2

564 142 43
                                    




Wala na kong nagawa pa kundi sundan na lamang si Mich na papunta na sa table nila Stan.


"Hi Mika" bati sakin ni Gab ng nakangiti. 


Actually hindi naman talaga masama ang ugali niya. Maybe because she's always with Stan kaya naiinis ako sa kanya. And no doubt she's also too good to be true. Siya yung tipo ng babae na parang di makabasag pinggan.


"Hello." tanging sagot ko sa kanya at naupo na sa tabi ni Stan.


Nagsimula ng kumain ng mapansin kong may nakatitig sakin at ng inangat ko ang aking paningin ay tama nga ako ng mapansin kong bahagya pang tumawa ng mahina si Avo. He's staring at me.


Kung su-swertehin ka nga naman. Awkward na nga na nasa gitna namin ni Gab si Stan tapos ito pang isang to ang kaharap ko, jusko bakit ngayon naman? At sa di ko namamalayan ay nasapo ko pala ang noo ko dahilan ng pagtigil ng mga kasama ko sa pagkain.


"Mikay are you okay?" Stan asked at gustong-gusto ko sabihin na hindi. Hindi ako masayang nakikita ang pagmumukha ng antipatiko mong kaibigan at mas lalong hindi ako natutuwa na mukhang sobrang saya mo kapag kausap si Gab pero wala akong ibang ginawa kung hindi tumango na lamang. "Ah by the way how was the celebration yesterday, did you enjoy?" tanong nito.


"Wala siya kahapon." maikling sagot ni Avo na ikinasingkit ng mga mata ko. Hindi naman kasi siya ang tinatanong bakit ba pumapapel siya?


Nagtatakang tumingin sakin si Stan. "Paanong wala? Diba dapat celebration natin yon?" he asked.


"Yes. It was supposed to be our celebration, but you're not around" I answered him.


Kahit na anong pilit kong hindi magtunog hilaw ay parang ganon pa din ang dating ng pagkakasabi ko. And I feel bad for Gab kahit na totoo naman na it was supposed to be our day pero dahil may lakad sila ay hindi natuloy, but still, I should understand them.


"But I told you I have something to finish." he reasoned out.


"And it's okay. It's no big deal actually." gusto ko ng tapusin ang usapan na ito dahil baka kung saan pa makarating.


"Anong no big deal ka dyan?" tanong ni Mich na nakataas ang isang kilay. "Just so you know Mr. Torres masama ang pakiramdam ni Mika kahapon kaya hindi siya nakapunta." pagsusungit nito na animong kasalanan ni Stan kung bakit masama ang pakiramdam ko na hindi naman dahil kasalanan yon ng lalaking nasa harapan ko ngayon!


Agad akong tinapunan ni Stan ng nagaalalang tingin at kinapa ang noo ko. "Ayos na ba ang pakiramdam mo ngayon? Bakit hindi mo sinabi sakin kahapon na masama pala ang pakiramdam mo?" tanong nito.


"Hindi niya sasabihin kasi hindi naman talaga." madiin ang bawal bigkas ni Avo na animoy hindi nagugustuhan ang sitwasyon.


Huh. Siya pa ang may ganang umakto ng ganyan?


BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon