1

819 147 76
                                    




"Hi Mika."


"Good Morning Mika."


"Ang galing mo kahapon Mika."


"Congratulations Mika."


"Ang ganda mo talaga Mika."


Iilan lang yan sa mga bati sakin ng schoolmates ko and I just smiled to them. Hindi naman ako masungit or what, sadyang tinatamad lang akong sagutin ang lahat ng bati nila at isa pa, hindi naman kasi lahat ng bumabati sayo totoo. So, just smile. At least hindi ka na nakipagplastikan, hindi ka pa makakapagbitaw ng hindi magandang salita.


"Twin!" rinig kong tawag sa akin ni Mich


"Good morning twin." walang gana ko namang bati sa kanya


"Hoy babae ka! Bakit bigla kang nawala kahapon? Loka ka akala namin sabay kayong darating ni Avo but then, pumunta siya magisa, anyare?"


Isa pa to sa iniisip ko, si Avo. Hindi niya 'ko pinatulog magdamag kakaisip sa ginawa niya sakin kahapon sa locker room. Hindi ko tuloy alam kung anong mukhang ihaharap ko sa kanya ngayon.


"Twin ano na?" tanong ni mich ng hindi ako makasagot agad sa kanya.


"Ah sumama kasi yung pakiramdam ko kahapon that's why umuwi agad ako. I'm sorry." sagot ko sa kanya.


I bit my lip trying to compose myself dahil kahit na ayaw kong magsinungaling sa kanya, ayaw ko din na malaman niyang may ganoong eksenang nangyari. She knows me so well to the point na kapag nalaman niyang naapektuhan ako kay Avo, iisipin niyang may something ako.


Kaya it's really better to be quiet na lang.


"Dapat nagsabi ka sakin, celebration mo yon tapos ikaw yung wala nakakaloka ka talaga pero ngayon ba okay ka na?" ramdam ko na may pagaalala sa boses niya ng itanong niya yon.


"Oo naman ayos na ko no need to worry." sabi ko at nagbigay ng nakakakumbinsing ngiti sa kanya.


"If you say so. Basta wag kang masyadong nagpapagod sa training baka naman kasi wala ka ng maayos na pahinga. Nako Mikaela Ruiz Dela Cuesta sinasabi ko sayo ha. Hindi mo madadala sa hukay ang awards na makukuha mo." pagpapaalala niya sakin na nakpagpangiti sakin ng husto.


"Yes mommy.." pangaasar ko sa kanya na ikinasimangot niya.


"Mika, I'm serious. Masyado kang tutok sa pagaaral at sa trainings mo. Give yourself a break c'mon!" seryosong sabi niya na ns ikinatigil ko.


"You know na hindi ako pwedeng magpabaya right? I need to be consistent with my grades and kung kaya pa nga I need to excel more. And lalong hindi ako pwedeng ma-distract sa trainings ko, we need to get the back to back title." pagpapaliwanag ko sa kanya.

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now