32

420 63 14
                                    


R18



Sumunod din sa'min ni Angel ang nag-aalalang si Stan. Ipinaliwanag nila sa'king dalawa ang totoong nangyari. Si Stan naman ay humingi din ng pasensya na hindi niya ipinilit na maipaalam sa'kin, hindi ko naman siya masisisi tungkol sa bagay na 'yon dahil matinding paalala ko din sa kanya na wag babanggitin si Avo kahit na kailan.


Matapos ng mga nalaman ko ay bigla akong nawalan ng gana sa lahat. Bumalik ako ng kwarto at sinabing gusto ko munang mapag-isa, nung una ay ayaw pa nilang pumayag pero ipinaliwanag ko dito na wala pa 'kong lakas na makasalamuha si Avo ng ganon ang sitwasyon niya.


Iyak lamang ang nagawa ko sa kwarto hanggang sa makatulog ako. Naalimpungatan lamang ako ng makaramdam ako ng gutom. Dahan-dahan akong naupo sa kama ko at sinuyod ang silid. Doon ay napansin kong nakahiga na din si Angel at Louisse, mukhang mahimbing na din ang tulog ng mga ito.


Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang napakaraming texts and calls ni Sheena kaya naman napagdesisyunan kong lumabas na lang muna. Nakasuot pa din ako ng denim shorts ko at black spaghetti strap pero pinatungan ko ito ng jacket.


Imbis na kumain ako ay nanatili na lamang ako sa gilid ng dagat habang pinagmamasdan ang alon nito. Ninanamnam ko din ang preskong simoy ng hangin. May kalayuan man ay rinig na rinig ko pa din ang malakas na tugtog at hiyawan ng mga tao na ngayon ay walang humpay na umiindak. Napangiti ako ng dahil 'don. Kung sana ay ganito na lamang palagi ang paligid. Walang problemang kailangang alalahanin.


Ipinatong ko ang baba ko sa tuhod kong ngayon ay yakap-yakap ko. Nanatili ang pagtanaw ko sa dagat kahit na naramdaman kong may umupo sa tabi ko.


"Masyadong delikado para sa isang magandang babaeng kagaya mo ang lumabas ng mag-isa ng ganitong oras." doon pa lamang ako lumingon.


Napaawang labi ko ng mapagtantong si Avo ang nasa tabi ko. Bumalik ang kaba na kanina kong naramdaman. Nang magtama din ang mga mata namin ay nginitian niya 'ko ng abot tenga.


"You want?" aniya at inalok sa'kin ang isang can ng beer na hawak niya.


Kabado man ay tipid akong ngumiti dito bago kinuha ito sa kamay niya. Binuksan niya ang sa kanya at ganon din ang ginawa ko. Nakangiti niyang pinagmamasdan ang dagat kaya muli ko ding ibinalik ang mga mata ko 'don.


"Akala ko may atraso ako sayo." aniya na ikinalingon ko.


"Bakit?" mahinang tanong ko


"Bigla ka kasing umalis habang ipinapakilala tayo sa isa't-isa."


Sa puso ko ay may kung anong saya akong naramdaman. Ni minsan ay hindi kasi sumagi sa isip ko na darating ang panahon na magkakasama kami ni Avo ng kaming dalawa lang sa ganitong klase ng tagpo.


Gusto ko man siyang sagutin ay hindi ko magawa. Walang kahit na anong salita ang gustong lumabas mula sa bibig ko.

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant