28

398 77 4
                                    




"HNU! HNU! HNU!" rinig kong sigaw ng crowd sa pagpasok pa lang namin sa loob ng gymnasium.


Kapansin-pansin na excited ang lahat at kahit naman ako ay ganon din ang nararamdaman.


"Congrats Captain!" rinig kong sabi ng mga ka-teammates ko kaya naman agad kong nilingon ang direksyong tanaw nila.


At doon bumungad sakin ang nakangiting si Stanley na ngayon ay tumatagaktak pa din ang pawis.


Napangiti ako at ganon din siya. Lumakad ito palapit sa'kin.


"Congrats!" masayang ani ko bago ito dinamba ng isang mahigpit na yakap.


Hindi ko na pinansin ang mga matang nakatingin sa'min ngayon dahil sa sayang nararamdaman ko para ditto.


Tulad kasi ng inaasahan ay sila ang itinuring na champion sa men's volleyball tournament. Hindi pa inilabas ang list of awardee at plano nilang after na daw sa game namin.


"Ehem!" rinig kong tikhim mula sa likod ko kaya naman nauna na akong kumalas mula sa pagkakayakap namin.


Sa paglingon ko ay nakita ko kaagad ang mukha ng mga kaibigan namin na kagaya ko ay puno din ng galak. Isa-isa silang bumati kay Stan at hindi man lang pinansin ang presensya ko kaya naman nailing akong tumawa bago tinanaw ang ibang direksyon.


Dumako naman ang aking mga mata sa gawi ni Gab na ngayon ay nakatingin kay Stan. Puno ng galak ang mga mata nitong mapupungay. Mukhang napansin niya ang pagtitig ko sa kanya kaya naman lumingon ito sa'kin at ng magtama ang mga mata namin ay agad nitong binawi ang kanyang tingin.


Walang sabing pumunta ito sa direksyon ng mga ka-teammates namin. Muli ko naming itinuon ang atensyon ko sa aking mga kaibigan ngunit sa di inaasahan ay nakita ko ang pagsunod ng tingin ni Stan kay Gab.


I sighed. It's too obvious that he likes her but he kept on denying it.


"Goodluck, Miru." biglang sabi ni Bryan sabay abot sakin ng 500ml na gatorade.


Natatawa ko naman iyong kinuha.


"Nag-abala ka pa. Madami naman kaming ganito sa cooler namin."


"Pero hindi naman yan kagaya ng nandon." mayabang na ani nito.


Tinaasan ko naman ito ng dalawang kilay na para bang hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin. But instead of answering me, he tapped my head and he leaned closer to me before giving me a peck on my nose.


This guy!!


"Hoy, bawal yang ginagawa mo kay Mikay ah!" alma agad ni Stan bago ako hinila palayo dito.

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now