18

339 81 6
                                    




Ang lahat ay isa lamang palabas.


Paulit-ulit na sabi ko sa sarili ko sa sandaling ito, gusto kong magalit. Gustong-gusto kong sumigaw at magwala sa pagkakataong ito. Ang lahat ng hinala ay tumama at masakit mang isipin ay talo ako, talong-talo.


Kasabay ng walang humpay na pagbagsak ng luha ko ay ang pagbagsak ko din sa sahig at batid kong naglikha 'yon ng ingay. Pinanood ko kung paano dahan-dahan na lumingon si Avo sakin. Nakita ko kung paano unti-unting lumaki ang kanyang matang nakamasid sakin. 


"M-Mika.." nauutal na sabi niya habang puno ng emosyon ang kanyang mga mata.


Gustuhin ko man na sumagot sa kanya ay hindi ko magawa.


Pakiusap magpaliwanag ka Avo, sabihin mong hindi totoo ang lahat ng narinig ko at kakalimutan ko ang lahat ng 'yon. Humakbang ito palapit sa gawi ko ngunit mabilis na nahawakan ni Louisse ang kaliwang kamay nito dahilan para muli niya itong lingunin.


Nangungusap ang mga mata ni Louisse na para bang may nais na iparating kay Avo. Muli naman itong tumingin sakin pero di gaya ng kanina, blanko na ang ekspresyon nito.


"Ayoko na."


Sa pangalawang pagkakataon ay binigo niya muli ako.


That is not what I want to hear from you Avo, I want you to say sorry and we will both forget what happened sigaw ko sa utak ko.


Mapakla akong ngumiti. "Saan ako nagkulang?" mahina kong tanong sa kanya. "Anong mali sakin? May mali ba 'kong nagawa? May ayaw mo ba 'kong nagawa? Please Avo, tell me aayusin ko."


Tumingin ito sa ibang direksyon. Batid kong hindi niya gustong makita ang kalagayan ko ngayon.


"Wala kang pagkukulang, wala kang nagawang mali, at wala akong ayaw na nagawa mo." malamig na tugon nito.


"Kung ganon, bakit?" tanging sambit ko.


Muli niya kong tinignan. "I don't love you, that's why." simpleng sagot niya na para bang wala lang talaga ako sa kanya.


Napalunok ako ng mariin.


"H..Hindi mo ko mahal?" subukan ko mang hindi mautal ay hindi ko na kaya ang emosyon na nananaig sa sistema ko. "Kung ganon bakit mo ko nilapitan? Bakit mo ko niligawan? Bakit mo paulit-ulit na sinabing mahal mo ko kung hindi naman pala talaga?"


He smirked after hearing my questions.


"You want to know the answer, huh?" nanunuyang sabi nito at bahagyang umupo upang magkapantay ang mga mukha namin. "Because I hate girls like you..a party girl, a self proclaimed famous volleyball player, and a girl who have a lot of guys around her. Tell me who would want a girl like you? huh?"

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now