa palagay mo ang babaeng iyon?"

"Wala akong ideya"

"Sabi mo tumalon sya sa building?"

"Yes, sigurado ako dyan"

"So gusto mong ipalabas na ang babaeng yun ang pumatay sa mga kidnappers mo?"

Hindi ako sumagot.

"Mr. Ysrael, imposible ang gusto mong ipahiwatig. Hindi kaya ng isang babae ang ganoong krimen or should I say, hindi kaya ng isang ordinaryong tao ang gumawa ng ganoon"

"What if hindi sya ordinaryong tao lang?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Do you believe in supernatural beings?"

"EMMA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon