20

390 78 2
                                    




"I'm the one who should ask that. What's with Louisse? Sino ba talaga siya sa buhay ni Avo?"


Mas lalo namang nangunot ang noo ni Bryan sa naging tanong ko at bahagya itong napaisip. Nilingon naman nito si Angel at maging ito ay mukhang hindi alam kung anong dapat sabihin.


"Sa totoo lang Miru...hindi namin kilala si Louisse." paunang ani nito ."Ngayon lang din talaga namin siya nakita kaya tingin namin ay bagong kakilala lamang siya ni Avo."


"Imposible..." tugon ko.


"Bakit twin?" kunot noong tanong din ni Michelle.


"The day when I went to Avo's house to meet his parents...she was there."


Kita ko ang pag-guhit ng gulat sa mga mukha nila ng dahil sa kanilang narinig kaya naman ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukan kong alalahanin ang nangyari nung araw na 'yon.


Kung paano masayang nakipagtawanan ang mga magulang ni Avo kay Louisse bago kami dumating.


Kung paano sila makitungo sa isa'-isa, hindi 'yon kakikilala lang.


It looks like they know each other for a long time. Then our conversation suddenly pop up on my mind.


"What if I tell you, I know something you don't know"


"Dear gugustuhin mong hindi ako makilala ng lubos kasi for sure it will be your end if you'll know who I am."


Nagmulat ako ng mata pagkatapos alalahanin ang mga binitawan niyang salita sakin. What does she mean by that?


Sino ka ba talaga Louisse?


"Twin.." bumalik ako sa sarili ko ng tawagin ako ni Michelle. "Iniisip mo pa din ba yung naging paguusap ninyo kahapon?"


"Ewan ko ba twin...pero pakiramdam ko may mali talaga eh."


"Walang mali 'don. Ang tawag 'don ay babaero siya, hindi siya marunong makuntento. Anong akala niya sayo? Damit? Na kapag ayaw niya na pwedeng niyang hubarin at palitan ng bago?" nanggagalaiting ani nito.


"Tingin mo ba sila talaga?"


Agad naman itong tumango. "Gaya nga ng sabi ni Angel, imposibleng kamag-anak niya si Louisse dahil kilala nila ang pamilya ni Avo."


Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa naging sagot nito. Gusto kong maniwala sa lahat ng 'yon pero may kung ano sa loob ko ang hindi ko makumbinsi.


"Twin.." muling kuha ni Michelle sa atensyon ko kaya naman agad ko itong nilingon. "Don't think too much please. Give yourself a break, hindi ang katulad ni Avo ang dapat magpabagsak sa isang kagaya mo. Remember our promise to each other, we're not going to give up everything just because of a man nakalimutan mo na ba?"

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon