12

413 82 0
                                    




Ayokong lingunin siya, hindi ko kaya. Akala ko ayos na ang lahat pero apektado pa din pala ako. Bakit ba kasi bumalik pa siya?


Natapos ang buong klase namin ng ganon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Alam kong hindi ko dapat siya takbuhan dahil kahit papaano ay magkaibigan pa din kami pero ganon pa man ay bumabalik sakin ang sitwasyon ko nung panahong naglaho siyang bigla.


"Mika, pwede ba kami sumabay sa inyo kumain? Just like the old times sana?" tanong ni Angel na ikinatigil ko.


Oo pwede kang sumabay, pero hindi ang isang yan sigaw ng isip ko. "Oo naman." tipid kong sagot at ngumiti sa kanya.


"Thank you..." masayang tugon nito at niyakap ako ng mahigpit, gumanti naman ako agad sa kanya. "I miss you talaga." dagdag pa nito na ikinangiti ko.


"I miss you too Angel.."


"Hoy bruha ka! Ako hindi mo ko miss?" nagtatampong sabi ni Mich.


Kumalas naman agad sakin si Angel at niyakap din si Mich "Of course I miss you, nakakamiss kaya ang ingay mo." sabay pa silang natawa sa sinabi nito.


"Ang daya sila miss na miss mo tapos ako hindi mo man lang tinitignan." sabi naman ni Chris.


Tinignan naman ito ni Angel at ngumiti ng nakakaloko. Lumapit siya kay Chris at pinisil ang pisnge nito. "Ito naman, masyadong seloso mas namiss naman kita." sabi nito bago niya niyakap si Chris. "Nagbehave ka ba dito?" tanong nito at inangat ang ulo niya upang tanawin si Chris.


Nakita ko naman ang titigan ni Mich at Chris pero ilang sandali lang ay binawi ito ni Mich. Binalik naman ni Chris ang tingin kay Angel. "Oo naman." sagot nito dito.


"Aw good to know.." tugon ni Angel tsaka inangkla ang kanyang braso sa braso ni Chris.


"Miru-"


"Let's go guys? Gutom na ako." putol ko dito at dali-daling lumabas.


Paglabas ko ay mukha ni Avo ang una kong nakita, nakasandal ito sa dingding habang ang mga kamay nito ay nasa pulsa ng slacks niya. Mabilis naman siyang lumapit ng makita niya ako at ganon na lang ang gulat nito ng makita kung sino ang nasa likod ko.


"Tol." bati sa kanya ni Bryan at nilapitan pa siya nito para yakapin, nagtataka ko silang tinignan. "Kamusta ka na? Sinabihan kaba ni Chris na nakabalik na kami kaya ka nandito?" tanong nito na tuluyang nagpakunot sa noo ko.


Magkakilala sila?


"Hindi, wala namang nabanggit sakin si Redido." casual na sagot naman ni Avo ng makabawi ito sa eksena ngayon. Kumunot naman ang noo ni Bryan sa naging sagot nito, bahagya akong hinila ni Avo palapit sa kanya at ipinulupot nito ang kanyang braso sa aking bewang habang ang mga mata nito ay tutok pa din kay Bryan. Nakita ko naman kung paano bumaba ang tingin nito sa kamay ni Avo na ngayon ay nasa bewang ko, maging ang gulat na mukha ni Angel ay hindi nakaligtas sa paningin ko. 

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon