WAKAS

633 69 32
                                    




"Ang ganda nung transferee 'no? Sayang hindi natin kaklase." rinig kong bulong ng isang kaklase kong lalaki sa katabi nito.


I shook my head, wala na talagang bago pagdating sa ganitong bagay. Basta bago gusto makuha.


"Tol!" tawag ni Bryan na ngayon ay ramdam kong tumabi sa'kin.


Hindi ko siya tinignan at nanatili lang akong nagbabasa sa librong hawak ko.


"Nakita mo yung transferee?" tanong niya.


The hell with that transferee, ano bang mapapala ko sa kanya?


"Hindi." tipid kong sagot sa kanya.


"Fuck, bro! Ang ganda niya!" biglang sabi niya kaya naman tinignan ko ito at nakangiti lamang ito sa kawalan.


Dumako naman ang tingin ko sa kapatid ko na nasa likuran niya, at kitang-kita ko kung paano nangilid ang luha nito.


He loves Bryan so much kahit na wala na sila, kahit na sinabi na ni Bryan sa kanyang hindi siya nito gusto kagaya ng paraang gusto niya at kahit na ayaw ko sa ideyang 'yon ay hindi rason para tumigil siya sa kahibangan niyang pwede pang maging sila ulit.


Intramurals namin at nagyayang manood ng volleyball sila Angel para daw suportahan si Stan. Hindi dapat ako sasama pero nagpumilit si Avi kaya wala akong nagawa.


"GO MIKA!" rinig kong sigaw ng babaeng nasa harapan namin.


I saw how the girl wearing jersey number two waved her hand to the girl in front of us. So, she must be Mika. The way she smiled, it was so captivating. Kahit nasa malayo ay kitang-kita ko ang mapupungay nitong mga mata, perpektong ilong hanggang sa mapupula nitong labi. Hindi din nakaligtas sakin ang kurba ng katawan niya dahil sa sports attire niya.


The heck, bakit hindi ko man lang alam na may ganito kagandang babaeng nag-aaral dito sa HNU?


"Omg, siya yung transferee diba?" turo ni Angel sa babaeng...teka, siya yung transferee?


"So, Mika pala ang pangalan niya." biglang sabi ng nasa gilid ko kaya nilingon ko it.


It was Bryan. And he's looking at Mika with desire on his eyes.


"Tol!" sigaw ni Bryan at mabalis na lumapit sa'kin at inakbayan ako. "Guess what? Kaklase ko si Mika Dela Cuesta, tangina bro, dream come true!" masayang dagdag pa nito.


Kumunot ang noo ko, paanong nangyaring magkaklase sila, tapos kami ay hindi?


"Anong strand ba ang kinuha mo?" sinubukan kong magtunog ayos para hindi niya mahalata ang inis na nararamdaman ko.


BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now