14

387 80 2
                                    




Pass midnight na ng natapos silang uminom at heto kaming girls ngayon inaasikaso sila. Maliban lang kay Stan na piniling wag talagang uminom dahil morning nga ang game nila.


"Avo ano ba! Sinabi ng umayos ka naman ng lakad. Mabigat ka kaya." daing ko dito.


Tumawa naman ito. Tumayo din siya ng bahagya bago pinanggigilan ang pisnge ko. "Ang cute cute talaga ng girlfriend ko." sabi niya pa.


Naiinis ko naman itong tinignan kaya naman hinawakan niya ang salubong kong kilay at inaktong inaayos ito. "Babe mas maganda ka kapag hindi iisa ang kilay mo." sabi niya pa na mas lalo kong ikinainis.


Sa lahat, siya ang pinakamaarte. Gusto akong tulungan ni Stan kanina sa pagaasikaso sa kanya pero ang kumag ayaw pumayag. Kaya naman ako tuloy ang nahihirapan ngayon.


"I have a game tomorrow, pakiusap magpatulog ka naman Avo." naiinis kong sabi sa kanya na ikinasimangot niya.


"You love volleyball than me?" parang batang maktol nito at hinila-hila pa ang t-shirt na pinasuot niya sakin kanina.


"Avo ano ba? Quiet! Tulog na silang lahat ang ingay mo." saway ko dito bago ito muling inakay papasok sa isang guest room dito.


Alangan naman sa kwarto ko siya patulugin? Masyado naman yata siyang sinuswerte pag nagkataon.


Ibinaba ko siya sa kama habang hinahabol ko naman ang hininga ko. Daig ko pa ang nagalaga ng sanggol sa pagod ko kaya naman nilingon ko ito at tinapunan ng masamang tingin.


"Humanda ka talaga sakin bukas Aviele Owen Hernandez. Sinasabi ko talaga sayo!" naiinis kong sabi.


Lalabas na sana ako sa kwartong iyon my maalala ko ang itsura niya. Muli ko siyang nilingon at huminga ako ng malalim bago lapitan ito ulit.


Iniayos ko siya ng higa. Kinuha ko ang bag niyang nasa gilid at kumuha ng isang t-shirt doon upang ipasuot dito. Nang maramdaman ko ang bahagyang pagtulo ng tubig sa ulo niya ay kinuha ko ang towel sa may cabinet at ipinunas ito sa kanyang buhok.


Ilang sandali ang lumipas bago naging maayos ang lahat kaya naman tumayo na ko muli sa kama at kinumutan ito ng maayos. Ngunit ganon na lamang ang gulat ko ng hawakan nito ang aking kamay.


Nilingon ko siya at nakita ko itong nakatitig sakin na tila ba kanina pa nagmamasid "Ah sige, aalis na ko" paalam ko sa kanya at hinila ang kamay kong hawak niya pero bigo ako dahil hindi niya iyon pinakawalan.


"Kailangan ko ng umalis, magpapahinga na din ako." ani ko ngunit hinila niya ako dahilan ng pagkakaupo ko muli sa kama at ang paglapit ng aming mukha sa isa't-isa.


Dumagundong ang buong sistema ko ng dahil rito, nakita ko naman kung paano siya lumunok ng ilang beses bago ibinaba ang kanyang paningin mula saking mata patungo saking labi.

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now