25

486 79 2
                                    




"Mika matagal ka pa ba?" sigaw ni Angel mula sa labas.


"Wait. Give me a seconds." sagot ko naman dito.


I looked myself once again in the mirror before I finally opened the door to go out. The two girls instantly looked at me and parted their lips.


"Omg you look so hot Mika!" tili ni Angel at agad na lumapit sakin.


I smiled to her.


"Kailan ba 'ko hindi naging hot basta ganito ang usapan?" I teased her.


"Sana all gifted, hindi lang sa hinaharap pati na din sa likod." nakangusong sabi nito.


Natawa naman ako dahil 'don. "Sira ka talaga!"


"Ikaw na, ikaw na talaga." at umakto pa itong parang may ipinapatong na korona sa ulo ko.


Pinalo ko naman ng mahina ang kamay niya.


"Magtigil ka nga"


Pigil tawang huminto naman ito sa kanyang kakulitan. Si Michelle naman na kaninang nakikitawa ay huminto na din. Nagaayos kami ng gamit ng biglang may kumatok sa pintuan. Excited naman iyong binuksan ni Angel at iniluwa 'non si Chris.


"Are you girls ready?" he asked.


Me and Michelle just nodded to him at tuluyan na silang lumabas ni Angel leaving us alone.


"Kaya pa ba?"


Michelle immediately looked at me and gave me a smile before going out. Yung ngiting alam kong puno ng lungkot. Gustuhin ko man pagaanin ang loob niya ay alam kong hindi ko din magagawa so I just shut my mouth at agad na sumunod dito.


"Hi Mikay!" agad na bati ni Stan paglabas ko.


Nilapitan ko naman ito at kinapa ang ang noo at leeg niya.


"Buti naman okay ka na."


"Oo naman magaling nurse ko eh." tumatawang sagot niya.


Inabot ko naman ang ilong niya upang pisilin.


"Bolero!"


"Ako?" turo niya sa sarili niya. "Bolero?"


"Oo." I rolled my eyes bago sinundan ang iba naming kasama.


Panay naman ang pagtawag sakin ni Stan pero hindi ko siya pinapansin. Nang tuluyan na 'kong makalabas ay ramdam ko pa din ang pagsunod nito. Nahinto naman ako sa paglalakad ng makita ko si Avo na nakatingin sa gawi ko habang may mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now