21

383 81 0
                                    




Nagpaalam ng umalis ang lahat pero nagpaiwan si Bryan para bantayan ako habang si Michelle naman ay kumuha ng gamit ko kasama ang parents ko. Umuwi na din si Stan dahil kailangan niya pang magprepare for tomorrow's game.


"Ayos na ba talaga ang pakiramdam mo?"


"Ayos na nga, ako pa ba?" natatawang sagot ko habang inaayos ang kumot ko.


"Kahapon....pumunta ka kay Avo tama ba?"


Natigilan naman ako ng dahil 'don, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.


Dapat ba 'kong umamin?


"Hindi mo kailangan i-deny sakin." muling sabi nito na ikinakunot-noo ko. "Akala mo ba hindi namin alam?"


"Ibig sabihin...alam niyo?"


Marahan naman siyang tumango. "Chris and I knows about it, kami ang magkasama kahapon na pumunta sa condo ni Avo while si Stan at Gab naman ang nakakita sayo. Si Angel naman mas minabuting samahan si Michelle dito sa paghihintay just in case na bumalik ka."


"Pero b-bakit ang sabi kanina ni Chris."


"Ayaw niyang magalit si Michelle sayo. Kilala naman natin ang isang 'yon, siguradong magtatampo siya kapag nalaman niyang sinaway mo siya."


Napayuko naman ako ng dahil 'don. Knowing Michelle, siguradong ganon nga ang mangyayari.


"Miru." muling pagkuha nito sa atensyon ko. "Huli na sana 'yon."


Nagtataka ko naman siyang tinignan.


"Ang alin?"


"Yung nangyari kahapon sa pagitan niyo ni Avo."


Nawala ang pagtataka sa mukha ko at napalitan ng lungkot ng maalala ang pangyayari kahapon.


"Kung hindi mo maintindihan si Avo, kami na lang ang intindihin mo. Masakit para sa'min ang makita kang nagkakaganito ng dahil sa kanya."


"Naiintindihan ko naman 'yon, pero kasi..."


"Gusto mo din maintindihan ang sitwasyon niyo?" putol nito sakin.


Muli akong napayuko ng dahil 'don.


Tumawa siya ng bahagya pero kapansin-pansin na sarkastiko ito.


"Alam mo? Ang swerte ng kumag na 'yon."


Napalingon naman ako sa kanya na para bang naghihintay ng kasunod na sasabihin niya.


BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ